Chapter 76– Pagamin sa totoong nararamdaman Ariana Xiamara HANGGANG sa pagtulog ay dala–dala ng isip ko ang mga sinabi ni Lola. Siguro nga tama siya. Dapat kong tanggapin ang plantation. Alam ko na akin talaga ang Plantation, pero hindi ibig sabihin na aangkinin ko rin ang lahat ng credits. Si Azreal pa rin ang nagpalago nito mula sa pagkalugi, at kahit hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon, hindi ko rin maikakaila ang ginawa niya sa plantation ng aking ina. Pero iba ang pasasalamat sa pagpapatawad. Ang pagpapatawad ay hindi basta–basta binibigay. At kung dumating man ang araw na iyon, gusto kong siguruhin na hindi na ako muling masasaktan. Sa ngayon, ang alam ko lang, siya pa rin ang ama ng anak ko. At least doon, may linaw na. Co–parenting lang muna kami kay baby. Pinikit ko ang m

