Chapter 49– Ninong, huh? Ariana Xiamara "CRISTY." Malumanay ang tono, pero mapaglinlang. Parang awtomatikong tumigil ang buong paligid. Napahinto din kami ni Cristy sa paglalakad, sabay kaming nagkatinginan. Parehong kinakabahan. Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. "Patay tayo," sambit niya, halos nanigas ang katawan. "Nakita na niya tayo. Wala na tayong choice kundi harapin siya." Gusto kong umiling. Gusto kong tumakbo. Pero sa presensya ni Azreal, tila nawala ang kakayahan kong gumalaw. Ang puso ko, kulang na lang lumabas sa dibdib ko sa matinding kaba. Dahan–dahan kaming lumingon. At sa sandaling magtama ang mga mata namin, naramdaman ko ang matinding paglamig ng aking katawan at gustuhin ko na lang na kainin ng lupa sa takot. Nakatayo siya ilang hakban

