Chapter 48 Ariana Xiamara TUMANGO ako at sabay–sabay kaming pumasok sa loob ng hotel. Mamahalin ang bawat sulok—mga chandeliers na kumikislap sa ilaw, elegante ang paligid, pati mga bisitang bihis na bihis. Pero wala akong panahon para ma–intimidate. Hindi ito ang mundo ko, pero hindi ibig sabihin na hindi ko ito kayang sabayan. Dumiretso kami sa restaurant ng hotel, at pagkarating namin, agad napansin ni Rodel ang isang lalaki na nakaupo sa gitnang mesa. Matangkad, may pormang pang–business casual, at halatang sanay sa ganitong klase ng lugar. Napansin ko rin ang ilang babae sa ibang mesa na patagong sumusulyap sa kanya—isang senyales na hindi lang si Rodel ang may opinyong "pogi" ang date ko. "Aria, meet Calix," nakangiting sabi ni Rodel habang kinawayan ang lalaki. I furrowed my br

