Chapter 47–Mabuti raw Ariana Xiamara HABANG nasa biyahe, ang ingay–ingay ni Cristy at panay ang tanong kay Rodel tungkol sa budget nito para sa date. "Sigurado ka bang may panggastos ka? Hindi pwedeng puro yabang lang ha," natatawang tanong ni Cristy habang nakasandal sa upuan. Ngumisi si Rodel at mayabang na sumagot. "Of course! Binigyan ako ni Boss Felix ng 200k pang–date ko. Kaya huwag kayong mag–alala, ladies. We're going all out today and tonight!" Halos lumuwa ang mata ni Cristy. "200k? Tangina, Rodel! Pambili na 'yan ng motor! Brand new pa!" "Ano ka ba?" ani Rodel habang hawak ang manibela. "Kaya nga sa five–star hotel ko kayo dadalhin. At ang sasakyan na gamit ko? Full tank na ito! Binigyan ako ng permit ni Bossing na gamitin ito buong magdamag. Kulang pa ba 'yon?" May kayaba

