Chapter 28 Ariana Xiamara "SINO po si Madam?" Napabuntong–hininga si Aling Helen at saglit na tumingin sa akin bago sumagot. "Ang ina ni Azreal," mahinahon niyang sabi. "Nakauwi na pala galing Australia. Siguro, ubos na naman ang pera kaya narito na naman para humingi ulit kay Felix," halata ang pagkadismaya sa tinig nito Napakunot ang noo ko sa narinig. "Ganun po ba?" "Makapal ang mukha ng babaeng iyon," naiinis na sambit ni Manang. "Ni hindi nga niya maalagaan ang mga anak niya noong bata pa, pero ngayon, parang ginawang source of income si Felix. Isang pabayang ina." Nalulungkot ako sa narinig na may ina na kayang tiisin ang mga anak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pero parang unti–unti kong nauunawaan kung bakit siya naging ganoon katigas at malamig. Tumayo si Manan

