Chapter 27 Ariana Xiamara "ARIA," he murmured, "when are you going to stop being so stubborn?" Sa isip ko, Ako pa ngayon ang stubborn? Gusto ko siyang sagutin, gusto kong sabihin na wala akong ginustong mangyari sa lahat ng ito, pero wala nang lakas ang katawan ko. Pakiramdam ko'y unti–unti na akong hinahatak ng dilim. Hanggang sa nararamdaman ko ang paglapat ng likod ko sa kama. The softness of the bed was unmistakable—parang hinihila ako ng lambot nito para magpahinga. Pero kahit anong gawin ko, masakit pa rin ang ulo ko. Ang init ng katawan ko, at nanlalamig ako sa loob. I was shivering, uncontrollably. Bigla kong naramdaman ang pagtusok sa braso ko, na parang kagat ng langgam. Gusto kong kumilos, pero parang mas mabigat pa sa katawan ko ang mga pwersang humihila pababa sa akin. Na

