Chapter 69 Azreal Felix I LET out a deep sigh, habang nakaupo sa opisina. Mula pa kanina, nakatitig lang ako sa mga papeles sa harapan ko, pero kahit anong pilit kong basahin, wala akong nauunawaan. Isang linggo na simula nang umalis si Aria. Dapat ay wala na akong pakialam, pero hindi ganoon kadali. She occupied my thoughts everyday kahit humarap ako sa salamin siya ang nakikita ko. Pinayagan ko siyang umalis, pero hindi ibig sabihin ay tuluyan ko siyang binitiwan. I still keep track of her, secretly watching from a distance. Kahit papaano, alam ko pa rin ang nangyayari sa kanya. I smiled bitterly. Ibinalibag ko ang hawak na papel sa ibabaw ng mesa, napahilot ako ng sentido saka isinandal ang likod ko sa swivel chair. Pumikit ako, hinayaang lumutang sa isipan ko ang araw na una kong

