Chapter 68–Reunited Ariana Xiamara NAKATANAW lang ako sa labas ng eroplano, pinagmasdan ang malawak na himpapawid na unti–unting tinatabunan ng ulap. Ilang buwan rin akong nawalay sa mga mahal ko sa buhay. Naiiyak ako sa matinding pananabik. Sa wakas, makakauwi na rin ako. Ilang oras na lang, makikita ko na si Lola. At mahahawakan ko na si Alpha. Napapikit ako at huminga nang malalim, pero kahit anong gawin ko, pumapasok pa rin siya sa isip—si Azreal. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi dapat. Hindi na kailangan. Pero kahit pilit kong iwaksi ang mukha niya sa isipan ko, may mga alaalang hindi ko kayang basta na lang itapon. Mga sandaling akala ko, may halaga na ako. Pero pinalaya niya ako—hindi sa paraan na inakala kong gusto ko, kundi sa paraang winasak niya ako nang tuluyan. Hindi ko s

