Chapter 55–Childhood Ariana Xiamara BAHAGYA akong nalito at napatingin ako kay Azreal, naghihintay ng kasagutan. "Home?" wala sa sariling ulit ko, hindi sigurado kung tama ang narinig ko. He nodded. "Ito ang tahanan ko nung bata pa ako. Dito ako lumaki kasama ang lola ko at ang nakababata kong kapatid." Parang hindi agad nagsink in sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko ma–imagine si Azreal—ang lalaking nasa harapan ko ngayon, strong, successful, and always in control—na lumaki sa isang lugar na halatang matagal nang iniwan ng panahon. Totoo lahat ng mga sinasabi sa akin ni Cristy. Binitiwan niya ang kamay ko at tuluyang pumasok sa loob. Mabilis akong sumunod, pero pagpasok ko, parang huminto ang paligif ko sa nakita. The air was thick with dust, at bawat galaw ko, ramdam kong lumulut

