Chapter 56–Magulo kausap Ariana Xiamara HABANG umaandar ang sasakyan binalot pa rin ang isip ko ng mga katanungan. "Azreal, magkwento ka pa," na excite kong sabi habang nakasandal sa upuan, nakatingin sa kanya. "Ano'ng nangyari sa'yo sa Maynila?" Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya, nakatutok ang tingin sa kalsada habang mahigpit na hawak ang manibela. Hindi pa rin ako nagpatinag. Gusto ko talagang marinig ang kwento niya. Kung kagaya ba ito sa kwento ni Cristy. "Seryoso, Azreal! Kanina ang dami mong sinabi, tapos ngayon wala na? Sige na magkwento ka pa," pangungulit ko with wide opened smile sa labi ko. Wala pa rin. Napabuntong–hininga ako. Naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa aircon, pero hindi nito napawi ang pakiramdam kong parang may pader na namang namagitan sa namin.

