Chapter 39 Ariana Xiamara MULI akong napatingin kay Rodel habang nakikiramdam ako, kung papayag kaya siya sa gusto ko. "Rodel, may hihingin sana akong pabor." Tumaas ang kilay niya. "Ano 'yon?" Nag–aalangan akong ngumiti. "Pwede ko bang hiramin ang cellphone mo?" Bahagyang kumunot ang noo niya. "Bakit? May tatawagan ka?" Tumango ako. "Gusto ko sanang makausap ang Lola ko." Saglit siyang natahimik, parang pinag–iisipan kung papayag siya. Maya–maya, bumuntong–hininga siya, dinukot sa kanyang bulsa ang cellphone. "Sige, pero isang kondisyon—huwag mong sasabihin kung nasaan ka." Mabilis akong tumango. "Promise, hindi ko sasabihin." Agad niyang iniabot ang cellphone, at nang lumapat iyon sa kamay ko, para akong siniklot ng emosyon. Excited. Kinakabahan. Takot. Sabik. Mabilis kong tini

