Chapter 79–Asawa ko siya Ariana Xiamara NAKAHIGA ako sa higaan, pero hindi ako mapakali nakatitig lang ako sa kisame. Paulit–ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi ni Azreal. His words, his regrets, his promises. Alam kong hindi ganun kadali ang lahat. Hindi lang ito simpleng sorry at tapos na ang lahat. Marami siyang kasalanan, marami siyang dapat patunayan. Kaya dapat pag–isipan kong mabuti bago ako magdesisyon, para ibigay ang kapatawaran ko. I took a calming breath, napahawak ako sa tiyan ko kasabay nang pagpikit ng mga mata ko, pero bago pa ako tuluyang lamunin ng malalim na pag–iisip, naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko. "Mama," mahinang bulong ni Alpha sa tenga ko. Agad akong napabangon at napangiti sa kanya. "Hmm...? Bakit may kailangan ka?" Malambing na anon

