Chapter 80–Napuno na ang Salop Azreal Felix PAGKATAPOS kong masabi ang gusto kong sabihin kay Fabio. Humarap ako kay Aria, na ang mga mata ngayon ay puno ng kalituhan. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya sa ganitong paraan pero andito na ako sa sitwsyong ito, buong tapang kong sinabi sa kanya ang katotohanan. "We're married," mariin kong binigkas, loud and clear, pilit inuunawa ang tingin niya. She froze for a while. Tapos, isang mapait na tawa ang pinakawalan niya. Isang tawa na puno ng frustration, na puno ng poot na bumabalot sa kanya Nakita ko kung paano humigpit ang pagkuyom ng kanyang mga kamao sa magkabilang tagiliran niya. Ang bawat paghinga niya'y mabigat. Ang nakikita kong sakit sa mga mata niya'y tila may pinilas na bahagi sa dibdib ko. And it was so painful at halos hindi ako

