Chapter 15 Ariana Xiamara HABANG nasa biyahe kami pareho kaming tahimik ni Attorney. Nakaupo siya sa tabi ko, seryoso ang kanyang expression, na para bang may malalim siyang iniisip. Ako naman, pilit na pinapanatag ang sarili habang ang mga mata ko ay nakatutok sa labas ng bintana. Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko, sa wakas. Nakikita ko na ngayon ang tanawin—mga matatayog na puno at makakapal na halaman na tila wala nang katapusan. Saglit akong lumingon sa likuran ko bago binalik ang paningin sa labas ng bintana. Nakahinga na ako nang maluwag. Malayo na kami sa Casa, at kahit paano, pakiramdam ko ay lumalayo na rin ako sa mga bangungot ng nakaraan ko roon, pero paano si Chel? Hindi ko maiwasang isipin ang aking kaibigan. But for now, para akong ibon na bagong nakalay

