Chapter 16 Ariana Xiamara TAHIMIK lang akong nakasunod kay Attorney habang siya naman ay nakasunod sa dalawang kasambahay na pawang magalang na nauuna sa amin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag na tila ba dito ako humuhugot ng lakas. Hindi ko maiwasang mapalinga–linga sa paligid habang naglalakad kami papasok sa loob ng mansiyon. Kung maganda na sa labas, mas higit na kamangha–mangha ang loob. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagarang bahay pero nakakabingi naman ang katahimikan. Napatingin ako sa foyer na tila sinadyang mag–iwan ng matinding impresyon. Ang marmol na sahig ay makintab na pwede kang manalamin, na nagpapakita ng repleksiyon ng mga malalaking chandelier na nakasabit sa magarang kisame. Ang ilaw nito ay nagkakalat ng golden hue, nagbibigay n

