Chapter 24: Locked

2096 Words

Chapter 24 Ariana Xiamara "SIR, ano ba?" Piglas ko. Ngunit ayaw niya akong bitawan. "Wala akong balak na maguwi ng katulong na lasing sa pamamahay ko," wika nito sa matabang na tono. Lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko, nasasaktan ako pero hindi ko pinahalata. Patuloy niya akong pasimpleng kinaladlad palabas ng hotel. "Ang landi–landi mong babae ka, kung sino–sino na lang ang gusto mong landiin." He whispered in my ear. Pagdating namin sa labas ng hotel, agad na huminto sa tapat namin ang sasakyan. Mabilis na binuksan ni Rodel ang pinto ng sasakyan sa likod. Ngunit hindi pa man tuluyang bumubukas ang pinto ay itinulak na niya ako papasok sa loob. Napasubsob ako sa kabilang pinto ng sasakyan, at kung hindi ako nakaalalay sa sarili ko, tiyak na tumama ang mukha ko nang malakas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD