Chapter 25 Ariana Xiamara I HAVE no choice kundi umupo sa gilid na may malamig na sahig. Sa kabila ng malinis na paligid, hindi nito natatanggal ang pakiramdam ng pagiging preso. I took a calming breath. Inilapat ang ulo ko sa malamig na pader, yakap–yakap ang sarili. Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari sa akin sa Casa, noong kinulong nila ako sa maliit na kwarto dahil sa galit ni Amaya. Parehong takot, parehong kaba. Napapikit ako, pilit iniisip na hindi ako dapat panghinaan ng loob. Kailangan kong magpakatatag. Para kay Alpha. Para kay Lola. Namamasa ang mga mata ko pero hindi ako iiyak. Isiniksik ko ang sarili sa gilid at niyakap ng mabuti ang sarili ko mula sa lamig. "It's okay, Ariana Xiamara. This is just for tonight," bulong ko sa sarili, kahit pa pakiramdam ko'y wala nang

