Chapter 73–Plano Third Person POV "WAIT!" Itinaas niya ang dalawang kamay, parang kriminal na sumuko. "Hindi ako nandito para manggulo, okay? Gusto ko lang kausapin si Aria about our unborn child. Ayokong lumaki 'yung anak namin nang hindi niya ako kilala." Pero imbes na huminahon, lalo pang lumapit ang matanda, mas mahigpit ang kapit sa hawakan ng itak. Tila isang katipunera handang sumugod sa digmaan. "May gana ka pang magpakita pagkatapos mong pagdusahin ang apo namin?!" sigaw nito. "Matapos mo siyang lokohin, at saktan? Hayop kang lalaki ka! Hindi lang kita pagtatagain—puputol—putolin kita nang pinung–pino!" Napaatras siya, pero panay naman ang abante rin ni Cynthia. "Fabio! Pigilan mo ang matandang 'yan!" Napalingon siya sa lalaking kampanteng nakaupo sa upoang kawayan. Pero an

