Chapter 72–Hihingi ng tulong Azreal Felix WALA pang thirty–minutes nakarating kami sa bahay nila hindi ko mapigilan ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko. Mula sa bintana ng sasakyan, pinagmasdan ko kung nariyan si Aria. Isang linggo. Isang linggo mula nang huli kong makita ang mukha ni Aria. Isang linggong pagkamiss ko sa kanya at isang linggong pagsisisi sa mga kasalanan ko. Napatingin sa akin ang bata. Nakakunot ang noo nito, halatang napansin ang paninigas ng katawan ko. "Are you nervous?" He asked, sabay kibit–balikat. "Don't worry, mabait ang Mama ko at pala–kaibigan!" Hindi ko napigilan ang mapangiti na lang kahit doubted ako. Ang gaan ng loob ko sa batang ito, sa mga ang simpleng salita niya ay parang patalim musika sa puso ko. Mabait at friendly. Hindi ko alam kung ganun p

