Chapter 13 Ariana Xiamara AGAD akong inalalayan ni Chel nang makita niya akong nakaluhod sa sahig, nanginginig at umiiyak. "Halika na, Aria," mahinahon niyang sabi habang inaalalayan akong tumayo. "You need to rest. Hindi pwedeng ganyan ka." Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong sumunod sa kanya. Parang wala na akong lakas na mag–isip. Ang katawan ko, parang isang basahan na iniwan na lang sa lupa. Nang makarating kami sa kwarto ko, maingat niya akong pinaupo sa gilid ng kama. "Dito ka muna. I'll get you some water," aniya habang mabilis na kinuha ang baso sa maliit na mesa. Pinunuan niya ito ng tubig mula sa pitsel at iniabot sa akin. "Inom ka muna. It will help you calm down," dagdag niya, ang tinig niya'y puno ng awa. Mabagal kong kinuha ang baso mula sa kanya, nanginginig pa

