Chapter 12 Ariana Xiamara "I AM Attorney Claudio Enriquez," wika niya, ang boses ay may halo ng authority at professionalism. "Abogado ako ng isang kliyente na nagpadala sa akin dito para kumustahin ka." Napalunok ako. Kliyente? Sino? At bakit naman ako ang pakay nito? "K–kliyente?" tanong ko, bahagyang nauutal. "Sino po siya? At bakit siya interesado sa akin?" Ngumiti siya nang bahagya, pero ang ngiting iyon ay parang may kasamang sikreto. "Hindi ko pwedeng banggitin ang pangalan niya sa ngayon. Confidential ang lahat," sagot niya, ang boses niya ay parang nag–iiwan ng tanong kaysa sagot. Tanging pagtango ang naisagot ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Sinikap kong panatilihing kalmado ang ekspresyon ko, kahit sa loob ay naguguluhan ako. "Pero ito ang masasabi ko," patuloy n

