Chapter 20 Ariana Xiamara TAHIMIK lang ako habang nasa biyahe. Nasa likod kami pareho ni Mr. Monte falco, habang ang driver ay naka–focus sa kalsada at sa harap na upuan ay may isang lalaki. Hawak ko ang bag ko, mahigpit na tila ba iyon lang ang nagsisilbing proteksyon ko sa malamig na presensya ng lalaking katabi ko. In my peripheral vision ko, napapansin kong panaka-naka'y sinusulyapan ako. Hindi ko alam kung iniisip ba niya kung paano ako lalapastanganin sa mga salita o may kung anong naiisip siyang hindi ko mahulaan. Hindi ko na lang siya pinansin. Nang bigla siyang magsalita, binasag ang katahimikan. "Why is your hair short?" tanong niya, cold na may dalang kuryusidad. Napatingin ako sa kanya, bahagyang naguguluhan. Nakatingin siya diretso sa akin, at sa unang pagkakataon, hindi

