RAVEN Hindi ko alam kung nakailang bote na ako ng San Mig Light basta ang alam ko ay nagsisimula nang umikot ang mundo ko—o mundo nating lahat—at baka maakusahan niyo pa akong inaangkin ko ang mundo. “Uwi na tayo,” ungot ko kay kuya Raze na kanina ko pa napapansing panay ang hagod sa braso ni Asher. Kung hindi ko lang talaga kuya `to ay baka kanina ko pa nahila ang ulo niya na panay rin ang hilig sa balikat ni Ash. At ang lokong lalakeng `to, hindi man lang sinasaway ang kapatid ko. Mukhang as nag-eenjoy pa siya lalo na at sa pagkakasandal ng ulo ni kuya Raze sa balikat niya, nagkakaroon siya ng pagkakataong titigan ako. Yes, kanina ko pa nahahalatang habang nakikipag-usap siya kay kuya, panay naman naman ang sulyap niya sa akin na para bang sadyang iniinggit ako. Nakakabanas! Baka hi

