bc

MIDNIGHT LOVER

book_age16+
812
FOLLOW
2.0K
READ
manipulative
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Para makapagsulat ng isang maganda at kakaibang kwento, nagpasya si Raven na lumayo muna ng Maynila pansamantala. At sa bayan ng Javier nga siya napadpad. Doon ay nakilala niya si Asher na siyang may-ari ng apartment na tutuluyan niya.

Hindi naging maganda ang naging una nilang pagkikita dahil inakala ni Raven na miyembro ng akyat-bahay gang si Asher. Paano’y bigla na lang itong pumasok sa apartment niya’t nagpasyang matulog sa sofa.

Well, may kasalanan rin naman siya. Hindi niya ito na-inform na mapapaaga ng ilang ang dating niya. At teka nga, bakit hindi siya na-inform na ubod pala ng gwapo’t sexy ang landlord niya? At hindi lang iyon, mukhang ugali rin yata nitong tumambay sa unit ng tenants niya dahil the next few days, laging nakatambay si Asher sa unit niya—flirting with her. Kahit na nga ba sinabi niyang bakla siya.

But no, she’s not gay. She was just prying and fishing. Gusto niyang patunayang mali ang theory ng iba na kapag ang lalake pumatol sa bakla, bakla na rin. It was part of her research for the screenplay that she’s writing. And Asher’s giving him the answers to her questions without him knowing it.

Sa loob ng ilang linggong pananatili sa Javier, tuluyang nagkalapit ang loob nila ni Asher kasabay ng pagkakaroon nila ng maraming-maraming sexy times. Napatunayan niyang hindi lang ito gwapo. He also has this big soft heart. And for her, he was actually too good to be true.

At kung kelan malapit na ang happy ending sa istoryang sinusulat niya maging sa pagitan nilang dalawa, saka naman nagka-aberya sa pagitan nila. He found out that she lied to him and that she was just using him for the movie.

Handa na sana siyang lunukin ang pride niya magkaayos lang sila. Pero sisige pa ba siya kung wala pang isang araw ay ipinagpalit na siya nito sa sariling kapatid pa niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto ay mabilis na naglapat ang mga labi namin. Nangunyapit ako sa leeg niya habang siya naman ay marahang pumipisil sa hita ko na hindi naglaon ay umakyat papunta sa pang-upo ko. Mayamaya lang ay naramdaman kong umangat ang katawan ko at ngayon nga ay nakasandal na ako sa hamba ng pinto habang nakapatong ang dalawa kong legs sa malalakas niyang mga kamay. Napapangiti ako habang patuloy pa rin ang pagsibasib niya sa labi ko. Hanggang sa ang ngiti kong `yon ay tuluyang nauwi sa impit kong pagtawa.  "What's funny?" tanong ni Asher. "I'm just thinking that you can still kiss me anyway kahit nasa lapag lang ako. Why do you have to carry me in your arms?" natatawang sagot ko. "Andami mong angal. Kanina ka pa, ah. Why don't you just kiss me back? Ako naman ang mapapagod sa pagbubuhat sa 'yo at hindi ikaw. Now, kiss me." And I willingly obliged. Dahan-dahang inilapit ko ang mukha ko sa mukha niyang hanggang sa muling maglapat ang mga labi namin. At first, it was just a simple kiss. Pero habang tumatagal ay palalim iyon nang palalim. At sunod kong namalayan ay nasa sofa na kami at nakakubabaw siya sa 'kin. Napaungol pa ako nang saglit na humiwalay ang labi niya sa labi ko dahil hinubad niya ang damit niya. Tumambad sa 'kin ang maganda niyang katawan na bunga ng pagiging disiplinado sa sarili. Tila may sariling isip ang mga kamay ko at kusa iyong humaplos sa impis niyang tiyan. "Daming pandesal!" nanggigigil na sabi ko habang isa-isang hinahaplos ang mga maliliit na umbok na 'yon sa tiyan niya. "Feel and taste them. It's all yours tonight, honey." Mapanghibok na bulong niya sa 'kin itinataas niya ang damit ko. "Are you really sure about this, Asher?" tanong ko sa kanya habang ibinababa niya ang shorts ko. Ngayon ay tanging underwear na lang ang saplot ko sa katawan. "I've never been sure in my entire life exept for today. Ikaw?" "Ha-ha! Ang corny mo," tumatawang saad ko sa kanya habang inaangat ko ang katawan ko at saka inabot ng labi ko ang kaliwang n****e niya. I gently sucked it before biting it playfully. Asher really smells nice. May kung ano sa kanya na para bang nakaka-adik at para akong tangang bubuyog na sinisimsim ang nectar niya kahit na alam kong wala siya n'on. Haayyy. Kelan nga ba ako nagsimulang malulong sa lalaking 'to? Pero hindi ko nagawang bigyan ng sagot ang tanong kong 'yon dahil naramdaman ko na lang na ibinuka na ni Asher ang legs ko and positioned himself on top of me. Pero bago pa man niya magawang tuluyang magawa ang binabalak niya ay nagawa ko siyang pigilan sa pamamagitan ng pagtukod ng isa kong kamay sa dibdib niya. "Wait!" pigil ko sa kanya. Nakakunoot-noong napatingin siya sa 'kin. "Bakit?" "Since it's our first time, this has to be memorable. Alis ka muna diyan," sabi ko sabay tabig sa kanya. Tumayo ako at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto. Paglabas ko ay ngingisi-ngisi na akong nakatingin sa kanya. "Aha!" sabi ko habang iwinawagayway ang bagay na nakuha ko sa kwarto. "Seryoso?" Nasa mukha niya ang matinding discomfort. "Yes. Kaya tumayo ka diyan at kailangan ko munang husgahan 'yan," parang balewala lang na sabi ko sa kanya kahit ang totoo'y nagsisimula nang manginig mga kalamnan ko. Tumayo si Asher at bigla ay parang gusto kong pagsisihan ang kapilyahang bigla na lang pumasok sa isip ko.  Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang makita kong naglakad siya papalapit sa 'kin nang hindi ako nilulubayan ng tingin. He's like a fallen angel walking right in front of me. "Ikaw ang bahala. Basta ako alam kong hindi ako mapapahiya sa 'yo," aniya nang ilang dangkal na lang ang layo niya sa 'kin." "Wag na nga lang. Niyayabangan mo ko, eh," sabi ko at akmang ilalapag ko na sana ang "bagay" na 'yon pero mabilis niya akong napigilan. "Do it. C'mon, ikaw nagsimula nito tapos ikaw unang aatras?" Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay bumaba ang mga mata ko sa bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Wala sa sariling napatingin ako sa ruler na hawak ko. Shet. Then slowly, I kneeled and started to touch his manhood. Naramdaman ko agad ang pag-iigtingan ng mga ugat sa pagkalalake niya pagkalapat na pagkalapat pa lang ng palad ko. It was hard as a rock. Tumingala muna ako saglit kay Asher at nakita kong ngising-ngisi ang loko. Itinapat ko ang ruler sa ari niya at saka sinimulang 'sukatin' ang hmmm niya. I'm sooo bad. "7 inches.  Gosh, hindi ko yata kaya. Hindi pwede, Ash!" tumitiling saad ko bago tumayo at akmang tatakbo sana pabalik ng kwarto. Pero bago pa man ako makalayo ay nahagip na niya ang braso ko at saka ako niyakap nang mahigpit. "Don't worry, I'll be gentle..." At hindi na niya ko binigyan ng pagkakataong makapag-protesta dahil bago pa man may lumabas na salita sa bibig ko ay sakop na niya ulit ang mga labi ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook