Story By Madam Aivan
author-avatar

Madam Aivan

ABOUTquote
YouTuber who has risen to fame for her self-titled channel. Her lifestyle and adventure vlogs, often featuring her friends, have helped her grow to more than 460,000 subscribers. She is also a prolific romance novel writer. She has gained more than 80,000 followers to her iamaivanreigh Instagram account.
bc
SECRET NIGHTS
Updated at Jul 18, 2021, 11:59
Cinderella story ang peg ng buhay ni Amber Salazar. Bata pa lang siya nang mawala ang nanay niya dahil sa bagyong Yolanda. Kaya naman napilitan siyang makitira sa tiyahin niyang may dalawang impaktitang anak na goal yatang gawing mesirable ang buhay niya. Pero sa kabila ng hirap na dinanas niya sa buhay, nakakita siya ng silver lining nang makilala si Zach—kaklase niya na tingin niya ay mag aahon sa kanya sa hirap. Ayos na sana ang lahat dahil umaayon ang lahat base sa mga plano niya. Ngunit biglang sumulpot sa buhay niya si Zeke. Si Zeke na kagaya ni Zach ay gwapo, matipuno at may kakayahang palambutin ang mga tuhod niya. Naligalig ang puso niya. Sino nga ba ang pipiliin niya: si Zach o si Zeke?
like
bc
MIDNIGHT LOVER
Updated at Jul 18, 2021, 10:49
Para makapagsulat ng isang maganda at kakaibang kwento, nagpasya si Raven na lumayo muna ng Maynila pansamantala. At sa bayan ng Javier nga siya napadpad. Doon ay nakilala niya si Asher na siyang may-ari ng apartment na tutuluyan niya. Hindi naging maganda ang naging una nilang pagkikita dahil inakala ni Raven na miyembro ng akyat-bahay gang si Asher. Paano’y bigla na lang itong pumasok sa apartment niya’t nagpasyang matulog sa sofa. Well, may kasalanan rin naman siya. Hindi niya ito na-inform na mapapaaga ng ilang ang dating niya. At teka nga, bakit hindi siya na-inform na ubod pala ng gwapo’t sexy ang landlord niya? At hindi lang iyon, mukhang ugali rin yata nitong tumambay sa unit ng tenants niya dahil the next few days, laging nakatambay si Asher sa unit niya—flirting with her. Kahit na nga ba sinabi niyang bakla siya. But no, she’s not gay. She was just prying and fishing. Gusto niyang patunayang mali ang theory ng iba na kapag ang lalake pumatol sa bakla, bakla na rin. It was part of her research for the screenplay that she’s writing. And Asher’s giving him the answers to her questions without him knowing it. Sa loob ng ilang linggong pananatili sa Javier, tuluyang nagkalapit ang loob nila ni Asher kasabay ng pagkakaroon nila ng maraming-maraming sexy times. Napatunayan niyang hindi lang ito gwapo. He also has this big soft heart. And for her, he was actually too good to be true. At kung kelan malapit na ang happy ending sa istoryang sinusulat niya maging sa pagitan nilang dalawa, saka naman nagka-aberya sa pagitan nila. He found out that she lied to him and that she was just using him for the movie. Handa na sana siyang lunukin ang pride niya magkaayos lang sila. Pero sisige pa ba siya kung wala pang isang araw ay ipinagpalit na siya nito sa sariling kapatid pa niya?
like
bc
Keira; The Momol Queen
Updated at May 28, 2019, 17:00
MOMOL (Make-Out Make-Out Lang) Ikaw, handa ka bang isugal ang puso mo sa relasyong alam mong hanggang MOMOL lang? Enjoy reading! xoxo, Madam Aivan
like
bc
Dream Catcher
Updated at May 23, 2019, 17:00
Ilang araw matapos ang ika-19 na kaarawan ni Aliah ay may kakaibang nangyari sa kanya. Nagising na lang siya na nasa loob ng isang madilim na silid at nasa harap niya ang isang matandang babae na may hatid na balita tungkol sa mga kakayahang taglay diumano niya. Then she started having bad dreams. Napanaginipan niya ang pagkamatay ng lolo at lola niya. Noong una ay ayaw niyang maniwalang nagkakatotoo ang mga panaginip niya. Pero nang maulit iyon sa isa niyang tiyahin, doon na siya nagsimulang matakot. Naging mahirap na sa kanya ang pagtulog sa gabi kaya nagpasya siyang hanapan ng paliwanag at sagot ang mga nangyayari sa kanya. Sa paghahanap niya ng kasagutan ay napadpad siya sa Floridablanca at doon ay nakilala niya ang binatang si Yuri na tinaguriang "child of the moon" at isa sa pinakamakapangyarihang miyembro ng lihim na samahan na tinatawag na "DIWA". Sa tulong ni Yuri ay hindi lang pagkatuklas sa mga tanong niya ang nahanap ni Aliah. Dahil unti-unti ay nahuhulog na rin ang loob niya sa binata kahit na nga ba alam niyang may Luna na sa buhay nito. Si Luna na sa tingin niya ay higit na mas makapangyarihan kaysa sa kanya. "Aliah has healing powers, while Yuri was cursed to die before he turns 21. And only Aliah can save Yuri from the impending death. But for her to be able to do that, she has to sacrifice her own life."
like
bc
My Favorite Sin
Updated at May 18, 2019, 17:00
This story is not suitable for minor readers. Also, this is an BxB story. Enjoy reading! xoxo, Madam Aivan :)
like
bc
Confessions of a Fashion Blogger
Updated at May 9, 2019, 17:00
Daniella Villacorte is a fashion blogger. She has everything every girl wants to have. She has her own house, fat bank account, luxurious bags, and quintessential walk-in closet. But despite that, pakiramdam niya ay may kulang pa din. Well, for one thing, she doesn’t have a boyfriend. But don’t get her wrong, she had her fair share of men before. But her relationship with all those men didn’t just work out. So she thought that maybe love wasn’t for her. Until she met Travis—her hot and sexy promdi neighbor. Biglang nabuhay ang pag-asa niyang magkaroon ng sariling happy ending nang mapadpad sa village nila ang gwapo, simpatiko at supladong si Travis. But for to achieve her happy ending, kailangan niya muna itong paamuhin.
like