Prologue
I am Daniella Villacorte, and you are now reading my diary. Actually, hindi naman talaga ako mahilig magsulat sa diary. Gusto ko lang makiuso. May nabasa kasi akong libro noong nakaraang buwan kung saan ang bidang babae na ang pangalan ay ‘Eya’ ay gumagamit ng diary. Naisip ko lang, baka pwedeng ako rin? Well, ‘Eya’ is such a lucky girl. Pinag-aagawan siya ng dalawang poging lalaki. So to speak, bongga ang love life niya. Samantalang ang love life ko, bokya. Kaya naisip ko, baka swertehin rin ako kapag nagsulat ako sa diary.
Anyway, I am a fashion blogger. Yeah, that’s my job! Alam kong marami sa inyo ang magtataas ng kilay dahil sinabi kong iyon ang trabaho ko. Maituturing nga bang trabaho ang pagiging fashion blogger? Well, of course! And for me, this is the most rewarding job ever created! Sosyal yata ang trabaho ko. Lagi akong laman ng mga parties. Tambayan ko ang mga boutiques at lagi rin akong nagta-travel sa mga sikat na mga beach all around the country. Those are the perks of my job; the perks of being a fashion blogger.
But I have a confession to make. I’m not really an “authentic” fashion blogger. I’m not like Laureen Uy and Nicole Anderson na kilala bilang mga fashion bloggers sa bansa. Hindi naman talaga ito ang career na gusto ko noon. When I was still a kid, I wanted to become a businesswoman just like my mom. Pero may isang pangyayari sa buhay ko noong high school ako na siyang nagtulak sa akin para maging isang fashion blogger. And just to let you know, two years pa lang ako sa career kong ito. Wala pa akong masyadong followers sa Twitter at i********: but I’m confident na by next year, dadami rin ang mga fans ko. Magiging ka-level ko rin sina Laureen Uy at Nicole Anderson. Mark my word!
Confessions. Big word, isn’t it? Hahaha. There are a lot of things that I really want to confess. But for now, let me confess to you guys the reason why I decided to become a fashion blogger…