Noong mga panahong hindi pa uso ang kantang Wrecking Ball...
“Mom, aalis na po ako,” malakas na sigaw ni Daniella habang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan. Pero bago pa man niya tuluyang marating ang front door ay naharang na siya ng mommy Robella niya. Her mom was still wearing pajamas but she still looked so beautiful.
“Masyado pang maaga, Daniella. Have you eaten your breakfast already?” pang-uusisa ng mommy niya. Wala sa sariling napairap siya. As if it was the first time na nag-skip siya ng breakfast para lang maaga siyang makapasok ng school.
“Mom, sa school na lang ako magbe-breakfast. Siguradong naghihintay na sa akin si Wade ngayon.” She knew that she sounded desperate especially when she mentioned the name of her boyfriend. Well, that was the truth anyway. She’s desperate to see her boyfriend lalo na at hindi sila nagkita nitong weekends.
“Hija, are you really sure about this guy? This Wade Montecarlo?”
“Mom—”
Her mom cut her in mid sentence and gasped. “Look, I’m just concern about you, okay? You’re my daughter at para sa akin, masyado ka pang bata. You just turned sixteen last month. You’re too young to be in love, honey,” sabi ng mommy niya. “Ang akin lang, I want you take things slowly. Huwag kang magmamadali dahil baka sa huli, masaktan ka lang.”
Nakakaunawang hinawakan niya ang kamay ng mommy niya at bahagya iyong pinisil. “Don’t you worry, mom, Wade loves me. At hindi naman kami nagmamadali. We’re taking things one step at a time. And you can’t blame me, your daughter is in love.”
This time, nginitian siya ng mommy niya. Parang alam na nitong hindi nito mababago ang isip niya. After all, dito yata siya nagmana ng katigasan ng ulo. “O, sige na nga. I trust you. Basta tatandaan mo ang lagi kong ibinibilin sayo, no—”
“I get it mom. You don’t have to constantly remind me. We won’t do it, I promise you. I’ll wait for the perfect time to do it.”
Nagbeso silang mag-ina at pagkatapos ay sumakay na siya sa Honda Civic kung saan naghihintay sa kanya ang driver nilang si Mang Gustin.
Habang lulan siya ng kotse ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa naging pag-uusap nila ng mommy niya kani-kanina lang. She’s really blessed that God gave her a beautiful, compassionate, kind-hearted and understanding mom. Para lang silang mag-bestfriend ng mommy niya. Ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng sikreto dito. Lahat ng problema niya ay sinasabi niya dito. And her mom would give her the best advice in the world whenever she has a problem.
Her life is far from being perfect. But she’s grateful with what she has. She has her mom, some close friends, and now, nadagdag pa sa listahan ng mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya si Wade Montecarlo—her first boyfriend.
Kaklase niya si Wade simula noong first year high school pa lang sila. Maituturing na isa ito sa pinaka-popular na estudyante sa Landon Vanguard High School. Aside from possessing a brooding looks, he is also the captain of the debate team. For her, Wade is really smart. At isa iyon sa mga rason kung bakit na-attract siya dito.
Plus, they have one thing in common—they are both not so fashionable. But no, they are not ‘baduy’ or ‘jologs’. They are just simply common students who wear common clothes and necessary bling-blings. Pareho sila ni Wade na walang hilig sa fashion. They are both into academics. Kaya nga nang magsimula itong manligaw sa kanya, two months before her sixteenth birthday, hindi na niya ito pinahirapan pa. Sinagot niya ito sa mismong araw ng birthday niya.
And now, mag-iisang buwan na rin sila. So far, so good. They’re both enjoying their company as a couple. At walang makatitibag sa relasyon nila ni Wade.
Nang marating niya ang school nila ay mabilis na umibis siya ng sasakyan at malalaki ang hakbang niyang tinungo ang cafeteria. Doon ang pinag-usapan nilang lugar ni Wade upang magkita. Kaunti pa lang ang mga estudyanteng naroon.
Hinanap niya si Wade pero bigo siyang mahanap ito. Where is he? Lalabas na sana siya ng cafeteria nang maagaw ng isang bag ang pansin niya. Nakapatong ang naturang bag sa isang mesa na malapit sa direksyon ng comfort rooms. It was Wade’s bag. Maybe he’s in the comfort room, she concluded.
Nagpasya siyang hintayin ang kasintahan sa pwesto kung saan naroon ang bag ni Wade. Pero magsa-sampung minuto na ay hindi pa rin nagpapakita si Wade. She decided to check the comfort rooms.
She knocked on the boy’s comfort room. Walang sumasagot mula sa loob. Marahang pinihit niya ang seradura. And what she saw when she opened the door really shocked the life out of her. She saw Wade kissing another girl! Nakakunyapit pa sa batok ni Wade ang talipandas na babae!
Dala ng pagkagulat at sobrang galit ay nabitawan niya ang hawak niyang mga libro. Awtomatikong naghiwalay si Wade at ang kahalikan nito na nakilala niyang si Bless bagama’t hilam ng luha ang mga mata niya. Si Bless na siyang leader ng cheering squad sa school nila. Si Bless na nuknukan ng ganda. Si Bless na pinag-aagawan ng mga gwapong lalaki. Si Bless na…
Of all people, bakit si Bless pa?
“Daniella, please let me explain,” sabi ni Wade nang tuluyan itong makabawi mula sa pagkakagulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa eksena. Lalapit sana ito sa kanya pero maagap na nahawakan ito ni Bless sa kanyang braso.
“C’mon, Wade. This is the perfect timing we’ve all been waiting for. Sabihin mo na sa kanya ang tungkol sa relasyon natin para hindi ka na nahihirapan pa. Huwag mo na siyang amuhin pa dahil siguradong aasa lang siya.”
Tumitig sa kanya si Wade bago muling nagsalita. And damn, it broke her heart when she heard him say, “I’m sorry, Daniella. Si Bless na ang mahal ko. Hindi ko sinasadya pero nahulog na lang ang loob ko sa kanya. I hope that you can find it in your heart to forgive me one day.”
“I’m so sorry, Dani. But it seems like your boyfriend here, doesn’t want to have a manang girlfriend. Look at yourself. You look horrible. Pwede ka nang mapagkamalang younger sister ni Betty La Fea, that’s if she has one. Your fashion sense really sucks. At hindi ko alam kung paanong tinanggap ang isang katulad mo sa sosyal na school na ‘to.”
Hindi na niya hinintay pa na lumawig pa ang panlalait sa kanya ni Bless. She stepped out of that comfort room and walked straight out of the school premise. Wala na siyang planong pumasok sa klase niya. Para ano pa? Para maipamukha sa kanya ni Bless na naagaw nito ang boyfriend niya nang walang kahirap-hirap?
Dahil nakauwi na si Mang Gustin ay nag-taxi na lang siya pauwi. Maswerteng naabutan pa niya ang mommy niya at hindi pa ito nakakapasok sa opisina nito. Agad na yumakap siya dito pagkapasok niya ng bahay.
“Hey, what happened? Bakit ka umiiyak, anak?” nag-aalalang tanong ng mommy niya habang marahang hinahagod nito ang likod niya.
Pinalipas muna niya ang ilang sandali bago niya sinagot ang mommy niya. “Si Wade po…”
“Sinaktan ka ba niya?” mabilis na putol ng mommy niya sa sinasabi niya.
Humihikbing umiling-iling siya. “Not physically, mom. Pero nahuli ko siya kaninang may kahalikang ibang babae. Ipinagpalit niya ako kay Bless, mommy.”
“What do you mean?”
“Si Bless ang kahalikan ni Wade kanina sa school. Oh God, how I hate her!” nanggigigil na saad niya. This time ay mas nabaling kay Bless ang inis niya. That b*tch stole my boyfriend!
“You shouldn’t hate her, Dani. She’s your sister.”
“She’s not my sister!” she hissed.
Matamang pinagmasdan siya ng mommy niya. “Baka nakakalimutan mong magkapareho kayo ng ama ni Bless, Daniella? She’s your sister. And I think that you should talk to her para hindi na lumaki ang gap ninyong mag-ate.”
Mapait na napangiti siya sa sinabi ng mommy niya. “Hanggang ngayon ba naman mommy, umaasa ka pa rin na magiging okay kami ni Bless? Na sa kabila ng lahat ng panglalait niya sakin, lahat ng pang-aapi ng pamilya niya sa atin, you still want me to be nice to her? I already gave up the idea of having a good relationship with Bless. I’m not like you, mom. Hindi ako kasing-bait mo at lalong hindi ako kasing-masokista mo!”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya dahil sa sinabi niyang iyon. “I-I’m sorry, anak. I’m sorry.” Halatang nagulat ang mommy niya sa ginawa nito. She was terribly hurt. Pero mas doble ang sakit na nararamdaman ng puso niya kesa sa pisngi niya. That was the first time na pinagbuhatan siya ng kamay ng mommy niya.
Nagtatakbo siya paakyat sa kwarto niya at saka doon nagkulong. Ngayon ay doble na ang rason ng pag-iyak niya. Una ay ang nasaksihan niya kanina sa school. Pangalawa naman ay ang samaan nila ng loob ng mommy niya.
Yes, ang babaeng umagaw sa boyfriend niya ay sariling half-sister niya pa. Her mom is a mistress. They were her father’s second family. Ang mommy ni Bless ang pinakasalan ng daddy niya. And she could not totally grasp why her mother would want her to make peace with her sister Bless where in fact, it was so obvious that the latter didn’t like her that much. Since time immemorial, Bless had been her pain in the neck. Lagi siyang inaaway nito. Pinamumukhaang anak siya sa labas at kailanman ay hindi magkakaroon ng buo at masayang pamilya.
And speaking of pamilya, matagal na niyang isinuko ang pangarap na makasama ang daddy niya para magkaroon siya ng isang tinatawag one big complete family. Matagal na niyang hindi nakikita ang daddy niya. Although there were times when she would see him hanging out in their house just like during her birthday and some other important moments in her life. But then again, those were really rare memories.
Hindi niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Hapon na nang magising siya. Pinasadahan niya ang itsura niya sa vanity mirror na nasa isang sulok ng kwarto niya. At bigla ay parang umalingawngaw uli ang mga sinabi ni Bless sa kanya kaninang umaga. Look at yourself. You look horrible. Pwede ka nang mapagkamalang younger sister ni Betty La Fea, that’s if she has one. Your fashion sense really sucks.
Hinubad niya ang eye glasses niya na hindi niya namalayang hindi pala niya naalis kaninang sumampa siya sa kama. Wala sa sariling hinaplos niya ang medyo kulot niyang buhok. Yeah, she has a curly hair. But it wasn’t bad. Hindi lang iyon straight katulad ng sa mga artista na nage-endorse ng kung anu-anong shampoo. Kung mayroon mang ‘baduy’ sa itsura niya, iyon marahil ay dahil sa damit niya. Hindi kasi siya mahilig pumorma o di kaya ay magsuot ng mga damit na uso sa mga teenagers ngayon.
Kapag hindi siya naka-school uniform, sapat na sa kanya ang t-shirt at maong pants. Pero hindi naman niya alam na manang pala ang tingin sa kanya ni Bless. Kung sabagay, ano pa nga ba ang ine-expect niya? Sosyal na paaralan ang Landon Vanguard High School at karamihan ng mga nag-aaral doon ay anak-mayaman at talaga namang mga sosyal.
Nang araw na iyon, nangako siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang kutyain uli siya ni Bless, o kahit na sino mang tao dahil lang sa fashion sense niya.
Not again. Not anymore.
* * * * *
“Hi!” Bati ni Daniella sa amang nakaupo sa isang magarang ergonomic chair habang may inaaral na mahalagang papeles. She wanted to greet him with ‘Hi dad’ pero hindi naman siya sanay na tawagin itong daddy.
“Daniella! This is such a nice surprise. Come here, hija. Give daddy a hug.”
Napipilitang lumapit siya sa daddy niya at marahang yumakap dito. It was odd of her. Hindi naman kasi iyon ang ipinunta niya sa opisina ng daddy niya. Pero pagkakita niya dito kanina ay parang kinurot ang puso niya dahil sa nabungaran niyang hitsura nito. Malaki ang ihinulog ng katawan nito simula nang huli niya itong makita. Halata na rin ang mga puting buhok nito at parang mas nadagdagan ang mga gatla nito sa noo.
“Are you okay?” tanong niya sa daddy niya. Bakit bigla yata siyang tinubuan ng concern para sa lalaking naging daan para makita niya ang mundo? Is it because she’s feeling gloomy too?
“I’m okay. Why are you asking me if I’m okay?” tugon ng daddy niya.
“You don’t seem okay. You looked terrible.”
Nagkibit balikat lang ang daddy niya. “May mga iniisip lang ako. Ang ate Bless mo, marami daw bagsak na grades. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ate mong ‘yun. Ang Tita Cristina mo naman, wala nang ibang ginawa kundi ang magliwaliw sa iba’t ibang bansa. Hindi tuloy niya matututukan ang anak niya,” himutok ng daddy niya. Ang Tita Cristina na tinutukoy nito ay ang mommy ni Bless. Ang babaeng naging kaagaw ng Mommy Robella niya sa puso ng daddy niya. “Anyway, I shouldn’t be discussing these things to you, hija. It’s none of your business. Ang mabuti pa ay lumabas tayo at pag-usapan natin ang isinadya mo dito. I’m sure, importante ang sasabihin mo, anak.”
Parang may kung anong bagay ang bigla na lang namuo sa lalamunan niya pagkarinig niya sa salitang ‘anak’. The way her dad mentioned that word, it was so heart warming that it almost made her cry. Pero mabilis niyang nasaway ang sarili.
Magkaagapay na lumabas sila sa opisina ng daddy niya. Alam niyang lahat ng mga empleyado nito ay nakatutok ang mga mata sa kanya. Ang iba nagtataka. Pero karamihan sa mga ito ay kilala siya at alam kung ano ang kaugnayan niya sa Presidente ng Pinlac Group of Companies. Up to this time ay hindi siya nagtatanong kung bakit Villacorte at hindi Pinlac—apelyido ng daddy niya—ang gamit niyang apelyido. Hindi na rin naman siya interesadong papalitan ang surname niya.
Sa isang mamahaling restaurant siya dinala ng daddy niya. Um-order muna ito ng mga pagkain para sa kanilang dalawa na sigurado siyang magkakasya para sa isang tipikal na malaking pamilyang Pilipino. He did not ask her kung ano ang gusto niyang pagkain dahil kahit hindi sila madalas na magkasama, alam na alam nito ang mga paborito niyang pagkain. Kung paano nito nalaman ang mga bagay na iyon ay hindi niya alam.
“So, can I finally ask what brought you to my office, hija?” tanong ng daddy niya nang makaalis ang waiter na kumuha ng mga orders nila.
Tumikhim muna siya bago niya sinabi kung ano ang pakay niya dito. “I came to see you para humingi po ng tulong.”
“And that is?”
“I want to have a beautiful closet in our house filled with up-to-date fashion stuff. From clothes to high-heels and up to bling-blings. And I also want to study in London after I had my short course here in the Philippines. Gusto ko pong mag-aral ng fashion,” aniya.
“Is that all that you need?” asked her dad.
Tumango siya bilang sagot dito.
Pinagsalikop ng daddy niya ang mga kamay nito bago muling nagsalita. “Okay then. You’ll have your beautiful closet in your house starting this week. At mag-aaral ka rin sa London any time you want. But in return, I want to ask something from you too.”
“A-ano po ‘yun?” nate-tense na tanong niya sa ama.
“Well, maybe we can do this more often. You know, some father-daughter moments. Si Bless, kilalang kilala ko na. Pero ikaw, masyado kang mailap pagdating sa akin. Sana hayaan mo akong makabawi sayo this time, anak. And maybe, you can start calling me daddy…”
Parang may kung anong kumurot sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng daddy niya. Bakit nga ba hindi niya nagawang papasukin sa buhay niya ang lalaking nagdala sa kanya sa mundo? Bakit hinayaan niyang lamunin ng galit ang puso niya gayong hindi naman dapat? Her dad is a good man. So maybe, she should give him a chance.
“Okay, d-dad.” Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng daddy niya nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Parang nabawasan ng ilang taon ang totoong edad nito.
Maya-maya lang ay idinulot na ng waiter ang mga pagkain nila at napuno ng kwentuhan ang tanghalian nilang iyon ng daddy niya. Nararamdaman niyang unti-unti nang nabubuwag ang harang na noon ay itinayo niya sa pagitan nila ng daddy niya.
Natigilan si Daniella nang mapansing malayo na naman ang itinakbo ng utak niya. Natawa pa siya nang ma-realize na lately ay para siyang may amnesia na bigla-bigla na lang nagbabalik ang alaala. Four years ago na ang nakakalipas nang mangyari ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Nakapag-move on na siya. Halos hindi na nga niya maalala kung paano siya na-in love kay Wade.
Tumayo siyang bitbit ang towel niya at pumasok sa banyo. Kailangan na niyang maghanda para sa lunch date nila ni Tom maya-maya.