Chapter Two

2455 Words
Ngunguto-ngutong bumaba ng taxi si Daniella at lutang ang pakiramdam na naglakad papalapit sa bahay niya. Mariing pinindot niya ang doorbell. Naka-tatlong pindot pa uli siya bago humahangos na binuksan ng kasambahay niyang si Barbie ang gate. “Ba’t ang tagal mo?” singhal niya kay Barbie na isang binabae. Ben Dimatactac talaga ang tunay nitong pangalan. Pero nag-insist itong Barbie ang itawag niya dito dahil kamukha raw ito ng manika. Bagay na hindi siya masyadong sang-ayon. “Eh, ba’t ang sungit mo po? Kung makapindot ng doorbell, wagas! Nasa kusina ako’t nagluluto ng pagkain mo, madam. Dahil ang sabi mo sa text mo sa akin kanina, hindi ka masyadong nakakain sa date niyo ni Tom. Ano nga ba ang nangyari sa lunch date niyo ni Tom? Kanina naman masaya kang umalis. Ngayon naman sambakol ‘yang mukha mo.” Lalong nalukot ang mukha niya pagkarinig sa pangalang binanggit ni Barbie. “Hindi ko type pag-usapan ang topic na ‘yan,” aniya at diretsong naglakad papunta sa front door. Pero mabilis na nakaharang sa daraanan niya ang bakla. “Huwag kang hahara-hara sa daan ko. Mainit ang ulo ko. Baka ikaw ang mapagbuntunan ko ng inis. Tsupi!” Pero hindi threatened si Barbie sa pagsusungit niya. Besides, mas matangkad ito ng di hamak kesa sa kanya. “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit palpak na naman ang Search for Mr. Right Guy mo?” Naiinis na naupo siya sa mahogany chair na purposely ay ipinalagay talaga niya sa porch ng bahay niya. Doon siya madalas tumatanggap ng bisita. “Kunin mo nga ‘yung manicure set mo. Palitan mo ‘tong nail polish ko.” “Pero kakalagay lang natin niyan kahapon, girl,” pagrereklamo ni Barbie. “Feeling ko itong pink na nail polish ko ang salarin kung bakit napurnada na naman ang lintik na love life ko. At saka teka nga, sino ba ang amo dito?” mataray na saad niya. “Okay, okay. Wait lang bakla. Wag masyadong hot. I’ll be back in fifty, fourty-nine, forty-eight…” Umalis si Barbie sa harap niya samantalang nahulog naman siya sa malalim na pag-iisip. Kakagaling lang niya sa isang sikat na mall dahil nakipag-date siya kay Tom—ang “binatang” nakilala niya sa bar noong nakaraang linggo. Ang akala niya ay okay ito. Kakaiba kasi ito sa mga lalaking naka-date na niya noon. But it turned out na nagkamali na naman siya ng akala. Maling-mali. Bakit ba lagi na lang siyang naa-attract sa wrong guy? Anong problema at nagiging mailap sa kanya si Mr. Right? Bakit ang malas-malas niya pagdating sa pag-ibig? Isinumpa ba siya ng langit? Apat na ang nagiging boyfriend niya pero lahat ng ‘yun ay naging palpak. Una na sa listahan si Wade—ang first boyfriend niya na madaling nasulot ng half-sister niyang si Bless. Then came Alex, ang lalaking mas piniling mag-pari para paglingkuran ang Diyos kesa manatili sa piling niya. There was Jacob too, her super-duper playboy ex-boyfriend na kulang na lang ay lagyan niya ng palda ang poste ng Meralco at feeling niya ay pati iyon ay papatusin nito. And her last boyfriend whose name is Jun was a total pervert. Sa tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon ay hindi maaaring hindi siya nito tsa-tsansingan kaya dinispatsa na niya ito. Kaya nga nang makilala niya si Tom, ang akala niya ay nakahanap na siya ng matinong lalaki sa katauhan nito. But she was totally wrong… “Ano nga kasi ang nangyari sa date niyo ni Tom?” untag ni Barbie na hindi niya namalayang nakabalik na pala sa harap niya. Dala na nito ang manicure set nito at nag-uumpisa na itong maglagay ng acetone sa binilog na bulak. “He’s gay. Walanghiyang ‘yun! Kaya pala sa tuwing kumakain kami sa labas, nakatikwas lagi ang daliri niya kapag hahawak siya ng kutsara’t tinidor. At mas may finesse pa siyang uminom ng tubig kesa sakin. Ayaw niya rin na nagugulo ang hair niya. Ang akala ko noong una metrosexual lang siya. But I was totally wrong. Kaya pala ganoon siya kumilos kasi kauri mo siya!” Sinimulang burahin ni Barbie ang pink na cutix sa mga daliri niya. “Paano mo naman na confirm na gay nga siya? Baka naman paranoid ka lang, girl?” “Nahuli ko siya kaninang kausap ‘yung ex-boyfriend niya. Nalingat lang ako saglit, nanlalaki agad. Hindi man lang nakapaghintay na makauwi ako ng bahay, lintik na ‘yun!” “Porke’t nag-uusap lang, mag-ex na agad? Baka naman nagkamali ka lang ng interpretation, girl. Baka naman mag-friends lang sila.” Umiling-iling siya. “May mag-friend ba na babe ang tawagan ha? And umamin na siya na kaya daw niya ako niyaya na makipag-date sa restaurant na ‘yun dahil gusto niyang pagselosin yung ex-boyfriend niya na Dennis ang pangalan. And true enough, nagselos nga yung ex-boyfriend niya. But they’re okay now. Samantalang—” “Samantalang ikaw ay hindi okay. Naiwan kang miserable,” pagtatapos ni Barbie sa panibagong kwento ng kasawian niya sa pag-ibig hindi pa man iyon tuluyang sumisibol. “Barbie, ba’t ba ang malas ko pagdating sa love? Pangit ba ako?” “Hindi, ah! May fashion blogger ba na pangit?” Naisip niyang baka meron naman pero nadadaan na lang sa galing ng paglalagay ng makeup at pagpili ng damit na babagay dito. Pero hindi na niya isinatinig ang bagay na iyon. “Kung ganoon, bakit wala akong nagiging seryoso at matinong ka-relasyon? Kung hindi playboy at pervert, sa bading naman ako napapalapit. Baka sa susunod, sa may asawa naman ako madale.” “Ayaw mo ‘nun? Sweet lover daw ang mga lalaking taken na,” ani Barbie sabay bungisngis. Sigurado siyang sumagi na naman sa isip ng bakla ang lalaking naka-relasyon nito noon na may asawa na pala. Naputol lang ang pag-uusap nila nang biglang may humintong taxi sa harap ng katabi nilang bahay. Agad siyang napatayo. “Mukhang magkakaroon na ng tao sa kabilang bahay, Barbie. Halika nga at silipin natin ang magiging bago nating neighbor.” Mahigit apat na taon na siyang naninirahan sa Aplaya Street, Napocor Village at apat na taon na ring abandonado ang bahay na katabi ng bahay niya. When her mom died two years ago because of a vehicular accident, she decided to sell their house in Parañaque and bought a house in Quezon City instead. Sa tuwing uuwi kasi siya sa bahay nila ng mommy niya sa Paranaque ay nalulungkot siya. Hindi niya kasi maiwasang hindi maaalala ang mommy niya. Ang bahay niyang iyon sa Quezon City ang naging mundo niya sa mga nakalipas na taon. Napanganga si Daniella nang makita niya ang lalaking bumaba ng taxi. Matangkad ito at nagtataglay ng napaka-gwapong mukha. Sigurado siyang napaka-gwapo nito kahit na nga ba naghuhumiyaw ang katotohanang may pagka-jologs itong manamit. She should know since she was once a jologs herself. Capri shorts at oversized t-shirt ang suot ng lalaki. Tsinelas naman ang suot nito sa paa. Mukhang probinsyano. Ibinaba ng lalaki ang mga gamit nito mula sa trunk ng taxi at dumukot ng ilang dadaanin mula sa bulsa nito at saka iyon iniabot sa driver. “Teh! Muy delicioso,” bulong ni Barbie sa kanya. “Mukhang magkaka-love life na ako sa wakas! And mind you, mukhang binata. Mukhang walang asawa oh,” dugtong pa nito. Nang mapatingin sa direksiyon nila ang bagong dating na lalaki ay awtomatikong nginitian niya ito. It was her automatic sweet smile. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang tanguan lang siya nito. Ni hindi man lang nito sinuklian ang ngiti niya! Pero hindi siya madaling sumuko pagdating sa mga poging guys na kagaya nito. “Hey, you need help?” Malakas ang boses na tanong niya sa gwapong lalaking magiging bago nilang kapitbahay. Pero parang bingi yata ang gwapong lalaki at ni hindi man lang ito tumugon sa tanong niya kahit malinaw namang ito ang kinakausap niya. Suplado! Antipatiko! Walang modo! Sa inis niya ay bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. Mabilis naman na nakasunod sa kanya si Barbie. “Mukhang hindi ka type ni Kuya, girl.” “Itsura niya! Hindi ko rin siya type noh! Ang baduy niyang manamit. Sinong matinong lalaki ang magsusuot ng kulay orange na oversized t-shirt sa ganitong oras ng araw? Eeeew!” “Sus! Pero aminin mo, gwapo si kuya. Pang artista ang face.” “Aba malay ko! Hindi ko masyadong na-notice. Anyway, aakyat na ako sa kwarto ko. Mamaya na lang natin ituloy ‘tong pagkukulay sa nails ko. Imbey!” Hindi na niya hinintay pang makasagot si Barbie. Tumuloy na siya sa kwarto niya. Naroon pa rin ang inis niya para sa bago nilang kapitbahay. Napaka-ungentleman. Napaka-rude! Nagngingitngit pa rin ang loob niya nang makita niya mula sa bintana ng kwarto niya ang lalaking kinaiinisan niya. At talagang magkaharap pa ang mga kwarto nila ha? Di yata’t iniinis siya ng tadhana. Pero sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay napanganga uli siya nang makita niyang hinubad ng lalaki ang damit nito at basta na lang iyong ihinagis sa kung saan. Doon niya napatunayang hindi lang mukha ang maganda dito. Maganda rin ang katawan nito. He has all the muscles in the right places. Parang biglang nanuyo ang lalamunan niya dahil sa tanawing iyon. Magpapakasawa pa sana siya sa pagtitig sa katawang iyon nang bigla na lang lumingon sa direksyon niya ang lalaki. Sigurado siyang nahuli siya nitong pinagnanasaan niya ang katawan nito. Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang direksyon ng banyo niya. Nang humarap siya sa salamin ay nakita niyang pulang-pula ang mukha niya. God, I’m turning into a perv! * * * * * “Sosyal ha! Na-heartbroken ka lang dahil kay Tom, papainom ka na? Aba’y dapat pala araw-araw kang malasin sa love para gabi-gabi naman ang ligaya ko. Andaming lalaki dito. Panay fresh,” ani Barbie. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng ingay ng mga parokyano ng Perfect Spot ay may energy pa ring makipagsabayan sa mga ito ang baklang si Barbie. Honestly, saan ba ito humuhugot ng energy at parang non-stop yata ang pagbuka ng bibig nito? “Simula ngayon, hindi na ako basta-bastang mai-in love. I’d rather focus my energy on my career,” wala sa sariling sambit niya. It was more of a statement directly aimed for herself. “Totoo? Baka naman sinasabi mo lang yan ngayon kasi bitter ka pa kay Tom? Baka naman kapag may aali-aligid na naman sayo ay makalimutan mo ‘yang line mo na ‘yan?” Tinaasan niya ng kilay si Barbie. “Promise! Ayoko na munang ma-in love. Baka sa susunod, sa may asawa na talaga ako bumagsak.” “Ayaw mo ‘nun? Yummy nga ang may mga asawa na eh.” Itinirik niya ang mga mata niya. “Puhlease… I don’t wanna be a mistress!” Tawa lang ang isinagot sa kanya ni Barbie na nang mga oras na iyon ay napapansin niyang nagpapa-cute na sa lalaking katabi nila ng mesa. Bago pa man tuluyang magkuhulugan ng loob ang dalawa ay niyaya na niya si Barbie na umalis ng lugar na iyon. Wala siyang balak na magbayad ng bill na mas malaki pa sa bill nilang dalawa ni Barbie. Sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaking balak landiin ni Barbie kanina, sigurado siyang mahina ang isang case para dito. Pumara na siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Panay pa rin ang reklamo ni Barbie kahit nakarating na sila ng bahay. “Nakakainis ka! Kung kelan malapit ko nang maakit si Kuya, saka ka naman nagyayang umuwi. Bruha ka! Wala kang puso! Pati ako, dinadamay mo sa kamiserablehan mo!” nagdadabog na pumasok ng bahay si Barbbie. Siya naman ay wala sa sariling pinuntahan ang mail box nila. May ilang sobre ng sulat na nakita siya sa loob ng mail box. Kinuha niya ang mga iyon at saka binitbit paakyat sa kwarto niya. Nagpalit lang siya ng damit pantulog at pagkatapos ay hinarap na niya ang mga sobre. One was from the Meralco, the other was from PLDT and the other one was from Metro Image Philippines and the last envelope was from — Wait! Metro Image Philippines?! Nanginginig ang mga kamay niyang dinampot uli ang sobre na nagmula sa naturang sikat na fashion company. What was inside that envelope? She tore one side of the envelope and slid the dirty white paper in it. Dear Ms. Villacorte, We are glad to inform you that your application to join the Young Fashion Bloggers Competition 2013 was approved by our board of panelist. You are one of the ten (10) lucky fashion bloggers who will compete to win the title: Young Fashion Blogger for 2013. In line with this, we would like to inform you that this year’s theme talks about “metamorphosis”. We are encouraging you to look for someone who will be your partner all throughout this competition. And in consideration with this year’s theme, we are encouraging you to find a partner who’s not into fashion—someone that you can transform from being unfashionable to being stylish. To know more about the mechanics of the competition, we will be having an orientation next month, October 20 at exactly 3:00 PM at the Metro Image Philippines office located at Quezon City. Hope to see you on that day with your partner! Goodluck! Ilang minutong natulala si Daniella matapos niyang basahin ang sulat na iyon ng Metro Image Philippines. Hindi siya makapaniwalang isa siya sa magiging kalahok ng mga ito para sa taong iyon. Alam kasi niyang maraming nag-submit ng application para mapasama sa naturang patimpalak. Ang nananalo kasi sa MIP’s Search for Young Fashion Bloggers ay talaga namang sumisikat sa larangan ng fashion. It’s like a ticket to stardom. Ngayong binigyan siya ng pagkakataon ng MIP, hinding hindi niya iyon sasayangin. She would win this competition! Pero bago pa man magdiwang ang utak niya ay nahulog na siya sa malalim na pag-iisip. Sino naman ang kukunin kong partner? Noon biglang bumukas ang ilaw ng kwarto ng bago nilang neighbor. It seems like this guy has a habit of walking into his house wearing only a boxer shorts. But wait, it isn’t a boxer short! Para iyong pantalon na pinutulan para gawing maikling short. So baduy! But in fairness, hindi nakabawas sa p*********i nito kahit na nga ba mukhang pekpek shorts na ang suot ng bago nilang kapitbahay. Well, I think I just have found my perfect partner for this competition…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD