RAVEN “Ash…” humihikbing tawag ko sa pangalan ni Asher. Nagising ako dahil sa bahagyang pagyugyog sa balikat ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay mukha ni Ash ang unang bumungad sa `kin. Mabilis na napabalikwas ako at niyakap siya ng mahigpit habang nakasubsob ang mukha ko sa pagitan ng ulo at balikat niya. “What’s wrong? Ilang beses mong tinawag ang pangalan ko. Nanaginip ka ba ng masama?” nagtatakang tanong niya. Makikita sa gwapo niyang mukha ang labis na pag-aalala. Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid ay saka ko lang napagtantong nasa loob ako ng sarili kong kwarto. Magkatabi kami ni Ash sa kama habang may nakapatong na bulaklak sa ibabaw ng work table ko. It was the same flowers she gave to me nang magkita kami sa may Green Coffee. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto

