RAVEN Bahagya na akong kumalma mula sa pag-iyak nang biglang mag ring ang phone ko. Napaigtad pa ako at mabilis na kinalkal ang bag ko para hanapin ang celphone ko at baka si Asher ang tumatawag. Baka biglang nagbago ang isip niya at gusto niyang nang pakinggan ang mga paliwanag ko. Pero bahagya akong nanlumo nang pagkatingin ko sa celphone ko ay isang unregistered number ang nakita kong tumatawag. Sinagot ko na rin `yon at baka sakaling importante. “Hello?” pinilit kong ibalik ulit sa normal ang boses ko. “Sissums! How are yah and where are yah?!” malanding tanong ng nasa kabilang linya na agad kong nahinuha kung sino. It was my kuya Raze. Siya lang naman ang tumatawag sa `kin ng sissums na napulot naman niya mula kay Alex Gonzaga. Kahit na sa Canada siya nagtratrabaho nilang Engineer

