PROLOGUE
Nickandra Nicole's POV
Nakatayo ako ngayon sa harap ng aking full-length body mirror upang pagmasdan ang aking kabuuang ayos. My height is five feet eight inches kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ko mula sa malaki at mahabang salamin.
Nakasuot ako ng isang kulay pulang large size blouse at itim na mahabang paldang tinernuhan ng isang kulay brown na makapal na sandals.
Matapos kong mapagmasdan ang aking sarili ay naglakad naman ako papalapit ng aking vanity chair at doon naupo. Kaagad kong itinunghay ang aking mukha sa aking vanity mirror upang pagmasdan naman mula sa malapit ang ayos ng aking buong mukha.
Mayroon akong kulay gatas na kutis, hugis arched na mga kilay, mahabang mga pilikmata, hugis almond at kulay asul na mga mata, matangos na ilong, at mapula at manipis na labi. Ngunit kinailangan kong baguhin ang ilan sa aking mga panlabas na kaanyuan kaya naman ilang linggo rin akong namalagi sa isang beach upang maging kulay kahoy ang aking balat at kinailangan ko ring gumamit ng prosthetic nose para hindi talaga ako makilala nino man kagaya ngayon. Mayroon din akong dimples sa aking magkabilang pisngi na kinailangan ko ring takpan gamit ang isang concealer.
Inabot ko mula sa aking likuran ang mahaba at maalon kong buhok at pagkatapos ay mabilis ko iyong ginawang messy bun. Natural na kulay brown iyon na kinailangan kong pakulayan kahapon ng kulay itim.
Matapos niyon ay inabot ko naman ang aking eyebrow pencil upang gawing mas makapal pa ang aking magkabilang kilay. Makalipas lang ang ilang minuto ay ikinabit ko naman ang aking pekeng braces na kulay itim. Isinuot ko na rin maging ang aking brown contact lens at ang aking makapal na kulay itim na salaming walang grado.
Ilang sandali pa ay tumayo na ako upang muling suriin sa huling pagkakataon ang ayos ng aking buong katawan. Ipinihit ko pa ang aking sarili ng patagilid mula sa kanan, kaliwa, at maging sa aking likuran upang masiguradong walang magiging problema mamaya habang nagtatrabaho ako.
Mukhang ibang tao na talaga ako ngayon...
Nang makuntento na ako sa aking ayos ay inabot ko na ang aking puting tote bag at isinakbit iyon sa aking kanang balikat. Lumabas na rin ako ng aking silid at nagsimula nang maglakad papunta sa may hagdan patungong first floor.
Dahan-dahan lang ang aking naging paglakad, and before I could finally get out of the house, I looked around first, and with a heavy sigh and a heartache, I smiled bitterly.
Mabilis akong nakakita ng sasakyan sa labas ng bahay at nang makarating na ang taxi na sinasakyan ko sa lugar ng pinagtatrabauhan ko ay kaagad akong nagbayad at bumaba.
Matapos kong ayusin ang aking suot ay tinanaw ko muna ang napakataas na building na nasa aking harapan na isang sikat na talent agency kung saan ako nagtatrabaho bago ako tuluyang naglakad papasok.
After that, I checked my wristwatch.
It's 7:30 am and I am thirty minutes early.
Habang naglalakad na ako papasok ng building ay ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa mga taong nasa lobby na wari ko ay mga modelo rin dito. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata pati na rin sa aking pandinig ang mga panlalait at pandidiri nila sa akin dahil sa aking ayos at suot. Sa tingin ko ay pinariringgan talaga nila ako dahil sa lakas ng kanilang mga boses ngunit nagdire-diretso na lang ako sa aking paglalakad at hindi na lang sila nilingon pa. Maging ang pagbigay ng pansin ay hindi ko na rin ginawa dahil may mas mahalaga pa akong dapat gawin kesa sa patulan pa silang mga taong nabibilang sa mapanghusgang mundong 'to.
Maging sa pagpasok ko sa loob ng elevator ay may mga ganoong taong mapanghusga pa rin kaya naman nilagay ko na lang sa magkabila kong tainga ang aking airpods at doon ay wala pa rin akong pakialam sa paligid habang nakikinig sa magandang music. Ayaw kong ng dahil lang sa kanila ay masira na ang buong araw ko kaya mas mabuti pang umiwas na lang dahil hindi rin naman sila makakabuti sa akin.
Nang tumigil na sa tamang floor ay bumaba na rin ako ng lift.
Pagkapasok ko sa loob ng isang silid ay nagkalat na mga gamit ang kaagad bumungad sa aking paningin: longsleeve polo, coat, jeans, slacks, t-shirts, suits, sneakers, and leather shoes of a man.
Mabilis akong kumilos at kaagad inayos at sinalansan ang mga 'yon
Napakalaki nitong room kung nasaan ako ngayon at hinati pa ito sa dalawa. Pagpasok mo pa lang ay ang buong dressing room na kaagad ang bubungad sa 'yo na puno ng mga gamit ng isang lalaki at mayroong malaking vanity mirror.
Mayroon pang dalawang banyo na para sa babae at para sa lalaki. Sa kabilang parte naman ay ang isang malaki at napakagandang kwarto na may sariling bathroom. Ang kabuuan ng buong silid ay may kulay ng pinaghalong black at white na paborito ng may-ari.
Nagwalis na rin ako tsaka binuksan ang aircon at tamang-tama ang minutong natapos ako dahil saktong pagbukas iyon nang pintuan ng silid at pumasok siya kasama ang kanyang manager.
Lumapit kaagad patungo sa akin si Sir Bryan at tiningnan muna n'ya ako mula sa aking ulo hanggang paa bago taas-kilay na nagtanong sa akin.
Hindi nakatakas sa aking mga mata ang nakikita ko sa kanyang pandidiri sa 'kin ngayon.
Marami na ba talagang mga taong ganito ngayon?
"Nicole, what is the schedule of Greg today?" masungit na tanong ng baklang manager n'ya sa akin.
"Photoshoot lang po sa isang clothing brand, Sir Bryan, mamayang ala-una po ng hapon," tugon ko naman dito ngunit inirapan lang ako.
Hindi na niya ako kinausap pa at tumalikod na lang at naupo sa sofa.
Si Greg naman ay nagdire-diretso lang sa kanyang paglalakad at nilampasan lang ako ng ni hindi man lang ako nilingon o sinulyapan. Pagkalampas niya sa akin ay mabilis kong naamoy ang napakapamilyar at napakabango niyang amoy na ilang taon kong hinahanap-hanap at nagpangulila sa akin.
Mabilis niyang inilapag sa center table ang dala niyang itim na backpack at walang anu-anong tumakbo pahiga ng L-shaped sofa sabay scroll sa kanyang phone.
Nakasuot lang siya ngayon ng isang simpleng t-shirt na kulay white at sweat shorts na kulay black habang nakasuot ng sapatos.
Ilang sandali lang ay bumangon na siya at naglakad patungo sa kanyang vanity chair at doon naman naupo.
Pinapanood ko lang siya sa kanyang bawat galaw habang nakatayo lang ako malapit sa banyo.
"Nicole, get my another phone inside my bag," walang emosyong utos sa akin ni Greg habang nasa kanyang cellphone pa rin ang buong atensyon.
"Yes, Sir Greg." Kaagad naman akong sumunod at pagkatapos ay inabot iyon sa kanya.
Tumango lang siya matapos makuha sa akin ang isa pa niyang phone at ni hindi man lang ako tiningnan.
"Nicole, throw away the junks in the trash."
"Nicole, clean my vanity mirror."
"Nicole, bring out my branded perfume."
"Nicole, order one cup of coffee from Starbucks."
"Nicole, fix my things on my bag."
Sunod-sunod niyang utos na kaagad ko namang mga sinunod ng walang pagdadalawang isip.
Pinagmamasdan ko lang ang kanyang likuran habang inaayos ko ang kanyang mga gamit at habang pinipigilan ang pagbuhos ng aking mga luhang kaninang-kanina pa gustong mga kumawala. Napahawak na rin ako sa aking dibdib na animong mapipigilan niyon ang sakit na nararamdaman ng aking puso habang hindi pa rin makapaniwalang umabot kami at nangyari sa amin ang ganito.
I am Nickandra Nicole Villegas-Buenaventuri, pretending to be "Nicole Valencia", the personal assistant of a billionaire and an international model, my husband, Gregorio "Greg" Iverson Buenaventuri, and I am THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE.