CHAPTER 1
Greg Iverson's POV
"Thank you so much for coming, Greg!" the woman in her mid-thirties famous designer cheerfully said and gave me a kiss on both sides of my cheek.
"No problem, Bettina. Thank you also for inviting me here. I really did enjoy and I really like your collections," seryosong sagot ko sa kanya habang mayroon akong maliit na ngiti sa aking labi.
Mabilis ko namang nakita ang pagpula ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa aking sinabi.
I heard from other people that she's still single and she has feelings for me for a long time now, but I felt sorry for her because older women are not my type. I prefer women my age.
"Thank you for the compliment, Greg. By the way, happy first anniversary in your modeling career! You have come a long way. Isang taon ka pa lang pero sikat na sikat ka na kaagad sa buong mundo. You're even the highest-paid model," namamangha niyang saad sa akin.
Tumango at muling ngumiti na lang ako sa kanya ng maliit bilang sagot.
I am really d*mn tired! Katatapos lang ng ramp namin at photoshoot naman dito sa backstage kaya naman ganito na ako kawalang gana makipag-usap.
Mukhang napansin naman niya kaagad ang pagod at puyat sa aking mukha kaya naman mabilis na rin siyang nagpaalam sa akin.
"Have a safe flight, Greg," dagdag pang paalam nito.
Ako nama'y pagod na pagod na naglakad pabalik ng sarili kong dressing room.
Finally, New York Fashion Week is done!
It was really a tiring week. I can't f*cking wait to hug my pillows and sleep on my own bed.
Sa aking paglalakad ay may mga nakasalubong pa akong mga co-models ko na nagawa pang magpa-picture sa akin. May mga ilang fans na ganoon din ang ginawa at ang iba ay nagpa-autograph pa na hindi ko naman nahindian dahil ayaw kong maisip nila na snob ako or masama ang ugali ko, kahit na sa loob-loob ko ay ramdam na ramdam ko kung gaano na ako ka-drain at kapagod.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng aking dressing room ay mabilis bumungad sa aking paningin ang mga regalo mula sa aking mga fans: flowers, letters, branded perfumes, and chocolates.
Buti na lang at ako na lang mag-isa ang nasa loob ng sarili kong dressing room para wala na ri munang istorbo at para makapagpahinga rin ako ng mas maayos.
Hindi ko muna pinansin ang mga regalong 'yon at nagdire-diretso pa ako sa aking paglalakad. Nang nasa harapan na ako ng malaking sofa ay mabilis akong dumapa doon at pumikit upang makapag-relax kahit ilang minuto man lang.
I am really f*cking exhausted!
Naramdaman ko naman kaagad ang pagbigat ng talukap ng aking mata dahil sa dulot na sarap at lambot ng sofa na kinahihigaan ko.
Makakatulog na sana ako ng tuluyan ng bigla na lang mag-vibrate at mag-ring ang phone ko na nasa aking bulsa. Hahayaan ko na lang sana 'yon kung hindi lang nagpaulit-ulit sa pagtunog kaya naman nawalan na rin ako ng choice kung hindi kunin na ang aking telepono at sagutin na lang ang tawag.
Mapungay-pungay pa ang aking mga mata kaya naman hindi ko na natingnan ng maayos kung sino ang caller.
"Hmmm," pambungad kong bati dito.
"I'm so sorry, son! Did I disturb your sleep?" nag-aalalang pahayag mula sa kabilang linya.
So, it's mommy...
"Yes, Mom." Hikab ko pa.
"I'm sorry, son. I'm just too excited to ask you questions about what happened there. How's New York Fashion Week, anak? We watched you on television and you're so amazing! We're so proud of you! Did you enjoy ba, anak?" sunod-sunod na tanong nito na kaagad nakapagpangiti sa akin.
Medyo nabawasan rin ng konti ang pagod ko nang marinig kong proud sila sa akin.
Masarap sa pakiramdam pero...
"Thank you, Mom. And New York Fashion Week was okay and enjoyable but... so tiring, Mom," mabigat na buntong hininga ko sabay sandal sa sofa at sabay pikit pa ng aking mga mata. Hoping that she can also feel how exhausted I am.
"Can I quit now with this modeling, Mom? Isang taon lang po ang pinag-usapan natin tungkol dito. I'll just be back managing our company, Mom. I am happier there Mom, and at the same time, I can handle my time, not like this. Sobrang nahihirapan na kasi ako. And I feel like I'm not really like this. I feel like something is missing in me," problemadong pakiusap ko na sa kanya.
Totoo iyon, sa mga nakalipas na mga buwan ng pagiging modelo ko ay naramdaman kong parang hindi na ako ang sarili ko at ramdam ko rin na parang may kulang sa akin. Nami-miss ko na rin ang pakikipag-usap sa mga empleyado ko mas lalo na ang pakikipagkompetensya sa mga kalaban ko sa business industry. Gusto ko na muling bumalik at katakutan ng mga kalaban ko sa negosyo.
Nilakasan ko na talaga ang loob ko para sabihin ang mga 'yon kay mommy. Pinagbigyan ko lang naman siya sa gusto niyang 'to, ang maging model ako kahit isang taon lang matapos ang nangyaring aksidente sa akin. I agreed to her request right away because I love her and I want to make her happy even though I don't know exactly her reasons why she suddenly want me to enter modeling after I recovered from the accident.
Buong akala ko nga ay tuluyan kong mamahalin ang modeling sa nagdaang mga buwan ngunit hindi talaga. Mas hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang trabaho ko sa sariling kompanya namin. Masaya naman maging model at marami ka ring makikilalang mga sikat at mabibigat na personalidad ngunit nakakapagod lang talaga. Siguro nga ay hindi lang para sa akin ang modeling na ito.
Ilang segundo munang hindi nakapagsalita si mommy bago ko narinig ang mabigat niyang buntong hininga.
"Let's just talk about it once you get back here, anak. Have a safe flight, okay? We love you and see you tomorrow," biglang lumbay na sagot ni mommy.
Napaisip naman tuloy ako. Ayaw kong maging malungkot at disappointed sa akin si mommy dahil sa gagawin kong desisyon ngunit lalo lang akong mahihirapan dahil hindi naman na ako masaya sa pag-mo-model kong 'to. Pinagbigyan ko lang talaga siya sa gusto niya.
"Okay, Mom. I love you, too. Mag-iingat rin kayo diyan," paalam ko at nakadalawang beses pa muna siyang sabi na mag-iingat raw ako bago niya tuluyang pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga akong muli bago ko inilibot ang aking mga mata sa paligid.
Wow, it's been a year since I entered modeling. Ang bilis ng oras, parang kelan lang noong nagsimula ako.
Halos mapuno na ang buong dressing room ko dahil sa mga bouquets, letters, chocolates and gifts galing sa mga taong humahanga at nagmamahal sa akin.
Nilapitan ko ang mga 'yon at pinagmasdan muna bago ko inutusan ang aking mga bodyguards na dalhin na ang lahat ng mga 'yon sa loob ng sarili kong eroplano na sasakyan namin pabalik ng Pilipinas.
Ewan ko ba pero simula pa noong una talaga ay palagi ko ng inuuwi ang mga ganitong ibinibigay sa akin ng mga tagahanga ko kahit na bilang isang lalaki ay hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa flowers at chocolates. Ang mga letters at gifts naman na galing din sa kanila ay pinagawan ko ng sariling room sa penthouse ko para sama-sama lang ang mga 'yon doon at kapag may libreng oras ako ay binabasa ko isa-isa. Iniisip ko pa lang kasi na itapon ang mga 'to ay parang nalulungkot na ako kaya naman ang ibang chocolates at flowers ay idino-donate ko na lang sa mga bahay ampunan para sa mga bata.
Matapos naming magpaalam ng manager ko sa mga designers at organizers ay dumiretso na rin kami sa loob ng plane.
Alas-kwatro ng madaling-araw na rin kaming natapos kaya naman naramdaman ko kaagad pagkasakay namin sa loob ng eroplano ang bigat ng aking pakiramdam dulot nang sobrang pagod dahil sa mga ginawa namin. Naging worth it naman ang lahat lalong-lalo na ang naging preparations namin para lang sa fashion week na 'to dahil sa naging maganda at successful na outcome.
Finally, after months, makakauwi na rin ako ng Pilipinas!
"Greg, nakapag-announce na ang management kanina na hiring tayo para sa magiging personal assistant mo. Sana lang ay may ma-qualified kaagad para hindi maging mahirap sa atin. Nakakainis naman kasi 'yang Elena na 'yan eh!" problemadong-problemadong saad ng manager ko na ikinatawa ko na lang.
Paano ba naman kasi, si Elena na saktong isang taon ko na sana ngayong personal assistant ay sumama kanina lang sa isang foreigner na kanina lang din niya nakilala. Tanging isang text lang sa akin ang iniwan niya at ni hindi man lang nagpaalam lalo na kay Sir Bryan na manager ko kaya naman ganito na lang 'to kung manggalaiti sa galit kaninang-kanina pa. Buti na lang talaga at patapos na ang fashion week bago nakipagtanan si Elena dahil kung hindi, paniguradong pare-pareho kaming nalintikan at pumalpak. Tanging siya lang kasi ang nakakaalam at nag-iintindi ng mga gamit ko lalo na ng mga susuotin ko.
Ang galing din nang ginawa niya, ah? Mukhang pinaghandaan.
Napailing-iling na lang ako at naging masaya na rin para kay Elena dahil hindi na rin naman siya bumabata.
Ang nagagawa nga talaga ng pag-ibig sa mga tao, oh...
Ilang minuto muna akong nanuod mula sa labas ng bintana ng eroplano bago ako tuluyang tangayin ng antok.
The flight was long and I was actually just slept the whole time. From seventeen hours and thirty-one minutes of hours for travel, I was really asleep, but when we landed and I already woke up, I still felt so sleepy.
Grabe 'yong tindi ng pagkaantok ko. Ang haba na ng oras na itinulog ko pero kulang na kulang pa rin.
Pagkababa ko ng plane ay nandoon at nakaabang na kaagad ang mga media. Wala talaga silang pinapalampas na oras kahit alas-nuebe na ng gabi. Nagtutulakan pa ang iba sa kanila, ayaw magpaawat at gusto pang makalapit sa akin ngunit pinipigilan sila ng mga bodyguards ko.
Ngumiti at kumaway muna ako sa kanila kahit nagugutom at inaantok na ako bago ako tuluyang pumasok ng aking black limousine.
Buti na lang talaga at binilhan na nila ako ng pagkain bago pa ako dumating. Halos maubos ko tuloy ang ibinili nila sa aking pizza, fries, spaghetti at fried chicken sa loob ng sasakyan. Ilang buwan ko rin kasing tiniis na huwag kumain ng mga pagkaing may fats and calories, at sa wakas, matapos ang ilang buwan na pagtitiis at pagsasakripisyo, nakakain na rin ng mga ganitong uri ng pagkain.
Nang makarating na kami sa lugar ko ay hindi ko na sila hinintay pa na matapos sa paghahakot ng aking mga gamit dahil inaantok na naman talaga ako.
Mabilis akong pumasok sa aking penthouse at kagaya sa simula nang makalabas ako ng hospital ay palaging tanging katahimikan at kalungkutan na lang ang sumasalubong sa akin sa bahay kong 'to.
Nag-shower muna ako, nagbihis ng sando at boxer shorts bago ako tuluyang nahiga sa aking malambot na kama at bago ko rin yakapin ang walo kong malalambot na mga unan.
Ilang sandali lang ay pilit kong ipinipikit ang aking mga mata upang makatulog na ngunit bigla na lang nawala ang aking pagkaantok kaya naman nagpapalit-palit ako ng pwesto sa ibabaw ng aking kama, umaasang muli akong dadalawin ng antok ngunit hindi nangyari.
Namalayan ko na lang na nakatitig na lang pala ako sa kisame ng aking silid habang nakabukaka ang magkabila kong mga binti at habang unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagbalot ng kalungkutan sa aking buong sistema at paglumbay ng aking buong katawan.
Parang mayroon talagang kulang sa akin....at hindi ko matukoy hanggang ngayon kung ano 'yon...