KAPALARAN

1013 Words
CHAPTER TWO RANDAL DE JESUS THIS is not happening, Rodrigo?" ani ni Minerva sa akin nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. Kagagaling ko lang sa isang conference meeting ng tumawag si Minerva. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na naman ito. Ang alam ko maayos na sa amin ang lahat, matapos namin mag-usap na hindi na kami kailanman magtatalo pa. Para sa magiging anak naming dalawa--- nagkamali lang pala ako. Dahil ito na naman ang aking asawa at nagsisimula ng magwala dahil sa walang kwentang mga bagay. Pinatay ko nang walang paalam ang tawag niya. Ayaw ko muna siyang makausap hangga't maaari, lalo pa't masama ang loob niya, mag-aaway lang kami wala lang mananalo sa aming dalawa at iyon ang ayaw kong mangyari. Hindi ko lang magugustuhan ang mga bagay na pwedi kong sabihin kay Minerva at hindi lang ito magkakaroon ng kahit na ano'ng katahimikan kung pareho lang din ako magmamatigas sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang aking pagmamaneho. Masamang-masama ang loob ko kay Minerva at ang pangako nito sa aking magbabago ay wala na yata pang pag-asa. Nag-aalala lang ako at buntis ito, hindi ko maaatim kung may mangyaring masama sa anak namin dahil sa mga hindi nito kalimitang ginagawa. HINDI ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng isang truck sa unahan ko na naging dahilan nang pagsalpok ng sasakyan ko at wala na akong tanging natandaan bago ako tuluyang nawalan ng malay tao. "FlashReport" Isang lalaking hubo't-hubad ang natagpuan sa isang masukal na kagubatan na siyang dinala nang isang grupo ng kabataan sa pinakamalapit na bahay pagamutan sa "Negros General Hospital" ayon sa mga nasagap namin na balita, sa mga attendant ng lalaki wala raw itong bakas na sinaktan o iba pang masamang nangyari, para pa sa ibang update ng balita makinig lamang sa aming istasyon. 60 Liwayway Grande, nagbabalita. SINADYA kong magtulog-tulugan nang marinig ko ang balitang inanunsyo sa radyo. Nandito ako ngayon sa hospital kung saan ako dinala ng mga kabataang nakakita sa akin, base na rin sa narinig ko sa babae na naghatid ng ilang impormasyon. Masakit pa rin ang aking buong katawan, tila normal din ang aking pakiramdam. Hindi pa rin ako halos makapaniwala sa nangyari sa akin ang tangi kong naaalala, naaksidente ako sa isang bangin. Nahulog ang kotseng sinasakyan ko at ang aking huling natandaan, ako ay namatay. Oo. Patay na ako. Iyon ang malinaw sa akin. Gusto ko man baguhin ang kapalaran ko wala na ako'ng magawa pa, wala rin akong maalala. Ang tanging laman lang ng aking memorya ay ang babaeng nangangalang Mira. Siya raw ang aking misyon at siya rin ang tanging magdadala sa akin sa kung anumang mundo ang mayroon ako bilang normal na tao, nang nabubuhay pa ako. Pero hindi ko alam kung saan siya hahanapin at kung ano ba talaga ang misyon ko sa kaniya, hindi malinaw sa akin ang lahat. Inikot ko ang tingin ko sa paligid, hinanap ng mga mata ko ang batang tanging ako lang ang nakakakita. Ang sabi nito sa akin, siya raw ang aking bantay bilang nagbabalik akong normal na tao. Maaaring siya rin daw ang magdadala sa akin sa dalagang hinahanap ko. Pero wala siya ngayon. Hindi ko siya makita kahit saan man ako tumingin ngayon, ako lang mag-isa ang nasa silid na ito. Walang kahit na sino ang nandito. Ang natandaan ko kanina ang isang nurse na nag-check sa ilang vital signs ko. Maayos naman daw ang lahat, normal naman at wala akong dapat ipangamba pa. Ang problema lang ngayon ay kung nasaan ba ako, batay na rin sa narinig ko kanina nandito ako sa publikong pagamutan sa Ilocos. "Gising ka na pala," bungad sa akin ng isang batang tulad nang nabanggit ko ako lang ang tanging nakakakita rito. Gabay daw ang itawag ko sa kaniya at siya ang aking magsisilbing gabay sa kung saan man ako ngayon at sa aking kailangan na misyon. "Nagugutom na ako," sambit ko sa kaniya. Umupo ito sa paanan ng kama ko at tiningnan lang ako. Wala man lang kahit na ano'ng emosyon ang mayroon sa mukha nito. Blangko itong nakatingin sa akin. Totoo naman na kanina pa ako nagugutom. Wala man lang kasi nagtatangkang pumasok dito para dalhan ako ng pagkain. Ang alam ko pag ganitong mga ospital may mga rasyon na dinadala sa pasyente. Pambihira! aniya ko sa sarili. Isang malakas na paghampas ang ginawa sa akin ni Gabay. "Hey. Bakit ka nanghahampas?" tanong kong naiinis sa kaniya. "Nabasa ko ang laman ng isip mo," tugon niya sa akin. Pati pala ang laman ng isip ko nababasa ng batang 'to. Pambihira nga naman! Oo! Umiwas ako ng isa pang hampas ang matatanggap ko mula sana sa kaniya. "Sorry. Sorry. Okay. Pasensiya na. Nabigla lang ako at gutom na talaga ako," aniya ko. Sinundan ko ng tingin si Gabay nang tumayo ito at walang paalam na basta na lamang lumusot sa pintuan. 'Mukhang nagalit pa yata sa akin ang batang 'yon,' aniya ko sa sarili ko. Kakaiba din ang powers ng batang 'yon! Ala casper, 'ika ko sa aking sarili. Ako kaya may ganoon ding kakayahan? Pambihira! Oo! Isang pagsinghap ang pinakawalan ko ng maalala ang kapalaran ko. Kahit na mahirap tanggapin na binigyan lang ako ng pangalawang pagkakataon bumalik sa mundo ng mga mortal na tao. Hindi pa rin ako masaya at paano nga ba ako magiging masaya? Kung ang blangko ang lahat ng ala-ala ko. Gulong-gulo ang isip ko, bakit ba kailangan magkaroon ako ng misyon ng ganito? Ano ba ako? Espesyal? Bakit hindi na lang ako dumirekta sa langit kung patay na talaga ako? Bakit kailangan mabuhay ako ulit para sa isang paghihirap sa misyong sinasabi nila sa akin. Saan ko naman hahanapin ang babaeng gusto nilang tulungan ko? Bakit sa past life ko superhero ba ako, para kailangan kong harapin ang misyong 'to! Kakaiba pala mabuhay sa pangalawang pagkakataon. Ako lang ba mayroon nito? O, kung may iba pa sana man lang makilala ko sila para matapos na 'tong problema ko! Ang buong akala ko pa naman kapag namatay ka na tapos na ang problema. Mas lumala pala! Pambihira!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD