bc

AFTERLIFE OF RODRIGO

book_age16+
317
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
mystery
spiritual
like
intro-logo
Blurb

RISE TO ASHES

MAIKSI lang ang naging buhay ni Rodrigo Vicente sa mundo. Namatay siya sa hindi inaasahang pagkakataon na wala man lang may nakaalam kahit isa man sa mga mahal niya sa buhay, lalo na ang asawa niyang si Minerva.

Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa isang bangin. Walang kahit na sino ang nakakita sa kaniya, kaya walang kahit sino man ang nagawang magligtas dito. Ngunit isang pagkakataon ang binigay kay Rodrigo ng isang tinatawag na Sundo.

Binigyan siya nito ng pangalawang buhay dahil sa isang misyon kailangan niyang pagtagumpayan. Ito ang hanapin ang babaeng hindi pa oras para mawala sa mundo.

May misyon pa ito at hindi pa panahon para bawiin ang hiram na buhay.

Isandaang-araw lamang ang binigay kay Rodrigo para sa misyon niya, para tuluyang makalayang makatawid sa buhay na walang hanggan.

Paano kung sa misyon ni Rodrigo mabuhay siya bilang si Randal?

Magagawa niya bang maging matagumpay kung wala man lang siyang naalala sa nakaraan?

Sino nga ba ang babaeng magiging daan ng kaniyang malayang pagtawid sa tinatawag na paraiso?

chap-preview
Free preview
SIMULA
CHAPTER ONE RODRIGO VICENTE [MANILA] "DOC, MAY EMERGENCY HO TAYO SA ROOM NUMBER 5," aniya ng isang nurse sa akin nang salubungin ako nito sa isang pasilyo ng hospital kung saan ako naglilingkod bilang Heart Surgeon sa Lady Mount Carmel Hospital sa Manila. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Katatapos lang ng problema ko sa bahay sa asawa kong si Lilibeth at heto ngayon, may isa pang dagdag na trabaho ang kakaharapin ko. 'Pambihira!' aniya ko sa isip ko. "Ihanda mo ang chart, pupunta na ako r'on," sambit ko sa kaniya. Agad naman itong tumalima at nagmadaling tinungo ang gawi ng nurse station, para sa chart na inutos ko rito. Nagmadali na rin ako at mabilis na tinungo ang pribadong opisina ko sa hospital na 'yon. "Karla ang chart?" untag ko kay Karla nang pumasok na ito sa opisina ko. Agad nitong nilahad sa harap ko ang files ng pasyenteng sinasabi nito. "Mariane May Garcia, 22 years old she had an heart failure since she was 8 yrs. old, bata pa lamang siya at may butas na ang puso niya. Hindi kailanman nagpa opera dahil sa kawalang pinansyal ng pamilya. Nagdaang-araw nawalan daw siya ng malay dahil sa ilang komplikasyon ng sakit niya," tuloy-tuloy na sabi sa kaniya ni Karla. Sinuot ko ang lab coat ko at maayos na nilagay sa leeg ko ang stethoscope ko. Nagmadali ako sa paglalakad ko at hindi na nagsalita pa kay Karla, kailangan kong puntahan ang pasyenteng sinasabi nito, baka unconscious ang pasyente kaya kailangan nilang agapan hangga't sa kung anuman ang makakaya kong gawin para dito. "Good morning, Doc," bati sa akin ng isang attendant nurse. Tumango lang ako dito at agad na binaling ang tingin ko sa pasyenteng nakilala kong Mariane May ayon kay Karla. "Unconscious siya, Doc. May malay pa siya nang dinala siya dito at bigla na lamang siya nawalan ng malay nang kinausap siya ni Karla para sa ilang impormasyon na kailangan sa kaniya," sabi sa akin ni Melba. Bumuntong-hininga ako at agad na binalik ang tingin ko sa pasyente. Kung susuruin ko lang ng mabuti; bata pa ito, napansin ko rin ang maputlang labi niya. Nawalan lang ito ng malay tao, pero ligtas siya sa kahit na ano'ng kapahamakan, aniya sa isip ko. Walang dapat ipag-alala, dugtong ko pa. Kinuha ko ang vital signs niya. "Normal pulse rate 61bpm," aniya ko sa dalawang nurse na kasama ko. "Karla, dalhin mo sa akin ang information niya. We have to study her case. She has to be found," utos ko kay Karla. Tumalima na ako matapos masigurado ang kalagayan niya, nagbilin din ako kay Melba na ayusin ang magiging silid niya. Nabanggit ng dalawa kaninang wala itong kahit na sinong pamilyang kasama maliban sa isang tricycle driver na nagdala sa kaniya nang makita raw nitong masama ang pakiramdam ng dalaga. Bumalik na ako sa opisina ko, para pag-aralan ang ibang detalye sa sakit ng pasyente at kung ano ang dapat kung gawin para maging maayos ang lagay nito. NAPATINGIN ako sa litratong naka-frame sa harapan ko ngayon sa tabi ng laptop at ilang gamit ko sa clinic--- larawan ito ni Minerva at ako nang ikasal kaming dalawa sa malaking simbahan ng Batangas--- isa 'yon sa pinakamasayang araw sana ng buhay ko. But no! Mahal ko naman si Minerva, halos anim na taon din kaming naging magkasintahan 'yon nga lang hindi pa sana oras na ikasal kaming dalawa. Magulang niya lang ang may kagustuhan ng lahat ng 'to na hindi ko pweding saklawan. Mahal na mahal ng mga ito si Minerva kahit ang sarili kong magulang hindi naka-alma ng malaman nilang kailangan na kami ikasal ng babae dahil nagdadalang-tao ito. Wala na rin akong nagawa n'on kundi ang pakasalan ito, bukod kasi na ang pamilya ni Minerva ang gumastos sa lahat ng kailangan namin--- idagdag ko na rin dito ang sanggol na dinadala nito na kailangan ng isang buong pamilya kapag sinilang ito sa mundo. Maaring nagmadali kami ni Minerva sa puntong 'yon, hindi ko sinasadyang mabuntis siya at alam kong ganoon din ito hindi rin naman inaasahan nito ang bagay na 'yon. Halos nasa edad na rin naman kaming dalawa. Oras na rin naman para malagay sa tahimik na buhay bilang mag-asawa kaso sa bahagi ng buhay ko, may ilang bagay pa akong gustong abutin. May kinalaman din siguro ang maaga naming pagpapakasal sa nangyayari ngayon sa buhay namin--- madalas kaming mag-away sa walang katuturang mga bagay. Ang buong akala ko kilalang-kilala ko na si Minerva, pero hindi pa pala dahil napakarami ko pa palang walang alam tungkol sa kaniya. "Dok, may kailangan ka ba?" untag sa akin ni Rose. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ito sa clinic ko, maaaring nahulog lang ako sa malalin na pag-iisip kaya hindi ko agad ito napansin. "Wala naman. Bakit may kailangan ka ba?" balik tanong ko sa kaniya. Lumapit ito sa gawi ko at nilapag sa harap ko ang ilang folders, ito siguro ang hiningi ko sa kaniya kanina bago ko siya iwan sa emergency room kanina. "Upo ka.." alok ko. "May iniisip ka ba, dok?" tanong niya sa akin. Paano ko ba ipagtatapat ang lahat dito tungkol sa problema namin ni Minerva ngayon? Siguro labas na si Rose sa kung ano man ang iniisip ko hindi ko na siya isasali pa at wala naman siyang alam buhay namin mag-asawa ni Minerva, ayaw ko rin itong madamay at kilala ko ang asawa ko. Alam ko ang itatakbo ng isip nito, lately nagiging makitid kasi ang isip nito at kung ano-ano na lang ang naiisip na wala naman katuturan at hindi nakakatulong sa buhay naming mag-asawa. "Marami akong naiisip," sagot ko sa kanya. "Tungkol saan naman? Tungkol ba sa mga pasyente mo o kay M-Minerva?" tanong nito sa akin. Kilala ni Rose si Minerva, bukod kasi sa madalas itong pumunta sa clinic ko nang magkasintahan pa lang kami--- isa rin si Rose sa pinagsiselosan talaga nito madalas. Ang iniisip nito dahil sa madalas kong pagparito sa clinic, ang hindi nito maisip nandito ang trabaho kong bumubuhay at bubuhay sa aming dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook