Chapter 6

1087 Words
HINDI malaman ni Cassy kung ano'ng magiging reaksyon niya nang muli niyang makita ang lalaking kinamumuhian nitong mga nakaraang araw. Kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso niya ang pagdaloy ng dugo pataas sa kanyang ulo. Kung ang ibang babae ay dumadagundong ang dibdib kapag nakikita ang lalaking gusto nila, iba naman ang nararamdaman ni Cassy. Ang pagbilis ng pulso niya ay dala ng galit at hindi ng kilig. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Of all the places, dito pa talaga ulit tayo nagkita!" bulyaw ni Cassy sa kausap. "Eli, is he the girl who you're talking about?" tanong ng lalaking katabi nito. "Yes. Siya 'yon," anas nito. Bahagyang lumapit sa kanya ang lalaking nagsalita. "Hi, I'm Beau. Eli's best friend," pakilala nito at iginiya ang palad sa kanya. "Hi! I'm not interested!" sambit naman ni Cassy sabay hampas sa kamay ng nagpakilalang si Beau. "Are you stalking me?" tanong ng lalaking kinaiinisan niya. "What?! How can you manage the audacity that you have? Bakit naman kita babalaking i-stalk? Sino ka ba sa inaakala mo?" Cassy crossed her arms. Kung may tingin mang kayang makahiwa ng balat, iyon ay ang tingin ni Cassy sa kausap. The guy hissed. "I am Markus Eliazar Alejo. But you can call me Eli." Pumamewang pa ito bago ituloy ang sasabihin. "Teka, bakit ba ako nagpapakilala sa 'yo? Ikaw na nga 'tong may kasalanan sa akin, ikaw pa 'tong may ganang magalit? Don't you know the price of this shirt? Baka kulang pa ang monthly allowance mo, pambayad dito!" sabi nito sabay turo sa damit na hindi niya sinasadyang matapunan ng kape. "Kasalanan ko bang hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Serves you right, masyado ka kasing arogante!" She would not say sorry to that guy whatever happens. Ayaw niyang ibaba ang pride niya lalo na sa lalaking nagpakilalang 'Eli'. "Ah, ganoon ba?! Halika! Sumama ka sa akin!" Marahas siyang hinawakan ni Eli sa braso at hinila. "Wait! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" sigaw ni Trixie pero bago pa man ito makalapit sa kanila ay pinigilan na kaagad ng dalawang kaibigan ni Eli. "Don't worry, your friend will be safe with him," sagot ni Beau rito. Wala namang magawa si Cassy. Masyadong mahigpit ang pagkakakapit nito sa kamay niya at masyado itong malakas para makawala sa siya. "Saan mo ba 'ko dadalhin?!" "Sumama ka sa akin?!" giit ni Eli habang kinakaladkad siya sa isang boutique shop ng mall. Hindi siya binibitawan nito habang namimili ng damit. "Bibili ka lang naman pala ng damit, bakit kailangan kaladkarin mo pa 'ko?" tanong ni Cassy. Inilapit ni Eli ang mukha nito sa kanya. Doon niya nakita nang mas malapitan ang mga mata nito at inaamin niya, guwapo nga ang binata sa malapitan. "Dahil ikaw ang magbabayad nito," wika nito. Bumalik siya sa ulirat nang marinig ang sinabi ni Eli. "W-What?! Bakit ako?!" tanong niya. "Hindi ba, ikaw ang nakatapon ng kape sa suot ko. You're the who's responsible for this," anas nito na hindi pa rin binibitawan ang braso niya. "No! Hindi ko babayaran 'yan!" Muling binalingan ng masamang tingin ni Eli si Cassy. "Ayaw mong mag-sorry, 'di ba? Now, you need to pay for this," sambit nito saba taas ng napili niyang damit sa botique shop. If that was an option, hindi pa rin siya papayag. "I would never say sorry neither pay for that shirt!" pagmamatigas niya. Wala siyang susundin sa kahit anong iutos sa kanya ni Eli. "Talagang matigas ka. Sumama ka sa akin," saad ni Eli na muli siyang kinaladkad. Nakita na lang niya ang isang fitting room kung saan siya balak dalhin ni Eli. "What are you trying to do?" tanong niya. "Get inside!" utos nito. "No!" Agad siyang humanap ng isang staff na maaaring tumulong sa kanya pero wala ni isang pumapansin sa kanya. "Miss, tumawag ka ng guard! This guy is harrassing me," untag niya sa babaeng saglit lang na sumilip sa kanya pero mabilis na muling ibinaling ang sarili nito sa pinagkakaabalahan. "They will not listen to you. My mom owns this boutique kaya kahit magsisigaw ka rito, walang papansin sa iyo," banta ni Eli. Mukhang wala nga siyang magagawa sa pagkakataong 'yon dahil sa nakikita niya, takot ang mga taong nagtatrabaho doon sa kanya. "Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas siya pero wala siyang magawa dahil masyadong malakas si Eli. Nagawa nga nitong itulak siya papasok ng fitting room. "Huwag ka ngang makulit!" "An–Anong gagawin mo?" Hindi na siya nakapagsalita nang bigla na lang maghubad si Eli sa harap niya. Napatakip siya ng mata gamit ang mga kamay nang makita niya ang topless na binata. Never pa siya nakakita ng katawan ng lalaki kaya ganoon na lamang ang pagtakip niya sa mga mata. Pero malikot ang isipan ni Cassy. Madalas lang siyang makakita ng nakahubad na lalaki sa mga magazine o kaya naman ay bill board pero kahit kailan ay hindi pa niya naranasang mapagmasdan ang lalaking naka-topless sa harap niya. Gusto man niyang pigilan ang sarili pero dahil sa curiousity, gusto niyang maramdaman ang pakiramdam ng makasaksi ng lalaking walang suuto na saplot pang-itaas. Bahagya niyang inawang ang daliri at sinilip ang nagbibihis na si Eli. Halos manlambot ang tuhod niya nang mapagmasdan ang malapad nitong dibdib. Wala mang abs ay detalyado naman ang katawan nito bilang lalaki. Ang mas nakakapagtaka ay wala man lang itong balahibo sa kili-kili. Noon lang siya nakakita ng lalaking ganoon kalinis sa katawan. Hindi niya tuloy alam kung mai-insecure siya o mati-turn on sa nakikita. Eli was a perfect symbol of the word handsome for her. Pero kahit ganoon kagandang lalaki si Eli, minus points pa rin ang ugali nito para sa kanya. "Labhan mo 'yan." Saka lang siya nakabalik muli sa ulirat nang natakpan ang mukha niya ng shirt na ihinagis ni Eli sa kanya. Iyon ang damit na natapunan niya ng kape kani-kanina lamang. "Wow! Ano ako? Katulong mo?" singhal niya. "Kung hindi mo kayang bayaran ang damit ko, then you should do something for me. Regalo pa 'yan ng nanay ko sa akin kaya mahalaga 'yan. Ingatan mong huwag masira!" Hindi na nagawa pang makaangal ni Cassy. Kasalanan din naman kasi niya dahil hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya kanina kaya hindi sinasadyang matapunan niya ito ng kape. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng fitting room at walang nagawa sa gustong mangyari ni Eli. Tila ba natanggal ang angas niya sa binata noong mga oras na iyon. Napatitig na lang siya sa damit na ibinato ni Eli na kailangan niyang labhan at isauli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD