Chapter 5

1079 Words
 "GIRL, ano'ng kagagahan naman 'tong ginawa mo? Akala ko ba, hate mo 'yang si Markus Eliazar? Bakit nag-heart ka sa isa sa mga pictures niya sa Instagraf?" tanong ni Trixie kay Cassy habang hinihiwa ang chocolate cake na in-order nito. Hawak pa nito ang phone ni Cassy habang pinagmamasdan ang litratong na-heart niya. "It was an accident. Malay ko bang mata-tap ko ang screen nang hindi sinasadya," depensa naman niya sabay higop sa straw ng iniinom niyang chocolate mocha frappe. They were at the coffee shop. Na-bore kasi si Cassy sa bahay kaya kaagad niyang niyaya si Trixie na lumabas. Wala ang kanyang kuya dahil inaayos nito ang enrollment nito sa Montecillo University. "Talaga bang accident lang ang nangyari?" duda ni Trixie. Magkasabay na tumikwas ang isang kilay nito at umangat ang kabilang dulo ng labi na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi niya. Sino ba naman kasi ang hindi mapapa-heart react sa picture na iyon kung ganoon naman kaguwapo at ka-cute ang nasa larawan. But Cassy would rather put a 'heart react' to a picture of a cute dog or cat rather than the picture of that arrogant guy. Yes! She labeled him that way. Unang encounter pa lang naman kasi nila ay hindi na talaga naging maganda ang kanilang pagkikita. Ano pa kayang rason para makita niyang likable ito? Zero percent. As in, wala. "Alam mo, girl, minsan magsalamin ka. Or better yet, magpatingin ka sa psychiatrist. Hindi ko bet ang pagiging assuming mo," ani Cassy sa kaibigan. "Eh, kasi naman, masyado kang nag-judge kaagad. Baka naman kasi kasalanan talaga n'ong girl that time kaya nagalit si kuya." Naikuwento kasi ni Cassy rito ang naging eksena noong magkita sila ng lalaking 'yon kaya hindi na lingid sa kaalaman nito ang nangyari. "Whatever her reason was, hindi niya dapat ipinapahiya nang ganoon ang mga babae. Hindi niya ba alam na masyado niyang inapakan ang pagkatao ni ate mo girl sa mall? Sa susunod na magkita kami, I will teach him how to treat a girl right!" angil ni Cassy. "Wow! Kailan ka pa nagkaroon ng advocacy sa women empowerment? Girl, sinampal mo rin siya koya kaya patas lang, 'no!" sagot naman ni Trixie sa kanya. "Kulang pa 'yon. Hindi pa niya natitikman ang bagsik ng kamao ng isang Cassandra Villegas." Kumuyom ang kamao ni Cassy habang sinusuntok ang kabilang palad na tila ba naghahamon ng away. Napailing na lang si Trixie sa kanya. Wala naman kasi itong magagawa sa tigas ng ulo ni Cassy. Minsan na rin nitong nanuntok ng kaklase nilang lalaki noong high-school dahil biniro niyon si Trixie na itinaas ang palda mabilis na kinuhanan ng litrato ang ilalim ng skirt. Alam naman ni Trixie na hindi magandang biro iyon at sinuway naman nito ang gumawa niyon pero sa halip na maging maayos ay lalo pang napasama. Dumugo ba naman ang ilong ng kaklase nila kaya ang ending, nagkaroon ng record si Cassy sa guidance office. "Alam mo, ang mabuti pa, ubusin na lang natin ang pagkain natin at mag-shopping tayo after," utos ni Trixie na kaagad namang sinunod ni Cassy. ****** EVERY eye was staring at the three guys who were walking down the lobby of the mall. "Oh, God! Are they celebrities?" "Who are they?" "Ang guguwapo naman nila..." Those are the murmuring they heard as they treat treat their way like a center stage. Magkakasama sina Beau, Eli, at Ariston na naglalakad papasok ng mall. May mga pasekretong kumukuha ng pictures sa kanila pero hindi nila iyon pinapansin. Sanay na sila sa ganoong eksena na kung itrato sila ng mga tao sa paligid ay parang mga celebrities. Well, Eli was once a product endorser of her mom's advertising company kaya hindi na bago sa kanya na makita ang mukha sa iba't ibang bahagi ng social-media. "Paps, saan tayo?" tanong ni Ariston. "The usual," sagot ni Eli. Madalas silang tumambay sa isang sikat na cafeteria sa mall na iyon sa Makati para kumain at mag-relax. Iyon kasi ang araw na titingnan ni Eli ang condo unit na matagal na niyang hinihiling sa mga magulang. Nagpasama siya sa dalawang kaibigan at agad namang pumayag ang mga ito. "Siya nga pala, Paps. Paano mo napapayag ang parents mo na bilhin ang unit na iyon sa iyo?" tanong ni Beau habang papasok sila ng cafeteria. Saka lang naalala ni Eli na hindi pa pala niya nasasabi ang tungkol doon. Paano'y busy ang mga ito sa phone nila kanina kaya hindi na niya naisip na ikuwento ang dahilan kung bakit mapipilitan siyang pumasok sa Montecillo University. "Actually, may kapalit 'yon. Iyon ay kailangan kong mag-transfer sa MU bago nila ibigay sa akin ang condo." Dismayadong tumingin si Eli kay Beau at Ariston. "Eh, bakit kasi ayaw mo pang pumasok sa MU? Masaya naman doon, kasama mo kami ni Beau at marami ka pang makikilalang magaganda roon," pagmamalaking wika ni Ariston na may kinang sa mga mata habang nagbibitiw ng mga salita. "Ayoko kasi, kokontrolin na naman ako ni Dade. Kapag nasa puder niya ako, para akong robot na sunod nang sunod sa kanya. Nakalaya na nga lang ako sa kanya nang lumipat siya ng MU," saad ni Eli. "Naku! Oo nga! Terror talaga 'yang tatay mo. Akalain mo ba namang ibilad kami sa init ng araw," sagot ni Ariston. Kung nagagawa iyon ng amang si Iñigo sa mha kaibigan niya, ano pa kaya sa kanya. "No wonder kaya ayaw mo sa MU," sabi naman ni Beau. "Yeah!" Eli said with disappointment. "Eh, paano 'yan? Hindi mo maiiwasan si Tito oras na pumasok ka na sa MU." May pagtatanong ang tono ni Ariston. "Wala naman akong magagawa, eh. Besides, dalawang taon na rin naman. I will just endure the pain." Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo sa sinabi ni Eli. For him, having Iñigo as his father is worst than hell. Hindi nga ito naging sundalo pero kung paano siya itrato ng ama ay daig pa ang magsusundalo. Habang palapit sila sa bar counter, hindi namalayan ni Eli ang pagsalubong sa kanya ng babaeng papalabas pa lamang. Hindi sinasadyang mabangga siya nito at matapunan ang suot niyang white shirt ng kapeng hawak ng babae. "Holly crap!" sigaw niya. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa direksyon ng babaeng nakabundol sa kanya. Ganoon na lamang ang pagkawindang niya nang makitang muli ang isang pamilyar na mukha. "Ikaw na naman?!" sabay pa nilang wika ng babaeng 'yon. Sino nga kaya iyon at bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Eli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD