Chapter 4

1237 Words
IT'S another day for Eli. Eight o'clock in the morning is not yet the best time for him to wake up. Napuyat na naman kasi ang binata sa paglalaro ng PS4 at pagbabasa ng paborito niyang horror stories. All of that stuff is his hobby. Mas madalas kasi siyang mapag-isa kapag hindi niya kasama sina Beau at Ariston. The three were called BEA boys which came to their names - Beaumont, Eliazar, and Ariston. Sila ang tinaguriang cutest crushes ng Dalton University. But now they have graduated, they are still studying at the same school their parents chose. Matalik kasing magkaibigan ang mga ama nila kaya ganoon na lamang din ang pagpupumilit ng mga ito na papasukin sila sa iisang university which is Montecillo University. Upon his sleep, he heard someone knocking outside his room. "Anak, gising ka na ga?" That's her mom Marga Alejo. Tumihaya siya sa kama nang marinig ang tawag ng ina. Siguradong aabutin na naman siya ng sermon kapag hindi pa siya bumangon kaya kahit inaantok pa ay wala siyang nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan ang ina ng pinto. "Opo, Mame," mumukat-mukat niyang sambit sa ina. Kahit magulo ang buhok at walang suot na damit ay hinarap pa rin niya si Marga. "Ang kalat naman ng kuwarto mo! Parang dinaanan ng bagyo!" Iyon talaga ang una nitong napansin nang buksan ni Eli ang pinto ng kanyang kuwarto. "Sorry po. Hindi ko na nalinis kagabi 'yan." Napabuntonghininga na lang si Marga sa dahilan niya. "Paano kita bibigyan ng sariling condo unit sa Manila kung ganyan ka umasta? Aba'y mahihirapan kang mag-isa kung kuwarto no pa lang ay hindi mo na maayos." Tulad ng inaasahan, nagsimula na namang manermon ang ina sa kanya. Wala din naman siyang choice. Kung hindi niya kaagad pinagbuksan ito ng pinto, mas lalong mag-iinit ang ulo nito sa kanya. Pero kahit ganoon ang kanyang Mame Marga sa kanya, hindi niya nagawang sagutin ito. Ito lang kasi ang madalas makaunawa sa kanya kapag may problema siya. Ito rin ang nagtatanggol sa kanya kapag pinagagalitan ng amang si Iñigo. Ang ina lang niya ang naging kakampi niya sa buhay kung kaya't kahit madalas siyang makarinig ng sermon dito ay hindi niya nagagawang pagtaasan ito ng boses - malayong-malayo sa trato niya sa kanyang ama. Habang inililigpit ng ina ang kanyang gamit ay lumapit siya rito at niyakap ito sa muna kanyang likuran. "I love you, Mame. Payagan mo na 'kong kumuha ng condo sa Maynila. Promise, hindi ako magiging pasaway," lambing niya sa ina. Napangiti naman ang ina. "Sus! Ikaw ay magtino muna. Baka sakaling magbago ang isip ko." Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at pumuwesto sa harap nito sabay taas ng kamay. "Promise! Magtitino ho ako!" wika niya. Umangat ang kabilang dulo ng labi ng ina na parang may biglang naisip. "Sige! Papayag ako. But in one condition," kompiyansang wika ng kanyang Mame Marga. "Anything. Gagawin ko lahat para payagan mo 'ko." Matagal na kasi niyang gusto na magkaroon ng sariling condo unit sa Manila. Hindi lang siya pinapayagan dahil masyado pa raw siyang bata. Iyon ang sabi ng ama pero ang kumontra naman ang ina at sinabing hayaan siyang matutong mamuhay mag-isa. Kaya ganoon na lamang ang tuwang naramdaman niya nang sang-ayunan siya ng ina. Not until he heard what her mother said. "You will study at Montecillo University." "What?! No!" angil niya. "Akala ko ba, you will do anything?" tanong ng ina. "Yes po! Anything but not that," pagmamatigas niya. "Okay. Your father and I agreed pa naman na doon ka titira sa napili mong condominium unit pero mukhang babawiin na namin. Sayang, nakapag-down payment na naman ako sa unit." Base on his mother's tone, she was like making him feel guilty. Iba rin mangumbinse itong ina niya. Para tuloy siyang na-corner sa deal na iyon at wala siyang magagawa kundi ang pumayag na lamang. "Fine! Fine! Sige na. Sa Montecillo na 'ko mag-aaral," pagpayag niya. Marga looked at him and smiled like she won from an argument. "Good! Anyway, breakfast is ready downstairs. Hinihintay ka na namin ng Dade mo!" Lumabas si Marga dala ang marurumi niyang damit. "Ugh!" he groaned with disappointment. Bagsak ang balikat sabay umirap sa pinto ng kuwarto nang isara iyon ng ina. ***** ELI was sitting on the couch while his friends, Beau and Ariston, playing their favorite game on his PS4. Binisita siya ng dalawa dahil wala na namang magawa ang mga ito. Napansin naman siya ng dalawa na tahimik lang at tulala na tila may malalim na iniisip. "Paps," tawag ni Beau kay Ariston sabay siko rito. "Oh?" Napatingin si Ariston dito. Ngumuso lang si Beau sa kinaroroonan ni Eli. Sa ganoong senyasan lamang ay mukhang alam na nila ang problema. Ariston automatically paused the game. Kumuha naman si Beau ng unan at ibinato sa mukha ni Eli. "Ano ga?!" angil ni Eli nang matamaan siya ng unan. "Paps, ano gang problema mo?" tanong ni Ariston. "Oo nga. Kanina ka pa tulala, eh. Babae yata iyan?" segunda naman ni Beau. "Tumigil nga kayo." Bahagyang iniangat ni Eli ang nakasandal niyang likod sa kutson. "Gusto ni Dade na mag-transfer ako sa Montecillo sa susunod na pasukan." "Ayaw mo n'on? Magkakasama tayo? Ayaw mo na ga kaming kasama?" tila may pagtatampong sabi ni Ariston. "Hindi na. Nakakasawa 'yang mga pagmumukha ninyo. Pero wala rin naman akong magagawa kundi doon pumasok. Hindi bibilhin ni Mame ang gusto kong condo unit kung hindi raw ako sa Montecillo mag-aaral," paliwanag ni Eli. "Naks! May condo unit na siya. P'wede ga kaming tumambay doon?" sabi naman ni Beau. "May magagagawa pa ga 'ko. Dito na nga lang, wala na kayong pakundangang pumasok na akala ninyo'y bahay n'yo areh, doon pa kaya na ako lang mag-isa ang titira?" Likas na sa kanilang magkakaibigan ang ganoong trato sa isa't isa. Parang magkakapatid na rin kasi ang turingan nila kaya hindi na kataka-takang basta na lang sila pumapasok sa kanya-kanyang bahay na wala man lang paalam. "Pasalamat ka nga at dito muna ako pumunta bago umuwi. Ganoon kita ka-miss!" Lumapit si Beau kay Eli na akma itong hahalikan pero kaagad niyang ihinarang ang braso sa nakangusong kaibigan. "Yuck! Lumayo ka nga!" saway ni Eli kay Beau. "Ang arte naman. Ki-kiss lang, eh." "Ako nga, umuwi lang ako rito dahil sa 'yo. Tapos ganyan mo kami kausapin? Ano'ng klase kang kaibigan?! " Umarte namang umiiyak si Ariston na tila nagpapaawa. "Tumigil nga kayong dalawa! Kadiri!" angal ni Eli sabay irap sa mga kaibigan. Siya namang pagtunog ng kanyang phone at nang silipin ay isa lamang itong notification. Hindi niya ugaling tingnan ang notification ng kanyang social media accounts dahil alam niyang mga babaeng nagpapansin lamang ang mga iyon sa kanya. Pero pumukaw sa atensyon niya ang babaeng nag-like sa Instagraf account niya. It was a familiar face kaya naman hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Eli. Hindi niya napigilang tingnan ang Instagraf account ng babaeng nag-like sa kanyang picture at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malaman kung sino iyon. "What the-" Bumagsak ang panga niya sa nakita. Napukaw naman ang atensyon ng dalawa at nagtatakang nilapitan si Eli. Halos magdikit na ang mukha ng tatlo habang pinagmamasdan ang Instgraf account na tinitingnan ni Eli. "Ang ganda naman niyan!" sambit ni Ariston. "At ang laki ng pe... pendant!" dugtong naman ni Beau. Sino naman kaya ang babaeng iyon at ganoon na lamang ang pagkagulat ni Eli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD