Chapter 3

1071 Words
NAPAAWANG ang bibig ni Trixie nang malaman kung sino ang tinutukoy ni Cassy na nakabangayan niya sa mall. Cassy had no idea why her friend reacted hysterically when she said the name of the guy. "Girl, I don't get it! Bakit ang OA ng reaction mo?" aniya. Hindi naman malaman ng kausap ang gagawin. "Cassy, he's one of the members of BEA Boys of Dalton University. Hindi mo ba alam?!" "What? B-BEA Boys who?" Wala talagang alam si Cassy sa kung ano ang sinasabi ng kaibigan. Magkasabay na kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kilay habang pinagmamasdan kung paano mag-react si Trixie. Pinapaypay pa nito ang dalawang kamay sa mukha habang naghi-hysterical. "Girl, don't you know them? Sila lang naman ang one hottest and most handsome school boys ng buong Pilipinas. They are from Dalton University and balita ko nga, sa Montecillo University na sila mag-aaral ngayon!" ani Trixie na may kasunod na tili. Kasalukuyang umiinom si Cassy ng juice na inihanda sa kanya ng kanyang Kuya Cole pero napabuga siya nang marinig ang pamilyar na pangalan ng isang paaralan. "What?! Montecillo University? Eh, doon papasok si Kuya! Oh, my God! I can't imagine how rude those guys are. Kawawa naman ang kuya ko." Mabuti na lang talaga at wala na sa tabi niya si Cole noong mga oras na iyon dahil kung nagkataon, pag-aawayan nilang magkapatid ang pagpasok nito sa Montecillo University. Alam kasi niyang matagal nang pangarap ni Cole na makapasok doon pero nang marinig niya ang sinabi ni Trixie, parang gusto na niyang pigilan ito. "Ang OA, ha? Mababait naman sila. Well... somehow. But that Markus Eliazar, I heard he's a bully. Balita ko nga, ang dami n'ong pinaiyak na Daltonians last year. Mabuti na nga lang at graduate na siya ro'n," pahayag pa ni Trixie. "Mabait? I doubt. Iyon na nga lang Markus Eliazar na 'yon, he's the proof na walang matino sa kanila." Napairap na lang si Cassy. "Ay, ewan ko sa 'yo, girl. Sige na, I have to go. May dinner pa kami. Bye, frennybels!" "Bye..." Walang ganang pinagpatayan ni Cassy si Trixie ng tawag. Hindi dahil nawalan siya ng ganang kausap ito kundi dahil sa narinig niya. Iniisip niya kung paano pipigilan ang kapatid na balaking pumasok sa Montecillo University. What should I do? Out of the blue, while scrolling her phone, nakita niya ang picture ng isang pamilyar na mukha. "It was him!" Napasinghap siya nang makita ang picture ng lalaking nakaaway kanina lamang sa mall. Kalat na kalat ang mukha nito sa mga university secret files - iyon bang mga fanpage ng mga universities kung saan may mga naka-post na anonymous students na nagko-confess sa mga crush nila. Hindi niya naiwasang mapatitig sa isa sa mga litratong nakita niya. "G'wapo sana. Kaso, may pagkamayabang?" "Sino'ng mayabang?" Nagulat siya nang biglang magsalita ang kuya niya na bumababa sa hagdan. Mabilis niyang ibinaba ang phone sa sofa upang hindi mapansin ng kapatid ang tinitingnan. "W-Wala, kuya. May pinapanood lang akong K-Drama sa phone ko. Eh, mayabang 'yong bidang lalaki," tanggi niya. "Ikaw, ha? Naaadik ka na riyan sa kapapanood mo ng K-Drama. Baka palagi kang napupuyat diyan," usisa ni Cole sa kanya. Madalas ay napagsasabihan siya nito pero naiintindihan naman niya dahil sila lang dalawa sa bahay. Nasa ibang bansa pa kasi ang mga magulang nila kaya si Cole muna ang nagbabantay sa kanya. "Hindi naman, kuya. Minsan na nga lang ako manood." "Oh, siya... akyat na 'ko. I have to sleep early dahil pupunta pa ako ng MU bukas," saad ni Cole. "Kuya, wait!" Cole was about to leave but Cassy stopped him. Napalingon ito sa kanya habang papalapit siya rito. "Yes?" "Kailangan ba talagang doon ka pumasok? Hindi ka na ba mamimili ng ibang universities? Madami pa naman diyang ibang magagandang pasukan?" sambit ni Cassy. Napakunot naman ng noo si Cole. "Why are you suddenly asking me that? Akala ko ba, okay na sa iyo na doon ako pumasok?" "O-Oo nga. Sabi ko nga." Pilit na napatawa si Cassy sabay iniwas ang tingin sa kapatid. "Is there something wrong?" tanong naman ni Cole. Napakagat ng labi si Cassy. Bakit kasi masyado siyang nag-aalala sa kapatid? Ang ikinababahala lang naman kasi niya ay baka mag-krus ang landas nila ng Markus Eliazar na iyon. Baka kung ano'ng gawin niya sa kapatid oras na makadaupang-palad niya ito. "Wala naman. I just heard na marami raw kasing mga bully sa school na 'yon. Baka kasi kung anong gawin nila sa 'yon," sagot ni Cassy. "Who said that? Si Trixie ba? Masyado kang nagpapapaniwala sa kaibigan mong 'yon. MU is the most disciplined university here. Kaya imposible 'yang sinasabi mo," paninigurado ni Cole. "Worried lang naman ako sa 'yo." She pouted her lips as she was really worrying about him. Mabilis ang naging buntonghininga ni Cole sabay hawak sa magkabila niyang balikat. "Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. Ikaw? Hindi ka pa ba nakakapili ng school na papasukan mo? Malapit na ang school year." Napakamot ng ulo si Cassy sabay ngumiti nang pilit. "Hindi pa nga, eh." "You have to decide before the school year starts," bilin ni Cole. "Yes, sasabihan kita kapag nakapili na ako." "Sige. I have to go. Matulog ka nang maaga, ha? Huwag magpupuyat." "Yes, kuya!" Matapos ang kanilang naging usapan ay bumalik si Cassy sa upuan at kinuha muli ang phone. Muli na naman siyang napatitig sa larawan ng lalaking laman ng mga confesion. Out of curiousity, hindi niya napigilang mag-imbestiga sa lalaking 'yon. Gusto lang niyang makasiguro na hindi masamang tao ang Markus Eliazar na tinutukoy ni Trixie kaya kaagad siyang pumunta sa Instagraf account niya at hinanap ang pangalan nito. "Eligator?" Iyon ang nakita niyang username ng lalaking iyon. Hindi niya napigilang matawa sa natuklasan. "Wala na bang maisip na matinong username ang lalaking 'to? Eligator talaga?" Walang humpay ang kanyang halakhak dahil sa iniisip. Sa kanyang pagtingin-tingin sa pictures nito habang tumatawa, hindi niya namalayan ang biglang pagdampi ng hinlalaki sa screen ng phone niya at doon ay hindi sinasadyang ma-like niya ang isa sa mga picture nito. "Oh my God!" Paulit-ulit niyang pinindot ang screen ng phone para sana bawiin ang reaction niya pero huli na ang lahat, hindi niya iyon mababawi. "I'm dead..." Napahawak na lang siya sa magkabilang pisngi matapos maihagis ang phone sa kabilang dulo ng sofa. Ano kayang gagawin niya oras na matuklasan ng lalaking iyon ang Instagraf account niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD