Chapter 2

1056 Words
"HEY, Sis! What's up?" Bumungad kay Cassandra ang kapatid niyang abala sa mobile games nang makapasok siya sa bahay. She looked terribly annoyed when she sat on her twin brother's side. Hindi naman napansin ni Cole ang nakabusangot niyang pagmumukha dahil naka-focus pa rin ang atensyon nito sa phone niya. "Someone ruined my day! Argh!" may gigil na angil ni Cassandra o mas kilala sa tawag na Cassy. Napatigil naman sa sa paglalaro si Cole nang marinig ang pagmamaktol ng kakambal. "Wooow! Chillax!" Cole put his phone on the table and moved closely to his sister. "What happened at the mall?" he asked. Pinakalma muna siya ni Cole sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito. "I met a guy at the mall and he's dumping with a girl. I should've killed him earlier." Sa mga sinabi ni Cassy, halatang galit siya sa mga lalaki. A total man-hater kumbaga. Nagsimula ang pagiging mailap niya sa mga lalaki simula nang iwanan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae. Kitang-kita niya kung paano magmakaawa ang ina nila na huwag silang iwan nito kaya magmula nang mangyari ang bagay na iyon, she promised herself not to have a relationship with a guy. Pero s'yempre, exempted ang kuya niya sa option. Kung may lalaki man siyang makikilala, at magugustuhan, Cole will be the standard. Kaya lang, walang makapantay sa standards kuya niya. Kaya kahit ang daming nagtatangkang manligaw sa kanya ay hindi nakakapasa dahil wala sa mga qualities ng mga lalaking iyon ang mayroon sa kuya niya. Isa pa, hindi pa siya handang makipag-boyfriend. "Ang aggressive naman ng Little Twinny ko. Gusto mo bang igawa kita ng favorite mong cucumber lemon juice?" ang tila may paglalambing na wika ni Cole sa kanya. Alam na alam nito kung paano siya pakakalmahin. Isa kasi sa mga paborito niyang pampalamig ang cucumber lemon juice lalong-lalo na at ang kuya niyang si Cole ang nagtimpla. "You really know how to make me calm, Kuya," she said smiling. "Coming up!" Agad namang tumayo si Cole at dumiretso sa kitchen para gawin ang favorite drink niya. "Thank you, Kuya!" sigaw niya habang sinusundan ng tingin ang kapatid. "You're welcome, Little Twinny!" Cole is five-seconds older than her. Identical twins ang dalawa kaya magkamukhang-magkamukha. Nagkakaiba nga lang sa height dahil mas matangkad si Cole kumpara sa kanya. Cole is the perfect example of an ideal man for her twin sister. Kaya naman kung magkakaroon ng boyfriend si Cassy, sisiguraduhin niyang masipag, matalino, at may repeto sa mga babae tulad ni Cole. While waiting for her brother to finish her favorite drink, para naman hindi mainip sa paghihintay ay tinawagan ni Cassy ang kanyang best friend sa thru video call. She wanted to tell what happened to her at the mall just earlier. "Hey, girl! What's up?" sigaw ng babae sa kabilang linya. "Trixie, you wouldn't believe what happened to me earlier." Trixie - that's the name of her best friend. "What?" tanong ni Trixie na abala sa pagmi-make up sa sarili habang nasa video call. It was Trixie's routine everyday kaya hindi na nagtataka si Cassy kung bakit kahit kausap niya ito ay sa ibang bagay siya nakatuon. "I met a guy at the mall and he was so arrogant! Kung kasama kita, baka kasama ka rin sa nakisampal sa akin," inis niyang tugon sa kausap. Pero mukhang hindi naman interesado ang kaibigan sa kinukuwento niya rito dahil panay ang pag-aayos nito sa mukha. "Girl, are you listening?" Doon pa lamang niya nakuha ang atensyon ni Trixie. "Ano ka ba, girl? Bakit naman kasi sinampal mo 'yong guy? Ano bang ginawa niya sa iyo?" Napaisip si Cassy. "Wala." "Ha? Wala naman pala, eh. Then why did you slap him?" tanong ni Trixie. "Eh, ang yabang niya kasi. Imagine, sinigaw-sigawan niya 'yong isang girl sa mall tapos hindi man lang nag-sorry sa ginawa niya," she explained. Napatigil si Trixie sa ginagawa at hinarap na rito ang phone para mas makita nang siya nang maayos. "Do you know the girl? Isa ba sa mga kaibigan natin 'to?" tanong ni Trixie. "Hindi," nahihiyang wika ni Cassy. Trixie gave her deadliest glare not because of she was annoyed with Cassy but because Cassy didn't careful of what she had done. "Hindi naman pala, bakit kailangan mong makialam sa problema ng iba? Si God ka ba?" "Hindi." Tipid ang mga nagigiging tugon ni Cassy. Para bang na-realize niyang hindi nga dapat siya nakialam kanina dahil naging malaking eskandalo iyon. But being her as Cassy, hindi siya papayag na may naaagrabiyadong mga tao sa paligid niya lalo't katulad niyang babae. "Hindi mo ba naiisip na baka kasalanan talaga n'ong girl kaya na-trigger nang sobra 'yong guy?" Another realization in her mind slapped her. Paano nga kung ang babae talaga ang may kasalanan ng lahat? "P-Pero kahit na! Hindi niya pa rin dapat pinagsalitaan nang masasakit na salita 'yong girl. Kahit cute siya, wala siyang karapatang manakit ng babae." Nanlaki ang mga mata ni Trixie at hinablot ang phone na nakapatong sa mesa para ilapit pa sa mukha nito ang phone nang marinig bito ang sinabi ni Cassy na 'cute' daw ang lalaking nasampal niya. "What did you just say? Cute 'yong guy na sinampal mo kanina?" Gulat na nakangiti si Trixie na para bang kinilig nang malamang cute ang lalaking nasampal niya kanina. "Yeah. Pero hind iyon ang issue rito. Ang issue rito ay ang p*******t niya roon sa girl kanina sa mall," she explained. "Nalaman mo ba kung ano ang name n'ong guy?" Tila nabalewala ang lahat ng kinukuwento ni Cassy kay Trixie at nabaling ang atensyon nito sa sinasabi niyang lalaki. Napaisip si Cassy nang maalalang nakita niya ang suot na school ID ng lalaki kanina. "Sa pagkakaalam ko, sa Dalton University siya nag-aaral at sa naaalala ko, ang pangalan niya ay..." "What?" Mas lalo pang inilapit ni Trixie ang mukha niya sa phone habang pinipilit pa rin ni Cassy na alalahanin ang pangalan ng lalaking nakaalita niya kanina lamang. "Ma... Markus Eliazar Alejo! Iyon! 'Yon. Ang pangalan niya!" sigaw ni Cassy nang sa wakas ay maalala niya ang pangalan ng lalaki nang mabasa nito kung ano ang nasa school ID niya. Napatili naman si Trixie sabay sigaw ng, "OMG! OMG! OMG!" Laking pagtataka ni Cassy kung bakit ganoon ang naging reaction ni Trixie at sino si Markus Eliazar Alejo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD