Chapter 17

1153 Words
 “SIGURADO ka na ba sa gagawin mo, girl? Baka mapahamak ka niyan?” First day of school. First day din ng pagpapanggap ni Cassy as her Kuya Cole. Ilang araw din niyang pinag-aralan kung paano kumilos at magsalita ang kanyang twin brother. Hindi naman siya gaanong nahirapan dahil may mga mannerism si Cole na parehas ng sa kanya. Nahirapan lang siya kung paano palalimin ang boses niya tulad ng sa kakambal niya. Pero wala naman sigurong makahahalata niyon dahil unang tungtong pa lang dapat ni Cole sa Montecillo University kung hindi siya naaksidente. She is dressed up now like her twin brother and prepared everything for school. “Kung hindi ko gagawin ’to. Baka mawala ang scholarshio ng kapatid ko. So, I have to do this,” wika niya habang nilalapatan siya ni Trixie ng waterproof makeup. Ginagaya kasi nila ang hitsura ni Cole na halos dalawang lingo nilang sinanay. "Nag-aalala lang naman ako. What if, someone discovered that you're just pretending?” may pag-aalala sa tinig na sambit naman ni Trixie. It was a challenge for both of them to plan everything. Para bang nagdadalawang-isip pa sila noong una pero dahil gusto nilang ma-save ang scholarship ni Cole, kailangan nilang gumawa ng paraan. And that is the best decision to make. . .maybe. "Don’t worry, I can do this. And I will do this for kuya.” Nilalakasan na lang ni Cassy ang loob niya pero ang totoo ay kanina pa siyang kinakaban. First time niyang gagawin ang bagay na iyon para sa kapatid. Well, she attempted to pretend like her twin brother before but it failed. Gusto sana niyang i-prank ang mga magulang pero nabulilyaso dahil height pa lang nila, magkaibang-magkaiba na. Cole is ten inches taller than her kaya kitang-kita ang differences nilang dalawa. Pero, siguro, dahil wala namang nakakakilala sa kapatid niya sa Montecillo University, wala rin sigurong makapapansin ng height niya. "Okay! We’re finally done!” Agad na tumayo si Cassy sa kama at dumiretso sa harap ng whole body vanity mirror. Based on what she saw, he was exactly like her brother. Tagumpay! Walang makaaalam ng totoo niyang pagkatao. "You are so brilliant, Trixie! I look like my brother now!” natutuwang sambit ni Cassy sa kaibigan. “Well, that's what fairy-god mother’s power. Pero sa lahat ng fairy-god mother sa mundo, ako ang pinakamaganda!” pagmamalaki ni Trixie. "Okay, let's practice my voice naman!” Cassy said with an excitement with her voice. "Okay, sige!” Tumikhim muna si Cassy bago nagsalita. “Ahm. . . excuse me, girls. Ako nga pala si Colossus Villegas. But you can call me Cole,” wika ni Cassy na pinalalim ang boses. “Oh my God! I love it! Konting-konti na lang, muntik mo ba akong mapaniwala kanina!” Sabay na nagtatatalon ang dalawa sa tuwa dahil sa wakas, magagawa na nila nang maayos ang mga plano nila. And now, it's time to say hello to Montecillo University. Kinailangan nilang magmadali at ipabitbit ang gamit sa grab driver dahil sa dormitory ng school sila maninirahan. “Wow, girl! Ang laki naman ng MU! No wonder isa ito sa pinakamagandang university dito sa bansa,” may pagkamanghang sabi ni Cassy habang inililibot ang paningin sa matatayog na gusali ng Montecillo University. May sariling cafeteria ang university na puwede nilang tambayan. May mga shopping area din kung saan p'wedeng mamili ng mga gamit. Lahat ng kailangan nila ay naroon na kaya hindi na nila kailangan pang lumabas ng university. She could live there if she wanted to. Kaya lang, mahihirapan siya dahil hindi naman talaga siya ang totoong naka-enroll doon kung hindi ang kapatid niya. “Yes, girl! Tama ka riyan! Very convenient din mag-aral dito dahil kompleto sa facility ang school na 'to. Hindi mo na kailangan pang humanap ng books sa labas kung kakailanganin mo dahil lahat ng klase ng books, nandito na!” pagmamalaki ni Trixie. “Kahit fictional books?” “Anything! Everything!” Matagal nang nag-aaral si Trixie doon sa course na Bachelor of Arts major in Fashion Designing. Mahilig kasi ito mag-design ng mga damit at bihisan ang mga tao base sa personalidad na mayroon ang mga ito. Which means, Trixie has a passion in fashion. “Cool!” Napatili si Cassy. Nakalimutan niya na kailangan niyang magkilos lalaki. “I mean, cool!” ulit niya nang ma-realize ang ginawa at nilaliman ang boses. "Girl, focus. Kailangan mong mag-focus,” paaalala ni Trixie sa kanya. “Yes! Yes! Sorry.” “Teka nga! Saan ba ang room number mo? Baka malapit lang sa room ko, samahan na kita,” ani Trixie. Agad namang inilabas ni Cassy ang papel kung saan nakalagay kung saang room ng dormitory siya pupunta. “Ito, oh.” “Ah. . . room 701. Sasamahan na kita, kaya lang male-late na ako sa klase ko, eh,” sabi ni Trixie sabay tingin sa pink niyang wrist watch. “Don't worry. I can handle this.” "Sure ka?” “Yeah! Go to your class now,” ani Cassy kahit walang kasiguraduhan kung saan siya pupunta. Ayaw naman niyang maabala pa ang kaibigan dahil lang doon. Magtatanong na lang siya kung sakaling mawala siya. “Okay. Bye, sis. . . I mean, brother!” paalam ni Trixie na muntik pang madulas. Kumaway na lang siya rito habang pinagmamasdan papasok sa kabilang building. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya si Trixie ay muli niyang ibinaling ang atensyon sa paligid. Saan kaya siya magsisimulang maghanap? “Bahala na nga.” Naglakad-lakad siya pero hindi niya talaga makita kung saan ang dormitory. Bakit naman kasi nakalimutan niyang dalhin ang mapa?Wala siyang choice kung hindi ang magtanong. Nasa harap siya ng Disciplinary Office ng school. Nagbaka-sakali siyang may mapagtatanungan siya nang matino sa lugar na iyon kaya naman kumatok siya bago binuksan ang pinto. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya ang isang lalaki na nasa mid-thirties ang edad kaharap ang isang binata. Tingin niya ay estudyante rin iyon doon. “Yes? Ano’ng kailangan mo?” tanong ng lalaki pero ang binata ay hindi man lang siya nilingon. “S-Sir, ako po pala si Colossus Villegas. Bago lang po ako rito. Hinahanap ko po kasi ang dorm building. Eh, kanina pa ako naghahanap. Baka sakaling matulungan ninyo ’ko,” paliwanag ni Cassy sa boses lalaki niyang tinig. “Can I see your room number?” Agad namang ibinigay ni Cassy ang papel na hinihingi nito. “Tamang-tama, Eli. Magkatabi lang ang dorm ninyo. You can take him there, right?” What?! Eli? Shocks! Dahan-dahang lumingon sa kanya ang binata at nang mapagtantong ang Eli na kausap ng lalaki at ang Eli na nanghalik sa kanya noon sa bookstore ay iisa, agad siyang napapihit at iniwas ang tingin dito. Napangiwi pa siya dahil sa kaba. “Oh my God. . . ano’ng gagawin ko?” Lagot na! Ano kayang gagawin niya sa pagkakataong iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD