THE first day of school was supposed to be the happiest day for Eli. But it's not. Staring in front of the mirror, he was having a realization. Hindi na iyon ang araw na excited siyang bumangon at suotin ang kanyang school uniform. Pero ngayon, naka-casual attire lang siya since hindi naman required sa university mag-uniform. Which is favorable for him dahil mas gusto niyang suotin ang mga damit na binibili niya at binibigay ng ina at kaibigan. After he heaved a heavy air from his chest, Eli felt so exhausted already. Umaga pa lang ay wala na kaagad siyang gana kumilos. Sino ba namang gaganahang pumasok kung pakiramdam niya ay nakakulong siya sa paaralang pinapasukan.
Montecillo University was a place like hell for him. Kahit pa sabihing ito ang pinakamagandang eskwelahan at pinapangarap na pasukan ng mga kagaya niya. Paano ba siya matutuwang pumasok doon kung ang ama niya na halos kontrolin ang buhay niya ang siyang makikita niya araw-araw? Mabuti pa nga noon sa Dalton University, he can freely do whatever he wants.
"You can do this, Eli." Pinapalakas lang niya ang loob niya pero kanina pa siyang nanlulumo. Wala din naman siyang magagawa kung hindi ang pumasok kaya patamad niyang isinukbit sa balikat ang bag bago lumabas ng condo unit niya.
Pero hindi pa man niya naipipinid ang pinto ay biglang nag-vibrate ang phone niya. Beaumont was calling him. Agad naman niya itong sinagot.

"Hey, paps! Are you ready for your first day?" Nakangiti pa ang kaibigan niya nang sagutin niya ang tawag nito.
"Ang aga mo naman mambuwisit. Nasaan na ba kayo?" tanong niya. He was expecting Beaumont and Ariston fetching him up.
"We were here for almost thirty minutes. Sa harap ng condo mo."
Agad na pinatay ni Eli ang tawag at binuksan ang pinto. And yes! The two was waiting for him while leaning against the wall.
"Tagal mo!" reklamo ni Ariston.
"Why didn't you use the doorbell?"
"Paps, kanina pa kaming pindot nang pindot sa doorbell mo hindi ka naman sumasagot," ani Beaumont.
Eli then realized that he didn't notice the doorbell sounds.
"Sorry, ang lalim kasi ng iniisip ko," tugon naman ni Eli sa dalawa.
"Looks like you're not excited on your first day." Ariston bumped him.
"Tss. Who would be excited if ang makikita ko sa school ay ang ama kong walang ginawa kundi gawin akong robot? Daig pa niya si Hitler."
"Well, paps, you should be thankful because your dad allowed us to fetch you and hindi siya." Blessing in disguise na rin siguro ang sinabi ni Beaumont. Kung nagkataon na ang ama nga niya ang sumundo sa kanya, baka lalong masira ang araw ni Eli sa unang apak niya sa Montecillo University.
"Tama ka. Pero hindi ko alam kung magiging okay sa akin ang araw na ito," saad naman ni Eli.
"Oh, come on, paps! Chill! You should be happy dahil kasama mo kami," dagdag pa ni Beaumont. Binigyan niya lang ng tipid na ngiti ang kaibigan.
Sa sasakyan na dala ni Ariston sila nakasakay. The car was one of the collections of his dad - which is Jude. Sa pagkakaalala ni Eli, his dad and Ariston's father formerly worked as husband-for-hire sa isang company at sa company din kung saan nagtrabaho ang kanilang mga ama, doon na rin nakilala ng mga ito ang kanilang mga ina. Naging schoolmates din ang ama niyang si Iñigo at ang ina ni Ariston na si Jibelle kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon sila ka-close sa isa't isa.
"We're finally here!" masayang wika ni Beaumont.
Pagbaba pa lamang ng tatlo ng sasakyan ay halos mapilipit na ang leeg ng kababaihan at feeling babae habang naglalakad sila papasok ng lobby. Parang nagkaroon ng slow motion ang paligid sa presensya pa lang nilang tatlo. Hinawi pa nga lang ni Eli ang buhok ay nakarinig na siya ng mahihinang tilian sa paligid habang ang iba naman ay dinig na dinig niya ang bulungan.
"Oh my God! Sila ba ang BEA Boys?"
"Ang guguwapo!"
"Titikman! Yes! Titikman!"
"Haharutin ko silang tatlo!"
"Ready na ako magpa-devirginize!"
Lahat ng iyon ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Eli. Maya-maya lamang ay nakarinig siya ng shutter sound ng isang phone at eksaktong nag-flash ito sa harap niya. Iyon ang pinakaayaw niya: ang kuhanan siya ng pictures na hindi nagpapaalam. Nilapitan niya ang babaeng kumuha ng larawan niya at hinablot ang phone na gamit nito.
"Did you take a photo of me?" inis na tanong niya sa babae.
"Y-Yes." Kitang-kita niya kung paano mamutla ang mukha nito sa takot.
"Do you even know what you did is invading my privacy?!" angil niya rito.
"S-Sorry."
"Delete it!" utos niya sa babae.
"O-Okay." Agad naman siyang sinunod nito. Subalit dahil sa komosyong ginawa niya ay may taong nakapansin niyon. Walang iba kundi ang kanyang ama na Discipline Head ng Montecillo University na si Iñigo.
"Markus Eliazar Alejo! To my office, now!" Heto na naman. Wala na naman siyang laban sa mapanindak na boses ng ama. At wala rin siyang magagawa kundi ang sumunod.
Pinagmasdan lang siya ng dalawang kaibigan habang sinusundan ang kanyang ama sa Disciplinary Office. Walang magawa sina Ariston at Beaumont dahil kung sakaling sumunod sila, baka sila naman ang mapagbuntunan ng galit ni Iñigo.
"What do you think you're doing?" tanong ng ama sa kanya.
"I'm just protecting my privacy. That girl took me a photo on her phone."
"But you don't have the right to treat a girl that way. Maanong pakiusapan mo man lang siya na i-delete ang pictures mo sa phone niya. You should remind yourself that I am the Disicpline Head of this school. Hindi puwede ang ganyang asal mo rito sa university!" Hindi na naman siya pinaligtas ng sermon ng ama. Tulad nga ng inaasahan niya, masisira ang unang araw niya sa Montecillo University.
Pero habang nasa kalagitnaan ng panenermon sa kanya ang ama ay may bigla na lang kumatok sa pintuan at binuksan ito.
"Yes? Ano'ng kailangan mo?" tanong ng ama rito pero hindi niya magawang lingunin kung ang nasa malapit sa pintuan.
"S-Sir, ako po pala si Colossus Villegas. Bago lang po ako rito. Hinahanap ko po kasi ang dorm building. Eh, kanina pa ako naghahanap. Baka sakaling matulungan ninyo 'ko," paliwanag ng nasa likod niya.
"Can I see your room number?"
Agad namang ibinigay ng lalaki ang papel na hinihingi ng kanyang ama.
"Tamang-tama, Eli. Magkatabi lang ang dorm ninyo. You can take him there, right?"
Tumango lang siya at pagkatapos ay nilingon na ang taong sasamhan niya sa dormitory. Wala rin naman siyang magagawa kundi sundin na lamang ang ama. Nang lingunin naman niya ang lalaki sa likod niya ay mabilis nitong iniwas ang tingin sa kanya at tumalikod.
Nagtaka siya kung bakit bigla na lang itong umiwas nang humarap siya rito. What's wrong with him?