bc

MY EX, MY STEPFATHER (SPG)

book_age18+
4.5K
FOLLOW
19.0K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

(R18+)(SPG)

BLURB:

"M-maxx?" gulat na gulat na sambit ko ng makita ko siya sa aking silid.

"Afraid?" aniya sabay taas ng sulok ng kanyang labi.

"A-anong g-ginagawa mo rito?" nanginginig ang labing sambit ko ngunit isang ngisi lang ulit ang ibinigay niya sa akin sabay hagilap niya sa akin. Nagpupumiglas ako pero maagap niyang nahawakan ang aking pulsuhan sabay dikit sa akin sa pader gamit ang kanyang walang saplot na katawan.

"Hindi ba't sabi ko naman sa'yo? Kukunin kita sa kahit na anong paraan?"

"Maxx!" magpoprotesta pa sana ako pero hindi ko na nagawa ng bigla na niya akong siilin ng kanyang mapagparusang halik.

A year ago ay nakipaghiwalay si Felicity kay Maxx. High School pa lang naman kasi sila noon kaya hindi niya gaanong sineryoso ang kanilang relasyon. Ngunit isang araw pagkagaling niya sa bakasyon ay bigla na lang ini-announce ng kanyang ina na nag asawa na ulit ito at hindi niya inaasahan na ang napangasawa pala ng kanyang ina ay ang Ex boyfriend niya pa noong high school at magiging Professor niya pa pala sa kokehiyo.

Nais niyang pigilan at sabihin sa kanyang ina ngunit paano kung huli na siya dahil ang dati niyang Ex, ngayon ay Stepfather na niya?

MAXX SAAVEDRA X FELICITY MONTE ALEGRIA

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FELICITY'S POV Nakaupo ako sa tabing dagat habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit lalo na kapag kulay kahel ito. Para bang napakapayapa ng kalangitan at kahit na anong problema ay makakalimutan mo kapag nakatingin ka rito. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin. "I miss you, Dad." malungkot na sambit ko. Pumatak ang munting luha sa aking mata at dumaloy ito sa aking pisngi ngunit ng marinig ko ang tawag sa akin ni Manang Elma ay agad kong pinalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. "Felicity! Ang mommy mo, nasa kabilang linya!" pasigaw na pabatid ni Manang Elma sa akin. Napabuntong hininga naman ako at napaisip kung ano na naman ang kailangan sa akin ni Mommy. Narito ako ngayon sa aming bahay bakasyunan sa Batangas. Dito ako naglalagi tuwing bakasyon at walang pasok sa eskwelahan. Nasa 4th year college na ako. Konting panahon na lang ang igugugol ko sa pag aaral at makakaalis na rin ako ng Pilipinas. "Sige po, Manang! Susunod na po ako!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa buhanginan. Pinagpagan ko muna ang likuran ng short na suot ko bago ako sumunod kay Manang Elma. Pagdating ko sa loob ng bahay ay agad kong tinungo ang naka-hang na telepono at patamad ko itong sinagot. "Yes, Mom. What do you need?" I said as cold as an ice. "Hey! Where have you been? I've been calling you 3 times but you didn't answer your phone!" ususual, mataas na naman ang timbre ng boses niya. She's always like that naman. Tatawag lang kapag may kailangan at para bulyawan ako. "Mom... You know naman na hindi ako mahilig magbabad sa gadgets. At kapag nasa bakasyon ako ay palagi lang akong nasa tabing dagat." hindi nagbabago ang tono ng pananalita ko. Walang kasing gana at walang kasing lamig. Narinig ko pa ang kanyang buntong hininga mula sa kabilang linya. Napansin niya sigurong wala akong ganang makipag-usap sa kanya. "I need you to come home, immediately. Tomorrow is my engagement day. I want you to be here with me." "What? Engagement?!" tila noon lang nagbago ang pananalita ko dahil nagulat ako sa sinabi niya. "Yes!? Is there any problem with that?" "Mom?! Pang ilan mo na bang engagement yan simula nung namatay si Daddy?! Sa tingin mo matutuwa si Daddy sa mga ginagawa mo? Malay mo ba kung kayamanan lang natin ang habol niyan sa'yo?!" Wala akong pakialam kung nasisigawan ko na siya at tumataas na ang boses ko. Daddy died 3 years ago. After my graduation in high school ay inatake siya sa puso at patay na siya bago pa siya nakarating sa hospital. Idineklarang dead on arrival si Daddy. Hindi ko alam kung anong naging dahilan kung bakit siya inatake gayong wala naman siyang sinasabing sakit sa akin. Buong akala ko ay napaka-healthy niya dahil hindi naman siya ganun kataba. Maganda pa rin ang pangangatawan ni Daddy kahit na nasa 50's na ito. At simula nga nung namatay si Daddy ay naging ganyan na si Mommy. Kung kani-kanino na lang nakikipagrelasyon ngunit wala namang tumatagal ni isang karelasyon niya sa kanya. Palagi din silang naghihiwalay bago sila maikasal sa simbahan. Sa tingin ko ay kapag kasal na ang usapan ay natatakot na ang fiance niya. Well pabor naman kasi sa akin yun! "I don't care! Patay na ang Daddy mo, Fel. At kahit kailan ay hindi na siya babalik! Mayaman ako at kahit na lustayin ko ito sa mga lalake ko ay wala kang pakialam! Basta umuwi ka sa engagement party ko! Tapos!" pasigaw na sambit ni Mommy sa akin. Napapikit ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Magsasalita pa sana ako pero binabaan na niya kaagad ako ng telepono. "I hate you, Mom!" inis na sambit ko bago ko tuluyang ibagsak ang telepono sa lagayan nito. Lalo niya lang pinapalayo ang loob ko sa kanya! Naririto na nga ako sa kwarto at nag iimpake. Hindi sana ako pupunta pero pinayuhan ako ni Manang Elma na sundin na lang ang mommy ko. Kung tutuusin ay mas mommy pa ang turing ko kay Manang Elma kesa kay Mommy dahil mas madalas pa akong alagaan ni Manang Elma noon kesa sa kanya. Kinaumagahan nga ay maaga akong umalis. Maaga raw gaganapin ang engagement party sa Manila Hotel kaya naman kahit antok pa ako ay bumyahe na ako papunta roon. Marunong naman na akong magmaneho. Pwedeng-pwede akong pumunta kahit saan ko gustuhin. At ng nasa Edsa na nga ako ay nagsimula ng uminit ang ulo ko dahil sa traffic. Idagdag pa si Mommy na tawag ng tawag at panay ang tanong kung nasaan na raw ako. Masyado siyang nagmamadali! Pwede naman niyang ganapin ang engagement party niya kahit wala ako. Isa pa! Hindi naman ako interasado sa event na yun! Pupunta lang naman ako dun para kilatisin ang mapapangasawa niya! Mamaya niyan criminal pala yun, mangagancho at mukhang pera! Judgemental na kung judgemental pero bibihira ang batang lalake magpapakasal sa maedad na babae at may anak pa! Nang umusad nga ang traffic ay halos paliparin ko na ang sasakyan ko. Panay pa rin ang tawag ni mommy pero hindi ko na sinasagot dahil baka mabangga pa ako! Sayang ang ganda ko! Hindi pa naman ako nakakatikim ng luto ng langit! Pagkarating ko nga sa Manila.Hotel ay nakita ko si Mang Rene, driver ni Mommy. Inihagis ko na lang sa kanya ang susi ng kotse ko at inutusan ko siya na paki-park na lang ng maayos dahil nakahara ito sa daanan ng mga guests. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng manila hotel. May nag assist naman agad sa akin pagkapakita ko pa lang ng invitation ni Mommy na isinend niya lang sa akin thru email. Sa Manila Hotel Meetings and Events Hall nga ginanap ang engagement niya at talaga namang napaka-elegante ng dating. Well... Si Mommy pa ba? Mas mayaman ang pamilya nila kaysa kay Daddy. May sarili rin siyang negosyo. May sarili rin naman si Daddy pero mas gusto ni Mommy na may sarili siyang pera. Ayaw ni mommy na palaging umasa kay daddy. Ayaw rin niyang maging housewife dahil malolosyang lang daw siya sa loob ng pamamahay niya. Kaya nga lumaki lang ako sa pangangalaga na ni Yaya Flora simula nung umalis na si Manang Elma papuntang Batangas. Hindi kami close ni Mommy. Nag-uusap kami pero never akong nagsabi ng mga problema ko sa kanya. Laging si daddy lang ang nakakausap ko ng maayos. Kaya nga nung mamatay si daddy ay sobrang lungkot ko. Gabi-gabi akong umiiyak. Gabi-gabi rin akong nagpupunta sa bar. At sa sobrang lungkot ko nga ay nakipaghiwalay ako kay Maxx. Long time boyfriend ko siya. Highschool pa lang naman kami nun kaya hindi ko inisip na seseryosohin na namin ang isa't isa. Pero siya ay sobrang nasaktan sa ginawa ko. Nawalan rin ako ng time sa kanya at kahit sarili ko nun ay napabayaan ko na rin. Kesa naman idamay ko siya sa masalimuot kong mundo kaya nakipaghiwalay na lang ako sa kanya. Sa wakas! Nakarating na rin ako sa engagement party ni Mommy. "I may now pronounce you, husband and wife..." sabi ng pari na nasa harapan nila. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Husband and wife?" napalakas ang boses ko kaya naagaw ko ang atensyon ng mga tao pati na rin ni Mommy. Unti-unti akong lumapit kay mommy. "Mom! Akala ko ba engagement lang 'to!" sikmat ko kay Mommy. "Well, nabago ang plano dahil ayaw na talaga akong pakawalan ni Maxx!" "Maxx??" ulit ko sa pangalang sinambit ni Mommy. At ng humarap nga ito sa akin ay napahakbang ako patalikod dahil sa gulat. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang tinatambol ang puso ko. "Maxx..." mahinang sambit ko. "Nice to meet you, My Stepdaughter..." sambit niya sabay taas ng sulok ng labi niya. Siya nga! Si Maxx! My ex when I was in highschool!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook