MAXX'S POV "Maxx? Nakita mo ba si Felicity ngayong umaga?" ani Elicia sa akin habang pababa ng hagdanan. "Hindi pa, bakit? Wala ba siya sa silid niya?" Tumayo agad ako para alalayan siyang makababa ng maayos. Mapapansin na kasi ang unti-unti niyang panghihina pero ayaw pa rin niyang magpaconfine sa hospital. Elicia has a benign brain tumor at masama sa kanya ang ma-stress o mag isip ng kung anu-ano. "Walang tao sa silid niya pagsilip ko doon. I also checked her in her comfort room but she wasn't there either. There was no sign of water either so I knew she hadn't taken a bath yet." labis ang pag-aalala ni Elicia kay Fel. Maging ako ay nagtataka na rin kung saan ba talaga siya pumunta ngayon. "Don't worry too much, Elicia. Baka naman nagparty ulit siya at hindi na naman nakauwi." pagp

