FELICITY'S POV "Fel, kamusta naman ang birthday party ni Fafa Troy?" "Fel?" "Hoy! Fel?" "Oh, bakit?" tila ba napabalik ako galing sa malayong pag-iisip ng alug-alugin ako ni Eloy. Narito kasi kami sa canteen at nagmemeryenda. "Kanina pa kaya ako daldal ng daldal rito pero parang wala kang naririnig!" aniya sabay irap sa akin. "Soŕry, may iniisip lang ako." "Tss! Care to share?" Sesmosa talaga itong bff ko pero sa halip na yung nangyari sa amin ni Maxx ang ikinuwento ko ay yung pagpunta na lang sa akin ni Robi at ang pag-aaya nito ng date sa akin. "Talaga? Bumisita siya at inaya ka niya ng date?" "Oo." "Pumayag ka naman ba?" "Oo rin." "Pwede ba akong sumama?" at muntikan ko ng maibuga ang iniinom kong pineapple juice. "Ang bastos mo, Fel. Sige na! Hindi na ako sas

