Chapter 3

1747 Words
FELICITY'S POV "Felicity! Akala ko ba ngayon ka magpapa-enroll? Bakit tanghali na ay tulog ka pa?" Nagising ako sa malakas na boses ni Mommy sa tapat ng pintuan. Wala kaming maids dito dahil ayaw ni mommy na may ibang tao sa bahay. Pero meron naman pumupunta dito weekly para linisin itong bahay. May hardinero din kami pero uwian sila dahil ayaw rin ni mommy ng stay in. Pagbangon ko ay napahawak agad ako sa aking sentido dahil sa sobrang sakit ng aking ulo at automatikong napabalik ako sa aking paghiga. Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko. Fuck! Ang sakit ng ulo ko! Arghhh! "Bukas na lang, mommy! Sobrang sakit ng ulo ko!" "Well, ikaw ang bahala. Tutal naman ay malaki ka na!" inis na sambit na naman niya. Hindi ko pinansin ang sermon niya at nagtalukbong lang ako ng kumot. "By the way! I'll go ahead. There is a little problem in my company and I need to fix it!" "Okay, mom." inaantok kong sagot. May sariling kumpanya si Mommy. Ang nagpapatakbo naman ng kumpanya ngayon ni Daddy ay ang kapatid niyang si Tito Reynold. Nagmamay-ari si Mommy ng isang Department Store. Monte Alegria's Construction Supply naman ang kay Daddy. Sila ang nag-su-supply ng mga bakal at kung anu-ano pang ginagamit sa paggawa ng malalaking building. Sayang lang at maagang kinuha si Daddy sa amin. Ilang oras pa akong nakaidlip bago ko naisipang bumangon at maligo na. Aabot pa naman siguro ako sa enrollment ngayong araw dahil maghapon naman yun. Nagbihis lang ako ng croptop na kulay puti at mini skirt na kulay itim saka ko pinartneran ng puting sapatos. Nag apply lang ako ng light make up. Binlower ko na rin ang buhok ko at pinuyod ko ito ng pa-pony tail. Nang ready na ako ay lumabas na rin ako ng silid. Patakbo pa akong bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina ngunit halos mapasigaw ako ng makita ko si Maxx na nasa hapag kainan. Nagmemeryenda! Oo nga pala! May kasama na nga pala kami sa bahay! Wala ba siyang trabaho? Kung gayon ay palamunin lang siya ng mommy ko? "Bakit ngayon ka lang bumangon?" tanong niya habang humihigop ng kape. "Pake mo ba?" mataray na sagot ko. "Fel, nagtatanong ako ng maayos?" may pagbabanta sa boses niya. "Maayos rin naman ang sagot ko, ah?" "f**k! Kelan mo ba aayusin yang ugali mo, huh?" napatayo na siya dahil sa inis. "Wala ka na ring pake dun!" iinom pa sana ako ng tubig pero hindi ko na naituloy. Nilampasan ko siya pero bigla niya akong hinila. Isinandal ako sa pader at ikinulong gamit ang dalawang bisig niya. "Ano ba? May lakad ako! Pakawalan mo nga ako!" sikmat ko sa kanya. Galit na ang awra ko pero biglang nag iba ang awra niya. Tinitigan niya ako sa mga mata. Sunod ay sa labi ko naman. Naggagalawan ang adams apple niya. Itinutulak ko siya pero hindi siya nagpapatinag. "Ano ba, Maxx? Igalang mo naman ako sa pamamahay ko!" sigaw ko mismo sa pagmumukha niya. Biglang niyang inilapit ang mukha niya sa labi ko. Akala ko ay hahalikan niya ako kaya napapikit ako. "I swear to you, Felicity. Magagawa rin kitang paamuhin." bulong niya sa puno ng tainga ko. Napamulat akong bigla. I raised my middle finger in front of him. "f**k you! Maxx! Kahit kailan ay hindi mo ako mapapaamo dahil habang buhay kitang kamumuhian!" bulong ko rin sa kanya. Siya lang ba ang marunong bumulong? Lalong naggalawan ang mga panga niya at nagtagis ang bagang niya. May munting tunog pang nilikha yun kaya alam kong nagtitimpi lang siya sa akin. Malaki na ang ipinagbago niya. Malaki na rin ang ipinagbago ko kaya patas lang kami ngayon. "Really? Well, tingnan natin, Felicity." nakangiting asong sabi niya saka niya inalis ang braso niyang nakaharang. Ngiting aso dahil mukha siyang aso! Tss! Pagkarating ko nga sa University na papasukan ko ay halos wala ng pila. Sakto lang pala na nagpa-late ako para hindi rin mangalay ang binti ko sa kakatayo. "Fel?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. And it was Robi. Ngumiti ako ng bahagya ng makita ko siyang papalapit sa akin. Robi is my suitor for almost year. Nang mabalitaan niyang wala na akong boyfriend ay nagtapat agad siya sa akin pero dahil hindi pa ako interesadong pumasok ulit sa isang relasyon ay sinabi ko na agad na magkaibigan na lang muna kami. Pero matiyaga siya at ayaw niyang huminto dahil umaasa siya na balang araw daw ay maaappreciate ko rin siya. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinahanap rito." sumabay siya sa akin sa paglalakad. "Tinanghali ako ng gising. Ang lakas kasi ng hang over ko." pag amin ko. Wala naman akong dapat na itago kaya lahat ay sinasabi ko. "Tss! Napaka-lasinggera mo talaga." aniya at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko. "Uy! Hindi, ah! Minsan lang kapag may problema ako." "Fel, you know Im here. Pwede mo akong sabihan ng problema mo." he sounds sincere pero tumanggi ako. "Sus! Huwag na. Kayang-kaya ko naman. Tingnan mo? Okay na ulit ko, diba?" umasta pa akong nagyayabang sa harapan niya. Nagpaalam na rin ako sa kanya. Ipinasa ko na rin ang mga requirements na kakailanganin sa eskwelahan. 4rd year college na ako. Soon ay college graduate na. At natutuwa ako dahil pagka-graduate ko ay balak kong sa ibang bansa na lang manirahan. May sariling buhay naman si Mommy kaya gagawa rin ako ng sarili kong buhay. Nang matapos nga ako ay tumambay muna ako sa cafeteria. Hindi pa nga pala ako kumakain kaya naman bigla akong nakaramdam ng gutom. Umorder lang ako ng tuna sandwich at juice saka ako bumalik sa pang isahang upuan. Pakagat na nga ako sa sandwich ko ng makarinig ako ng isang tili. "Felicityyyy!!!" "What the?" "Long time no seee!!!" Pagtingin ko sa sumigaw ay nakita ko si Eloisa na patakbong lumalapit sa akin. Napasapo ako sa aking noo. Kahit kailan talaga 'tong babaita na 'to! Parang laging may megaphone ang bibig! "I miss you, Bakla!" aniya at niyakap agad ako ng mahigpit. "Jusko naman Eloy! Bakasyon lang tayo hindi nagkita kung makatili ka parang pinuputol yang tinggil mo!" "Uy! Grabe ka! Ikaw na nga 'tong na-miss! Ayaw mo pa!" "Pwede mo naman kasi akong ma-miss ng hindi ka sumisigaw. Siya nga pala? Nakapagpa-enroll ka na ba?" pag iiba ko ng topic. "Oo! Kakatapos ko lang." "Same tayo!" "Of course! Kaya nga tayo magbestfriend diba?" inirapan ko naman siya. College ko na nakilala si Eloisa. Mabait naman siya at maalalahanin kaya lang ay madaldal at nakakarindi minsan ang bibig kagaya kanina tapos hindi rin siya nauubusan ng kwento. "Nagkita na ba kayo ni Robi?" Sabay kaming naglalakad palabas ng campus. Balak ko na ring umuwi dahil hindi pa nawawala itong hang over ko. Hindi na talaga ako iinom ulit! "Oo, kanina..." walang ganang sambit ko. "Oh? Bakit parang nalungkot ka naman bigla, bakla! Nagbago na ba ang isip mo? Sasagutin mo ba ba siya?" pang aasar pa nito sa akin. "Hindi, ah! Alam mo naman na may goal ako. Kung sasagutin ko siya ay maiiwan ko rin siya after ng graduation natin." paliwanag ko sa kanya kahit hindi naman na kailangan. "Oh... I see..." mabagal na pagsambit niya. Naghiwalay rin kami ng daan. Nagtaxi siya. Hinintay ko muna siya na makasakay bago ako sumakay sa kotse ko pauwi. Pagdating ko nga sa bahay ay dire-diretso ako sa aking kwarto. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit at humilata na agad ako. Itinodo ko ang lamig ng aircon ko dahil sobrang init nga sa labas. Hapunan na ng bumaba ako sa kusina. Kahit naman ganyan si Mommy ay hindi pa rin niya ako pinapabayaan sa pagkain ko. Sabi ko nga ay kumuha na lang ng cook pero ayaw niya. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang kumuha ng mga kasambahay! Pagbaba ko nga ay saktong naghahain na si Mommy. Si Maxx naman ay naka-apron at parang siya ang nagluto ng hapunan namin ngayon. "You're here na. Sitdown." si Mommy. Si Maxx naman ay half naked at tanging apron lang ang saplot. Ayaw ba niyang magdamit? "Nagluto si Maxx ng paborito mo. Sinabi ko kasing Afritadang manok ang paborito mo kaya nagpadeliver siya ng karneng manok kanina." Sa totoo lang ay naninibago ako kay Mommy ngayon. Para bang ang bait niya sa akin ngayon at sobrang maasikaso pa. O baka naman dahil narito si Maxx? Hindi ako umimik sa sinabi ni Mommy. Nang maamoy ko nga ang Afritadang Manok ay natakam agad ako. Kung alam mo lang mommy na alam naman talaga ni Maxx ang paborito kong ulam. Nagsimula na kaming kumain. Naubos ko na nga ang naunang pagkain na inilagay ko pero heto ako at kukuha na naman. Nang magsasandok na ako ng afritada para ilagay sa plato ko ay natigilan ako ng biglang magsalita si Maxx. "Masarap ba ang pagkakaluto ko sa paborito mong ulam?" pagkasabi niya ay napatingin ako kay mommy. "Uhm, pwede na. Pwede ng pagtyagaan." kibit balikat na sagot ko pero tinawanan niya lang ako. Si mommy naman ay napailing na lang sa inasal ko at biglang may sinabi sa akin. "Fel, anak. May business trip ako bukas. Isang linggo ako sa Singapore." "Ikaw lang? Hindi mo ba isasama 'tong asawa mo?" tanong ko dahil hindi niya nga nabanggit. Tumingin naman siya kay Maxx bago ngumiti at hinawakan ang kamay nito kaya nag iwas ako ng tingin. "Gustuhin ko man pero hindi pwede. May sarili siyang trabaho. At isa pa, magsisimula na ang pasukan. Hindi siya pwedeng um-absent." aniya ni Mommy habang pinipisil ang kamay ni Maxx. "Estudyante pa ba siya?" nagtatakang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay graduate na siya. Mas ahead kasi siya sa akin. Graduating na siya nun sa high school samantalang ako ay first year high school pa lang. Akala ko nga ay pinagpustahan lang nila ako nung mga kabarkada niya kaya niya ako niligawan. "Hindi anak. Professor na si Maxx. Nakapasa agad siya sa board exam at top notcher pa kaya mabilis na nakapagturo." Hindi ko alam na professor ba pala siya kaagad. Sabagay, nawalan na rin naman ako ng balita tungkol sa kanya simula nung naghiwalay na kami. "Ahh... Ganun ba. Akala ko kasi mommy nag-asawa ka ng tambay." "Fel? Stop saying nonsense words, okay? Asawa ko na si Maxx kaya sa ayaw at sa gusto mo ay igagalang mo na rin siya. Lalo na ngayon, aalis ako. Ayaw ko na mag-aaway kayong dalawa, ha?" I rolled my eyes. "Okay, mommy..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD