bc

THE PSYCHONEUROTIC

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
drama
surrender
like
intro-logo
Blurb

alice jade willer ay isang psychology student. si alice ay lumaking ina lamang ang nagaalaga sa kanya kaya nais nitong matulungan ang kanyang ina kaya sya nag aaral ng mabuti bilang isang PSYCHOLOGY STUDENT.bata pa lamang siya ay wala na sa kaniyang tabi ang ama. ang tanging sinabi lamang ng kanyang ina sa tungkol sa kaniyang ama ay namatay raw ang kanyang ama dahil inatake sa puso noong ipinagbubuntis pa lamang sya ng kaniyang ina.Nais niyang makita kahit puntod lamang ng ama ngunit hindi nya alam kung saan dahil hindi ito sinasabi ng kaniyang ina. labis siyang nagtataka kung bakit? naisip nyapaano kung ang kaniyang ina ay may tinatago tungkol sa kaniyang ama. naisip nya maaring buhay pa kaya ang kaniyang ama dahil palaging iniwasan ng kaniyang ina ang tungkol sa kaniyang ama.kaya naman ninais niyang hanapin ang ama.ngunit paano niya ito maisasakatuparan kung isang araw ay may dumukot sa kanya sa hindi malamang dahilan.at dinala sa hindi pamilyar na lugar.nais niyang umalis sa lugar ngunit hindi niya malaman kung paano?.hanggang sinabi ng binatang nag utos na kidnapin siya na maari siyang maka alis sa lugar ngunit sa isang kundisyon."You can only get out of here if you can get my brother back to normal again. "labis siyang nainis at hindi alam kung papayag sa kundisyon nito. ngunit pumayag na lamang siya para sa sariling kapakanan.ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng binata tungkol sa mapabalik sa normal ang kapatid?...BY:CharissePark8|ArrieCopyright year:(2022)GENRE:MYSTERY AND ROMANCE

chap-preview
Free preview
CHAPTER:1
Do not copy anything in this book! Remember plagiarism is a crime. BY CharissePark8 ______________________________________ "alice sigurado ka? Mauuna na ako umuwi ha?" tanong ni sarah. "oo nga... Mauna kana kaya ko naman sarili ko eh hindi na ako bata sarah.."aniya ko. Nandito kami ngayon ni sarah sa gate ng eskwelahan namin uwian na kasi. Madalas ay magkasabay kami umuwi ni sarah pero ngayon ay hindi sya makasasabay saakin dahil may emergency daw. Nasa hospital daw ang ina niya. "sigurado ka ha" aniya ni Sarah na may pag aalalang mukha. Itong babaeng ito mas saakin pa nag-aalala kesa sa ina niyang nasa hospital ngayon. "oo nga.. Sige na Sarah emergency yun bilisan mo na pumunta kana!". aniya kong muli. "sige! Bye Alice ingat ka sa pag-uwi!" huling sambit ni sarah at patakbong umalis. "ikaw din!"pabalik kong sigaw dahil medyo nakakalayo na sya. Hindi na rin naman siya sumagot doon dahil nakalayo na siya saakin. Ako naman ay naglakad na papuntang bus station dahil uuwi na ako. "ma! Nandito na po ako!" saad ko ng ako'y makauwi na. Ilang minuto ko pang hinintay na may sumagot ngunit nakababa na pala ang aking ina. "alice nakauwi kana pala"sambit ng aking ina. "hindi ko manlang namalayan na nakadating kana mabuti nalang bumaba ako dahil kakain muna ako bago umalis"muling sambit ng aking ina. At tsaka naglakad papuntang kusina. "inay kanina pa po ako sumisigaw dito sa ibaba pero hindi nyo ako sinasagot. Hindi nyo na naman po ako narinig." tugon ko dito habang naglalakad papuntang kusina dahil sinundan ko ang aking ina papuntang kusina. "ganun ba? Pasensya na. Nga pala Kumain kana ba?".tanong nito saakin. "hindi pa po eh, dahil hindi naman po ako kumain noong breaktime namin kanina sa school dahil nag review pa po ako." tugon ko sa tanong nito. Hindi talaga ako kumain kanina dahil ang ginawa ko sa oras ng breaktime ay ang mag review isang araw nalang kasi ay mag exam kami. Kaya naman todo ang pag rereview ko na nagreresulta na minsan ay nakakalimutan ko ng kumain. "ikaw talagang bata ka. Wag mong papagudin ang sarili mo. Pwede ka naman mag review pero kumain ka."pangaral ng aking ina saakin. "naku! Baka sa kaka review mo ma perfect mo na iyang exam nyo."biro ng aking ina. panandalian akong matawa sa biro ng aking ina. Sana nga ho nasabi ko na lamang sa aking isipan. "siya sabay na tayong kumain" ani ng aking ina dahilan upang mapatingin ako sa aking ina. "hindi pa po kayo kumakain?" tanong ko dito. Napatingin naman ito saakin ngunit agad naman iniwas ang tingin saakin. "a-ah oo eh. kasi tinapos ko pa yung papeles na pinapagawa ng boss ko." tugon nito saaking tanong. Ang aking ina ay isang empleyado ng isang malaking kompanya siya ang nagtratrabaho para saaming dalawa dahil kung hindi ay baka matigok kami sa gutom o kaya naman ay mawalan ng tirahan. "ma. Hindi nyo po ba talaga sasabibihin saakin kung saan nakalibing si papa?" pagbubukas ko ng usapan tungkol sa aking ama. Dahilan para mas lalo siyang umiwas sa mga tingin ko. "gusto ko pong makita kahit puntod lang niya".dugtong ko sa aking sinabi. "a-ah anak. Alis nako may trabaho pa ako eh ha. Sige na."saad nito halatang iniiwasan ang tanong ko. Tsk akala ko ba sabay kami kakain?. "ganyan nalang po ba kayo palagi?" saad ko dahilan para matigilan sya sa paglalakad. Nakatalikod ako sakanya pero ramdam ko ang prisensya nya. "h-ha?" utal na tanong nito saakin "palagi nyo nalang po bang iiwasan yung mga tanong ko tungkol kay papa?".muling saad ko. "A-ah anak ma le late na ako eh sige alis nako ha."huling saad ng aking ina at tuluyang umalis. Ako naman ay naiwan dito at kumain nalang ayoko ng isipin yung maliit na pagtatalo namin ni mama palagi namang ganon ang nangyayari eh palagi nalang siyang nagdadahilan kapag tungkol kay papa ang usapan. Minsan tuloy naiisip ko kung may tinatago ba si mama saakin tungkol kay papa? Bakit parang ayaw niyang malaman ko ang tungkol kay papa? Gusto gusto kong malaman,gustong gusto magtanong ng paulit ulit kay mama hanggang sagutin nya ang mga tanong ko pero alam kong wala akong mapapala kahit pa gawin ko ang mga bagay na naisip. Nabalik ako sa ulira't ng tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong tinignan ang screen at binasa ang pangalan na nakalagay... Si Sarah pala. "hello Sarah? Kamusta na si tita okay lang ba sya?" kaagad kong tanong sa kabilang linya nang masagot ko ang tawag. "ah oo Alice ayos lang naman si mama, nahimatay lang daw dahil tumaas ang dugo. Sabi naman ng doctor ay kapag nalaman naming tumaas ang dugo nito ay painumin kaagad ng gamot" mahabang saad ni sarah a kabilang linya. "Ganon ba? Mabuti naman at okay lang si tita" aniya ko. "eh ikaw? Nakauwi kaba ng maayos?!" may pag-aalalang tanong ni sarah. "oo nakauwi ako ng maayos wag ka ngang masyadong praning diyan masyado kang nag-aalala saakin palagi kapag mag-isa ako umuwi."aniya ko upang mabawasan naman ang pag-aalala ng aking kaibigan. "eh kasi naman eh nag-aalala ako eh baka mamaya mangyari ulit yung nangyari noong bata pa tayo."saad ni sarah na may malungkot na boses. Ang tinutukoy niya ay ang pangyayari noong bata pa kami. Mag kaibigan na kasi kami ni sarah simula bata. Muntik na akong mabangga ng itim na kotse noon mabuti nalang at nakapag preno kaagad yung driver ng kotse dahil kung hindi baka deads na ako ngayon. Kaya laking pasasalamat ko at buhay padin ako ngayon. "hello?, may kausap pa ba ako?"nabalik muli ako sa ulira't ng marinig ang boses ni sarah. "oo nandito pa ako" saad ko. "huwag ka mag-alala hindi na ulit mangyayari yun, okay hindi na ako bata, marunong na akong tumawid"aniya kong muli. "eh kahit pa noh" aniya ni sarah na may tonong parang batang nagmamaktol at nagtatampo. "wag ka ng mag-alala okay? At isa pa nakauwi na ako nasa bahay na ako at nakain kaya wag ka ng mag-alala diyan okay? Mag pahinga ka na lang o kaya alagaan mo nalang si tita. Sige na ibababa ko na ito". Aniya ko inantay ko muna ang sagot niya bago ibaba ang telepono as ussual bye lang naisagot niya. Ipanagpatuloy ko ang pagkain ko. Ngunit wala pang ilang minuto ay may tumawag na naman sa aking telepono.kaya naman sinagot ko ito "alice sigurado ka? Ha maayos kang makauwi?" si sarah pala ang nasa kabilang linya. "oo nga kulit mo. Sige na ibababa ko na itong tawag. Nagsasayang ka ng load eh." aniya ko. "ok" sagot niya kaya naman ibinababa ko na. ngunit laking gulat ko ng tumunog na naman ang telepono ko. Hindi ko na tinignan kung sinong tumawag dahil maaring si sarah na naman ito. "sarah.. Okay nga lang ak—” naputol ang dapat kong sasabihin ngagsalita ito. "GET READY" sambit ng nasa kabilang linya. Kaya naman agad kong tinignan ang screen at hindi number ni sarah ang nasa screen. Nakakapagtaka sino itong taong ito? Paano niya naman napaman ang number ko? "S-sino toh?" sa hindi malamang dahilan ay nautal ako. Marahil dahil sa boses ng nasa kabilang linya. Ang boses kasi nito ay malalim at napakalamig. Wala akong natanggap na sagot. Magsasalita pa ulit sana ako ngunit ibinaba na nito ang tawag. Sino siya? Anong ibig niyang sabihin? GET READY?.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook