Nang makarating kami sa bahay niya ay agad na nagsipaglapitan ang mga kasambahay niya.
"1,2,3,4,5,6,7,8,9" mahinang pagbilang ko sa mga maid na lumapit sa amin. Ang dami naman, hindi naman gano'n karami ang pinamili ko at hindi naman mabibigat.
"What are you doing?" tanong ni Dwight nang makalapit siya sa akin at narinig ang pagbibilang ko.
"I'm counting your maids. You have a lot of maids."
"My house is big, so I need more maids." saad niya na dahilan para ilibot ko ang paningin sa bahay niya.
Malawak nga. Ang taas din ng ceiling ng bahay niya. Naalala ko tuloy yung mansion niya sa Spain kung saan ako tumakas.
Nang pumasok ako sa loob ay mas namangha ako sa ganda ng interior design. Nung una ay akala ko sa condominium niya ako dadalhin pero dinala niya ako rito.
"Let's go to our room."saad niya bago ako hinawakan sa bewang para maigaya paakyat sa hagdan.
Napakadaming hakbang bago kami makaakyat sa 2nd floor ng bahay. Grabe naman, hingal muna bago ka makaakyat.
Hinihingal ako nang tumigil kami sa tapat ng double door na pintuan. Binuksan niya 'yon at bumungad sa akin ang kulay cream na loob ng kwarto. Napakalawak din nito at ang daming gamit na compliment sa bawat nasa loob.
"I'll put your things in the walk in closet. You can now sleep if you're tired." saad niya bago pumasok sa loob ng isang pintuan.
Nakakaakit man ang alok niya na matulog, pero hindi ko 'yon magagawa dahil hindi pa ako nakakapag half bath. Kaya naman imbis na sa kama ako dumiretso, pumasok ako sa isang pintuan, tingin ko ito 'yong bathroom niya.
Bumungad sa akin ang napakalawak din na banyo. Kompleto ng gamit at maaliwalas sa paningin.
Ni-lock ko muna ang pinto bago ako naghubad. Nakakahiya naman kung bigla niya akong makita na hubo't hubad.
Nagsimula na akong maligo at makalipas ang sampung minuto ay may kumakatok na sa pintuan.
"Elyzze! What are you doing?" sigaw ni Dwight sa labas ng pintuan.
"I'm taking a bath!" sigaw ko pabalik para marinig niya.
Minadali ko na ang pag-ligo ko para matapos ako agad. Nang magbibihis na sana ako ay ngayon ko lang na realize na wala akong dalang kahit na anong saplot. The heck, ba't ko nakalimutan 'yon.
I don't have a choice but to wear a bath robe with nothing inside. Nang lumabas ako ay nakaupo si Dwight sa gilid ng kama at nakatingin sa pintuan na para bang kanina pa siya nag aantay sa akin.
"What took you so long?" tanong niya na parang naalibadbaran kakahintay sa akin. Sino ba naman kase ang nagsabi na hintayin niya ako?
"Naligo ako." maikling tugon ko sa sinabi niya kanina.
Dumiretso ako sa walk in closet na pinasukan niya kanina para kumuha ng damit na susuotin ko. Pinili ko ang satin silk dress ko na pantulog ang pinili ko. It's kinda revealing but it's comfortable kaya ito ang pinili ko. Wala naman akong balak na akitin si Dwight, pero kung maakit siya ay hindi ko na kasalanan.
Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ko naman iniisip na maakit ko siya? Walang gana kong ipinilig ang ulo ko bago lumabas ng walk in closet.
"Ang bagal mo palang kumilos." saad ni Dwight habang nakahalukipkip sa gilid ng pintuan.
"Nakakagulat ka naman." saad ko bago pumunta sa tapat ng vanity meron. Kanina lang namin 'to binili pero naayos na agad nila.
Gano'n ako katagal kumilos? Naayos na nila lahat lahat pero kakatapos ko lang?
Nagkibit balikat na lamang ako.
"Let's sleep now." aniya
"Later, gusto ko muna uminom ng gatas. Para makatulog ako agad." nakangiti kong sabi at tumungo sa pintuan para makalabas.
"Don't go out. You're dress is too revealing. I have bodyguards roaming around the house." saad niya niya na may halong pagbabanta.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "So?" mataray na saad ko bago tuluyang lumabas.
"What the heck. Go back here, Elyzze!" bakas ang inis sa boses niya pero pinagsawalang bahala ko lang. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas.
Nang marinig kong nagbukas sarado ang pinto ay nagmadali akong lumakad pababa ng hagdan para hindi niya ako maabutan.
"We'll go together in the kitchen." malamig na saad niya mula sa likod ko bago ako hinawakan sa bewang. "I can kill anyone who will look at you more than 5 seconds." bulong niya.
"Crazy."
Lahat ng nadadaanan namin na mga katulong ay yumuyuko tanda ng pagbibigay galang. Muntik ko ng makalimutan na King nga pala si Dwight kaya grabe ang dami ng mga tauhan na nandito sa loob ng bahay.
"You don't have a powdered milk?" takang tanong ko nang makita ko na walang powered milk, puro fresh milk ang nandito.
"Yeah, you can drink fresh milk." sagot niya bago ako sinalinan ng gatas sa baso.
Kinuha ko naman 'yong nang iabot niya sa akin. Nagsalin din siya ng kaniya at sabay naming ininom 'yon.
"How many maids and bodyguards do you have here?" kuryuso kong tanong sa kaniya nang maubos ko ang gatas.
"Probably 70 in total."
"You have a lot. How much is their salary?" tanong ko pa. Ang laki siguro ng gastos niya sa pagpapasahod sa kanila.
"800 dollars for each maid monthly and the bodyguard salary varies. It depends on their experience." sagot niya at inubos ang laman ng baso niya.
Ang laki pala ng sahod. Magkatulong na lang kaya ako?
"Akin na." saad ko at kinuha ang baso niya. Ibinigay niya naman iyon sa akin na may halong pagtataka.
Lumapit ako sa lababo para hugasan 'yong baso na ginamit namin. Agad namang umalma si Dwight nang makita ang ginagawa ko.
"Stop that. We have a lot of maids to do that." saad niya at inagaw ang baso sa akin pero hindi ko siya pinansin. Binawi ko 'yon at tinapos hugasan.
"Don't do that again."
Umirap ako bago sumagot. "Whatever."
Akala mo naman sobrang hirap ng ginawa ko. Napakadali lang naman maghugas.
"I told you, I pay all my maid every month. Don't do household shores here." dagdag pa niya na parang sumama ang loob niya sa ginawa ko.
"I know that you're paying your maids 800 dollars a month, but washing our glass is not a hard thing to do. Stop whimpering." kalmado kong saad para tumigil siya.
"Just don't do it again."
"Fine."
Sabay kaming umakyat sa kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit parang hindi ako naiilang na katabi siya sa kama. Parang natural na lang iyon sa akin.
"Let's sleep now." anyaya niya pagkatapos naming mag toothbrush nang sabay.
"Yes, we're going to sleep now. Goodnight, Dwight." saad ko.
"Goodnight, Elyzze." saad niya bago ako hinalikan sa noo.
Naramdaman ko na binalot niya ako ng comforter bago niya ako yakapin. Isiniksik pa nito lalo ang katawan niya sa akin, ang ulo nito ay nasa aking mga leeg. Kahit na nakikiliti ako ay hinayaan ko na lamang siya.
So clingy.
Bago ako makatulog naalala ko na maglilista pala ako ng mga nagastos niya sa akin. Kaya kahit nakasiksik na siya ay pinilit kong makawala sa hawak niya para makuha 'yong cellphone ko sa ibabaw ng side table.
"What's wrong?" Kunot noong tanong niya sa akin. Siguro ay nadisturbo ko siya sa ginawa ko.
"I just need to get my phone. Kindly loosen up your grip." malumanay na saad ko at pinilit kalasin ang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko.
Mas lalong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. As if what I said is nonsense.
Hindi niya kinalas ang pagkakahawak sa akin, hindi niya rin niluwagan. Mas lalo niyang hinigpitan kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Why do you need your phone? It's bed time already." masungit na saad nito. Mas lalong dumilim ang tingin nito sa akin nang umirap ako.
Nagpumilit pa rin ako na kunin ang cellphone ko, hinayaan niya naman ako.
"Are you going to text one of your boys?" malamig na tanong nito sa akin.
"Wala akong ibang lalaki."
"That's good. Just make sure of that." saad nito at dumungaw sa cellphone ko.
"Give me some privacy, please." pinalamig ko rin ang boses ko, gaya ng ginawa niya kanina.
"No." saad nito at umiiling pa.
"Letchugas." bulong ko kahit alam ko na rinig niya.
Hinayaan ko na lang siya at nagsimula na akong mag type sa notes ng phone ko.
'Gastos ko'
1st date - estimated 1000 dollars.
Naalala ko na sobrang mahal nung una naming pinuntahan na restaurant tapos ang dami ko pang in-order no'n kaya siguro nasa 1000 dollars.
Steak Restaurant - Estimated $200
Mall shopping - Probably $1,000,000
Sinabi niya kanina na million ang nagastos ko. Malay ko ba, puro na naman branded ang kinuha ko at ang dami pa.
"What the fck are you listing?" takang tanong ni Dwight na may halong pagka offend.
"Dzuh. Mga ginastos mo sa akin, para mabayaran ko soon."
"You don't need to pay for it. Tigilan mo 'yan, Yanna Elyzze." sobrang seryosong saad nito kaya naman nakaramdam ako ng takot.
"Nahihiya kase ako na ginagastusan mo ako." pag-amin ko sa kaniya.
"You don't have to. You're my wife and I'm your husband." saad nito na parang sapat iyon na dahilan para itigil ko ang ginagawa ko.
"Okay. If you say so. Good night, ulit." nakangiti kong saad para mabawasan ang takot. Grabe naman kase parang ang laki ng kasalanan ko. Parang mas malaki pa sa ginawa kong pagsuway sa law nila sa royal world.
"Good night." saad nito at kinuha sa mga kamay ko ang cellphone na hawak ko at inilapag 'yon sa side table na nasa tabi niya.
---
Nagising ako sa mabangong aroma ng pagkain. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Dwight na inaayos ang mga pagkain sa coffee table na narito sa kwarto. Bagong paligo na rin siya, tanging slacks lang ang suot at walang pang itaas.
Ganito ang good, sa morning. Ganito ba naman ka gwapo ang bubungad sa'yo. Araw araw atang papalakpak ang petchay ko rito sa kagwapuhan ni Dwight.
"Good morning. You're drooling." nakangising saad ni Dwight sa akin.
"I'm not. Good morning." tanggi ko sa sinabi niya.
Kinusot ko muna ang mata ko at nag-inat bago ako tuluyang tumayo.
"Breakfast?" alok niya sa sa'kin. Tumango naman ako at lumapit sa kaniya.
"You don't have a rice?" tanong ko nang makita na toasted bread, bacon, hotdog at pancake lang ang nasa lamesa at walang kanin. Paano nila nagagawang mag-almusal na walang kanin?
"You want rice?"
Tumango lamang ako bilang sagot.
Nakita ko naman siya na may tinipa sa cellphone niya bago bumaling sa akin.
"I already asked the maid to bring some rice." saad niya. Tumango lang ako ulit at kumuha ng toasted bread at sinawsaw sa gatas na naroon.
"Weird." bulong ni Dwight na rinig na rinig ko naman. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Nakatatlong tinapay na ako nang kumatok ang maid dala ang isang mangkok ng kanin.
"Thank you!" maligaya kong saad. Tumango naman ang maid bago ito tuluyang lumabas.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang mabusog ako ay naghanda na ako sa pagpasok. First day ko ngayon kaya dapat maganda ang impression sa akin ng mga tao. May kasabihan nga na, first impression lasts. Kaya naman mas maganda na matandaan nila ako sa mabuting paraan.
Naglagay din ako ng light make ups para mas presentable ako tingnan.
"Let's go?" saad ni Dwight na kanina pa nagmamasid sa akin.
Tiningnan ko naman siya bago tumango.
Sabay kami papunta sa company, sana naman ay hindi kami ma issue. Baka kung ano ang isipin ng mga empleyado, kahit naman mag asawa kami ay konti lang ang nakakaalam nun. Hindi ko nga alam kung alam ng mga magulang niya, baka kung ano pa ang sabihin lalo na't hari ang anak nila.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para hindi na mag-isip ng kung ano ano.
Tahimik kami sa buong byahe, walang ni isa ang nagtangkang magsalita.
"You're office is located in the 25th floor of the building. Gusto mo bang ihatid kita?" tanong niya nang huminto ang sasakyan sa loob ng parking lot.
Agad akong umiling. "No. Baka kung ano pa isip ng mga makakita. 'The C.E.O and king of the Netherlands accompanied the head of legal management in his company.' imagine that" umiiling na saad ko bago kalasin ang seatbelt at bumaba ng sasakyan.
"So?" supladong saad nito.
"Hey, I told you. Baka kung ano isipin nila tapos ayoko rin ng special treatment." Seryoso kong saad.
"So? I don't care about what they are going to think. I'm your husband after all." humalukipkip pa siya bago tuluyang maglakad.
Sumunod lang ako sa kaniya.
"Kulit." I whispered.
"I don't want other people to think that your are single. No boys allowed. I want to remind you that I'm possessive." seryosong saad niya at hinawakan ako sa bewang.
Walang ibang sasakyan sa parking lot na 'to. Feeling ko pribadong parking lot 'to.
Sumakay kami sa elevator, pero bago kami sumakay ay may tinype siya sa sa gilid ng elevator bago ito tuluyang bumukas.
Ano 'yon?
"This elevator is exclusively for me, and my family, but you're my wife so you can also use this. Just type our anniversary. 10/14/2018. Or you can use this card, just swipe it there para bumukas ang elevator." saad niya na parang nabasa ang iniisip ko kanina.
Astig naman pala, pero ba't anniversary namin ang pass code? Siguro pinalitan niya lang 'yan para may plus point siya sa akin. Sus.
Inabot niya sa akin ang card na color black ang gold. Ito ang magsisilbi kong susi rito sa elevator, pero syempre hindi ko 'to madalas gagamitin kase ayoko ngang iba ang isipin ng iba sa akin.