Chapter 13

2033 Words
Nang makarating kami sa opisina ni Dwight, ay naroon na sya at nakatunganga sa lamesa habang may hawak na ballpen. Nang mapansin niya ang presensya ko ay agad siyang tumingin sa akin at ngumiti. "You're here" "I'm not here. I'm just a standee" I said sarcastically. Umismid naman siya sa sinabi ko. "Are you tired? What did you do while I'm in the meeting?" Naupo ako sa sofa na malapit sa kaniya bago ako sumagot. "I'm not tired. I tour around your company and observed your employees." "Are you hungry? You tour around the company so, I bet you're hungry." saad niya bago tumayo at tumungo sa pwesto ko. Naupo siya at inilingkis ang braso niya sa bewang ko na tila ba ayaw akong pakawalan. "No, I'm not hungry. Kumain ako kasama yung mga ibang employees. I like the environment here, people are not toxic and they are friendly." nakangiti kong saad at hinayaan siya na yumakap sa akin. "So you had some chit-chats with them huh" Tumango lamang ako at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. I need to be comfortable with him. We'll be together for a months so I need to do my best to get used of everything. "I'm sleepy." saad ko. Siguro napagod ako ng konti sa paglalakad lakad kung kaya't nakaramdam ako ng antok ngayon. "I still have a meeting. You can sleep in my bedroom here in my office. Hindi pa kita mahahatid sa hotel na tinutuluyan mo." Tumango na lang ako at pumayag na dito muna umidlip. Tumayo siya at inalalayan ako patungo sa isang pintuan. Pakiwari ko ay ito ang kwarto na tinutukoy niya. Pumasok kami roon, at hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa ganda nito. Malawak at maaliwalas ang paligid. "You probably bring you girls here and fck them here." malamig na saad ko bago dumiretso sa kama. Napangiwi na lamang ako kapag iniisip ko na rito siya nakikipagtalik sa mga babae niya. Nai-imagine ko tuloy 'yong mga ungol nila. The heck. "Yes, before." Tiningnan ko siya nang masama bago ako umirap. "Whatever." Tinulugan niya akong ipatong ang paa sa kama, kahit na kaya ko namang gawin yon ay hinayaan ko na lang siya. "Sleep now, I'll wait for you 'till you fell asleep before I go to my last meeting for today." malambing na saad niya habang hinahawakan ang buhok ko. Hindi na ako nagsalita at inantay na lamang na makatulog ako. Nakakaantok ang paraan ng paghaplos niya sa buhok ko kung kaya't naramdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ng mata ko. "Sleep well, my love." huling narinig ko bago ako tuluyang makatulog. Nagising ako nang pakiramdam ko ay may lumingkis sa bewang ko. Inaantok kong tiningnan kung sino 'yon. Nakita ko ang gwapong mukha ni Dwight na nakapikit habang nakapulupot ang mga braso sa akin pati ang mga binti. Ang bigat naman nito. Hinayaan ko na lamang siya, at tiningnan ang paligid. Dim na ang ilaw, hindi katulad kanina na maliwanag ang paligid. Gabi na ata. Hindi ko muna ginising si Dwight. Hindi ko alam kung nagpunta ba 'to sa meeting niya o hindi. Parang ang sarap ng tulog niya eh. Pinilit kong kunin ang cellphone ko na nasa side table, pero nang maramdaman ni Dwight na aalis ako ay mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Come on, Dwight. Kukunin ko ang cellphone ko, ang bigat mo." reklamo ko sa kaniya nang mas lumingkis pa siya sa akin. "Later." antok na saad niya. Napakasarap pakinggan ng bedroom voice niya. Lahat na lang ba ng mayroon sa lalaking ito ay maganda at kaakit-akit? Lord, why naman may favoritism? "May lahi ka bang higad?" "Huh?" "Lingkis ka nang lingkis." He chuckled softly because of what I said. "Yeah, I guess." Umirap na lamang ako sa sinabi niya at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. The ruthless King Dwight Ezekiel Kryx of Netherlands and multi billionaire business man is here beside me acting like a baby. He is so clingy. Masyado siyang kinakatakutan, pero may ganito rin pala siyang side. Siguro ganito sya sa lahat ng babae niya. Napailing na lamang ako sa iniisip ko. "What's on your pretty mind?" antok na tanong niya sa akin. Nang lingunin ko siya ay nakita ko na nakatitig siya sa akin, kanina niya pa ata ako tinitignan. "Ganito ka rin ba ka-clingy sa mga babae mo?" "Ikaw lang ang babae ko." "Sa mga naging babae mo, ex flings gano'n." pagtatama ko sa sinabi ko kanina. "Nah. I'm not a clingy type." seryosong saad niya na hindi ko kinagulat. "Kalokohan. Anong ginagawa mo ngayon?" natatawa kong saad. Kase naman, sasabihin niya na gano'n pero halos wala ng space na natira sa pagitan namin sa sobrang dikit niya sa akin. "I'm dead serious. I used to dump the girl that I fcked after fcking them." May bahid ng inis ang boses niya. Gago pala 'to, hindi ko naman inaano pero nagagalit. "So, should I feel special because you're here beside me and not dumping me like what you did to some of your girls?" "You're special." Natulala ako sa sinabi niya, napaka simple nun pero naghuramentado ang puso ko. I must cage my heart, this is not good. Crush ko siya kasi madaming magandang bagay sakaniya, pero dapat ay hanggang doon na lang 'yon. "You're blushing profusely." nakangising saad niya habang tinitingnan ako. "Blush on 'yan," pagdadahilan ko kahit alam ko na pakiramdam ko nga ay namumula ako kase parang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nakakahiya naman. "Really, huh?" May panunuya sa boses nito nang sabihin niya iyon. Hindi niya mapigilang mapairap na lamang. "Don't roll your eyes on me, Elyzze." banta niya sa akin, ngunit imbis na matakot ay napatulala ako sakaniya dahil sa pagtawag niya sa akin sa second name ko. Hindi ko gusto kapag tinatawag akong Elyzze, pero parang magiging exception siya. "Whatever. Let's go, now. I'm hungry." pag-iiba ko usapan namin. "Okay, let's eat in the nearby restaurant, before you go home." Nang alisin niya ang mga braso niya sa akin ay agad akong tumayo para makapag-ayos. Napatagal din ata ang tulog ko kase ang gaan ng pakiramdam ko. Nag-ayos din saglit si Dwight bago kami tuluyang lumabas ng opisina niya. Alas siete na ng gabi, kung kaya't na kumpirma ko na napatagal ang pagtulog ko. Hindi ko na rin maikaila na gutom na ako. "I want to eat steak." saad ko nang makapasok na kami sa sasakyan. Tiningnan niya ako saglit, at siya na mismo ang nagsuot ng seatbelt sa akin. "Steak, then." saad niya bago nagsimulang magmaneho patungo sa kung saan. We stay silent for a while. Ayoko rin naman muna magsalita dahil nalilibang ako sa mga nakikita ko sa daan. Singapore is really a nice place. "Are you sure you don't want to move in my house now?" tanong ni Dwight na dahilan para balingan ko siya. "Yeah. Well, it depends." kibit-balikat kong sagot. "When am I going to start to work?" tanong ko. Kung magsisimula na ako sa lalong madaling panahon, mas maganda siguro na lumipat na ako sa kaniya para makatipid ako sa pamasahe. Afford ko naman ang pamasahe, pero less hassle kung sa kanila na ako. "You can start tomorrow if you want." "Then, I'll move into you house as soon as possible." "I'll just call someone to get your things in your hotel room. Then, you'll sleep in my house starting tonight." pinal na saad nito. "Huh? Why so sudden? Besides, I don't have spare clothes if I'm going to sleep in your house tonight." "We'll go to the mall after we eat. Buy everything you need, I'll pay." seryosong saad nya na tila ba wala akong dahilan para tanggihan ang kagustuhan niya. "I can pay for the things that I need." saad ko. Hindi ako sanay na nililibre ako ng ibang tao, pakiramdam ko ay may malaki akong utang na loob kapag ginagastusan ako. Masyado lang siguro akong nasanay na independent sa lahat ng bagay dahil simula nang mamulat ako sa mundo ay halos ako na ang tumaguyod sa sarili ko. Wala naman akong ibang maasahan. "I know that you can pay for yourself, but I insist." "Okay." pagsang-ayon ko na lang para matapos na ang usapan namin. Babayaran ko na lang siya next time o kaya'y bibili ako ng isang bagay na katumbas ng mga nagastos niya sa akin para maibalik yung pera niya. Kailan ko na lang ilista lahat ng gastos niya sa akin para alam ko at mamonitor ko. Uumpisahan ko na maglista mamaya bago kami matulog. Nang makarating kami sa restaurant ay may sumalubong agad sa amin na waiter at iginiya kami sa lamesa na pinareserve ni Dwight. Umorder din kami agad nang makaupo. Nagugutom na ako, sana hindi sila matagal mag serve. "I already call the maid in my house. May need ka ba or ayaw para mapaayos ko agad sa bahay?" panimula nya. Seryoso talaga siya na sa bahay niya na ako titira simula ngayon. "Wala naman..." saad ko habang nag-iisip. "Ay tabi ba tayo sa kwarto matutulog?" tanong ko nang bigla 'yong pumasok sa isip ko. "Are you serious? Of course. We're married for damn sake. Hindi ka matutulog sa ibang kwarto." seryosong saad nito na parang hindi siya tatanggap ng pagtanggi. "Okay. Just make sure that the room is clean. Allergic ako sa alikabok." saad ko. Kailangan malinis ang bahay na titirahan ko kase kapag may alikabok akong malanghap ay bigla akong inaatake ng asthma o kaya naman nangangati nang sobra ang ilong ko. "I'll make sure of that." tumatango na saad niya bago magsimulang magtipa ng kung ano sa cellphone niya. Nang dumating ang pagkain ay nilantakan ko agad iyon. Gutom na ako kung kaya't pakiramdam ko ay kukulangin ang in-order ko. Hindi rin kami nagtagal doon sa restaurant. Kailangan naming magpunta sa mall dahil wala akong kahit na ano na gagamitin sa bahay niya. "Don't hesitate to get what you need and what you want." pagpapaalala ni Dwight sa akin nang makarating kami sa mall. "Yes, sir!" magiliw na saad ko at kinindatan ko pa siya. "Sir my ass. Call me love." saad niya na nagpatahimik sa akin, tama ba ang narinig ko? Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Pumasok na lamang ako sa store para mawala iyon sa isipan ko. Kuha rito, kuha roon ang ginagawa ko. Kahit anong magustuhan ko ay kinukuha ko nang walang pag-aalinlangang. Hindi naman ito magiging dahilan ng paghirap ni Dwight kahit ubusin ko pa ang laman ng mall. "Is that all?" tanong niya sa akin nang makalabas na kami sa mall. "Yes!" maligaya kong saad. Pakiramdam ko ay kumikinang ang mga mata ko sa saya. Hindi naman ito ang first time na mamili ako, pero iba lang ang pakiramdam ko ngayon. Bigla naman akong nangamba nang maalala ko ang plano ko kanina. Shete! Sabi ko nga pala ibabalik ko lahat ng ginastos niya sa akin sa pamamagitan ng pagbili sa kaniya ng kahit ano kase for sure hindi sa tatanggap ng cash mula sa akin. "Are you okay? Ba't bigla kang lumungkot?" may bahid ng pag-aalala ang boses ni Dwight. "Magkano nagastos ko ngayon?" "It doesn't matter." sagot niya bago paandarin ang kotse. "Magkano nga?" pagpupumilit ko. Nakalimutan ko kasing kabisaduhin lahat ng presyo kanina. Ang tanging natatandaan ko lang ay 'yong three thousand pesos na halaga ng Dior bag ko. Isang Dior pa lang 'yon, paano pa 'yong iba na pinamili ko na halos lahat ay puro branded. Tulad ng damit, undergarments at skin care. Nasapo ko na lamang ang noo ko kapag naiisip ko ang ginastos ko. Mukhang need ko talaga magtrabaho nang todo. "Hey, I told you, it doesn't matter. Million dollars won't hurt my bank account, okay?" saad niya na kinalaki ng mata ko. "Omg. You're telling me that I spent a million?!" hestirikal na saad ko. Grabe! Kung peso tanggap ko pa, pero sabi niya ay dollar. Mauubos ata ang laman ng bank account ko. "I can spent more than a million for you, Elyzze. Stop worrying." hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko kung kaya't napalingon ako sa kaniya. "That would probably the last." "I don't think so. I love spoiling you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD