Chapter 12

2853 Words
The day ended awkwardly. Masaya naman kahit papaano pero ang awkward ng dating nito para sa akin. However, he looks so comfortable. "I can't see any reasons for you to postponed and cancel your meeting just for this." saad ko nang iginiya niya ako papasok sa sasakyan. Kakatapos lang namin maglibot sa ilan sa mga sikat na pasyalan sa Singapore, at balak na niya akong ihatid pauwi sa hotel. " I just want to relax." tipid na explanation niya. Sabagay. Assumera lang ako kaya iniisip ko na gusto niya talagang mag spend ng time sa akin. Nasapo ko ang noo ko dahil sa iniisip. God, Yanna Elyzze! Pangatlong beses pa lang uli kayo nagkikita pagkalipas ng dalawang taon tas kung ano ano na iniisip mo. "So, what's your hotel room number?" pagtanong nito makalipas ng ilang minuto na katahimikan. "I'll tell you later kapag nandoon na tayo. Malayo pa naman ata." Nakita ko na lamang ang pagtanggo nito habang seryosong nakatingin sa kalsada. I look at him, hindi ko talaga maiwasan na hindi purihin ang itsura niya. Siya na yung tipo ng lalaki na papangarapin ng ibang babae. He's a successful bachelor, talented, and a wise business man. Hindi niya inasa ang buhay niya sa mga magulang niya. He build his own empire. "Are you done looking at me?" Napukaw niya ang atensyon ko dahil sa tanong niya. "Tse! Where are we?" tanong ko nang mapansin na tumigil na pala ang sasakyan. Nakakahiya ka, Yanna! Hindi mo man lang napansin. "We're already in your hotel. Let's go." saad niya at naunang lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan. "Thank you." Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakasunod lamang siya sa akin. Hindi ko na siya pinigilan kase gusto niya rin naman malaman kung saan talaga ako tumutuloy. We entered the elevator silently. Pinindot ko ang 5th floor ng hotel. Nanatili ang katahimikan namin hanggang sa nakarating kami sa 5th floor. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang siya ay tuloy lang ang pagsunod. Huminto ako sa tapat ng hotel room ko, bago ko binuksan ang pinto. "Tuloy ka." paanyaya ko sakanya papasok. Sumunod naman siya at pumasok sa loob ng room ko. Inilibot niya ang paningin niya, tila tinitingnan kung may malalait ba siya sa tinutuluyan ko. "This place is kinda good, but just like what you said earlier you'll only stay here for a week. After that you'll move in into my house." saad niya bago umupo sa couch sa sala. "Don't worry, I always keep my word." Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng maiinom niya, pero dahil hindi naman ako namili at umaasa lang ako sa delivery kaya wala akong stock ng pagkain o kahit wine. Kumuha na lang ako ng pitsel na puno ng tubig at dalawang baso, bago bumalik sa sala. "Here, I'm sorry I don't have other things to offer you. Hindi ako nag gogrocery, but if you want pwede akong magpa-deliver. May gusto ka ba?" tanong ko rito, pero kinuha lamang niya ang baso at uminom. "Meron." Sagot nito pagtapos niyang maubos ang isang basong tubig. "Ano?" "Ikaw." Kumunot ang noo ko na ikinangisi niya. Nang maintindihan ko ang tinutukoy niya ay hinampas ko ang braso niya. "Shut up." He chuckled. Darn, he looks hot when he did that. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil baka hindi ko na naman mapansin na napatagal ang titig ko sa kaniya. Nagsalin din ako ng tubig sa baso at ininom 'yon. "Do you want to watch a movie?" tanong ko rito ng mapatingin ako sa television dito sa room ko na hindi ko man lang nagamit kahit isang beses. "Sure, I'll choose." saad nito. Binuksan ko ang television at hinayaan sya na mamili ng panonoorin namin. He chose a horror movie. Naknang, horror movie pa naman ang kahinaan ko. Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo. "Seriously?" Nagkibit balikat lamang ito. Nag-focus na lamang ako sa pinapanood namin, noong una ay hindi pa ako nakakaramdam ng takbo subalit kalaunan ay nangingilabot na ako. Kung kanina ay ayokong lumapit sa kaniya, ngayon ako na mismo ang unti unting lumalapit. Tiningnan niya ako nang mapansin na ang lapit na ng pagitan naming dalawa. "Are you afraid?" he asked when he noticed me. Tumango lamang ako. Hinila niya ako ng marahan palapit sa kanya, at hindi na ako umangal. For sure mamaya hindi ako makakatulog ng walang katabi. Fck. I look at him habang nakayakap siya sa akin. Dito ko na lang kaya siya patulugin? Kaso nakakahiya. Umiling na lamang ako, bahala na. Nilingon niya ako dahil sa pag-iling ko, pero di ko na lamang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa panonood kahit alam ko ito ang magiging dahilan para hindi ako makatulog. "Ahhh!" Gulat na sigaw ko nang biglang lumabas ang nakakatakot na mukha. I heard Dwight laughing at my reaction. This bcth. "Stop laughing." imbyerna ko na sabi. Tumigil naman siya pero halata mo na nagpipigil lamang siya ng tawa dahil kita mo ang pamumula niya para lang matigil ang pagtawa. Umirap na lamang ako sa kawalan. Mas siniksik ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi ako nang tsatsansing talagang natatakot lang ako. Nang matapos ang movie ay halos hindi na ako bumitaw sa kaniya. "I shouldn't have invite you to watch a movie." inis ko na sabi at natatakot na lumayo sa kaniya. "It's not terrifying." presko nitong saad sa akin na tila ba inaasar ako kase ako natakot at siya ay hindi. "It is!" alma ko para maipagtanggol ang sarili. "Okay, if you say so." tumingin siya sa orasan niya. "It's already 10 P.M. I need to go home now, I have an early meeting tomorrow." Saad nito at dahan dahang niluwagan ang hawak sa akin. "Huh?" Naintindihan ko ng buo ang sinabi niya pero yung takot ko ay nakakapit pa rin sa katawan ko. Bumuntong hininga ako at tiningnan siya. "Can you sleep here? I can't sleep properly alone after I watched a horror movie." nahihiya kong pakiusap sa kaniya. Nagreready na ako ng rejection niya, kaya ganon na lamang ang gulat ko nang pumayag siya. "I'm sorry. Dapat pumili na lang ako ng ibang movie." guilt can be shown in his eyes. "It's okay." "Where should I sleep?" Inangat ko ang tingin sa kaniya na parang ayon ang pinaka magandang bagay na narinig ko ngayong araw. "You can sleep in my bed, it's big and we can sleep there together." saad ko. Ayaw ko man, pero pangpalubag loob ko na rin ito dahil nakiusap ako na rito siya matulog. Besides, need ko ng sanayin ang sarili ko na magkatabi kami. That's part our agreement. Nang makapag linis na kaming parehas ng katawan ay sabay na kaming nahiga sa kama. Nauna siyang mag linis ng katawan sa akin, pinasuot ko sa kaniya ang oversize t-shirt ko at basketball short na bigay ng ex ko. Hindi naman niya malalaman na sa ex ko 'yon. Nang mahiga ako ay hinapit niya ako palapit sa kaniya, gusto ko mang umalma ay hindi ko na lang ginawa. Kailangan kong makasanayan 'to. Sumiksik ako sa kaniya. We cuddle like a real couple. Darn. Hindi dapat ganito. Parang kailangan ko uling maligo, kinapitan ako ng kalandian sa katawan ko. Kailangan ko 'tong alisin. After that night, kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Nakita ko na lang na may pagkain na sa lamesa at may nakasulat na note. "Good morning. I hope you was able to sleep well. Have a great day : ) - Your Husband, Dwight. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti, ngayon lang ako nakatanggap ng note na ganito. Kadalasan kase puro death threats pero hindi na ako takot, immune na ako. Naupo na ako sa lamesa at kinain ang inihanda niya. Hindi ko maiwasan ang ngiti sa labi ko. Ngumingiti ako habang nakain pero hindi naman ibig sabihin noon ay gusto ko na siya. Masaya lang ako kase after how many years of existence, this is the first time na may gumawa sa akin nito. Masarap ang pagkain na nakahanda sa mesa, hindi ko alam kung niluto niya ba ito or in-order? I guess, pina-deliver niya lang. I cannot imagine him cooking. Masyado siyang mayaman para matutunan ang gawaing bahay at ang pagluluto, for sure they have maids and chief in their house. I look outside the window. Kita ko ang nagtataasan na mga building, this is Singapore. I can't believe that I need to stay here for 6 months. Why did I agree anyway? For experience? I don't know. Wala naman sigurong mawawala if I tried to try something different. Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang note, balak ko 'tong itago. For memory. Nang matapos akong kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan ko. Hindi muna ako naligo o nag ayos ng sarili, dahil wala naman akong pupuntahan. Wala rin akong maisip na gagawin ngayong araw. Inilibot ko ang paningin, nakita ko na may bond paper doon. Kumuha ako ng ballpen sa bag ko para makapag drawing ako. Ano kaya magandang iguhit? Nag-isip ako ng magandang iguhit, pero ang pumapasok lang sa isip ko ay si Dwight. No, hindi ko siya idodrawing. Nagsimula akong gumuhit ng bahay. Nai-imagine ko ang mansion nila Dwight, pero taliwas doon ang drawing ko. I want to have a house near the coast. Kung hindi ako nag-take ng law, malaki ang tsansa na mag-architecture ako. But I guess, being a lawyer is God's will. Hindi ko namalayan ang oras, tanghali na pero hindi pa ako satisfied sa naiguhit ko. Gusto ko pang dagdagan ng detalye. Napatigil ako sa pagguhit nang tumunog ang doorbell. Baka yung housekeeper lang ng hotel. Tumayo ako agad, at dali-daling binuksan ang pinto kahit hindi tinitignan kung sino. "You can clean the whole place, except my room. Thank you." saad ko at tumalikod agad, hindi ko na tiningnan kung sino iyon. "I am not a housekeeper, nor a janitor." baritonong boses na saad ni Dwight na nagpalingon sa akin. "Sorry, hindi kita napansin." "Because you did not even laid your eyes on me." kunot noong saad niya pero pinagsawalang bahala ko na lang. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, mukhang kakagaling niya lang sa opisina at dumiretso na rito. May dala siyang pagkain mula sa sikat na restaurant. "What are you doing here?" "Let's eat." Hinila niya ako papasok at sinarado ang pinto. Dumiretso siya sa kusina para ihanda ang kakainin namin, pero imbis na tulungan siya ay bumalik ako sa sala para ipagpatuloy ang pagguhit ko. "I thought you're a lawyer. Is your pre-law course is architecture?" tanong niya mula sa likuran ko. Mukhang tapos na niyang ihanda ang pagkain kaya nandito na siya. "I'm a lawyer, I took accountancy as a pre law course. I didn't see my self as a architect before so I didn't take that course, but I love to draw." nakangiti kong saad at tinapos na ang pagguhit. "I'll wait for you, then let's eat." pinal na saad nito. Tiningnan ko lamang siya ng ilang segundo bago tumango. Naupo siya sa sofa na nasa gilid ko. Kahit hindi na ako lumingon sa kaniya, alam ko na nakatingin siya sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako agad. Kaya sabay na kaming pumunta sa kusina para kumain ng dala niya. "How was your day?" paninimula ko habang kumakain na kami. Para naman maibsan ang kaba at ang awkward atmosphere sa amin. "Fine, how 'bout you?" tumingin siya sa akin habang tinatanong 'yon. "Fine, but kinda boring." kibit balikat kong sagot habang sumusubo ng pagkain. "Do you wanna go to my office?" Tinantya ko siya ng tingin, dahil hindi ako makapaniwala na inaaya niya ako sa office niya. "Aren't you busy?" "I still have 3 remaining meetings for today." sagot niya habang patuloy sa pagkain. "Then, what I am going to do in your office?" takang tanong ko, dahil wala naman akong maisip na gagawin doon pero dahil bored na rin ako rito sa tinutuluyan ko. Gusto kong sumama. Nalibot ko na 'tong buong hotel, I guess maglilibot na lang din ako sa company nila. "Tour? Watch a movies? Read some files? You can also go to my meetings, it's up to you." mahinahon niyang saad. "Okay, I'll get ready after we eat." Tumango naman ito at tinitigan ako ng matagal. Ngayon ko lang naalala na hindi pa ako nag aayos, ni hindi ko man lang na ayos ang buhok ko. Naramdaman ko ang init ng mukha ko nang maalala ang itsura ko. Kaya nang matapos kaming kumain at dumiretso ako agad sa kwarto ko para makapag ayos, hinayaan ko na lang siya roon sa kusina. Kadalasan inaabot lang ako ng 30 minutes sa pag-aayos, pero ngayon para akong na pipressure kung kaya't inabot ako ng 1 hour mahigit para lang ma-satisfied sa itsura ko. Pinasadahan ko uli ng tingin ang sarili ko, bago ako lumabas ng kuwarto. Nakita ko naman na agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa sofa nang makita ako. "Let's go?" tanong niya at pinasadahan ako ng tingin. Kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Geez, I shouldn't feel this thing. Tumango lamang ako, bago naunang lumabas. Nakasunod lamang ito sa aking likuran. Nang makarating kami sa Kryx Company ay nilibot ko lang ang paningin ko. Hindi kami pinagtinginan ngayon dahil hindi kami dumaan sa main entrance. Nakahawak ang kamay niya sa bewang ko, pilit ko ang alisin pero mas malakas siya kaysa sa akin kaya hinayaan ko na lang. "You're a lawyer, you can be a legal counsel in my company if you want." panimula niya nang makarating kami sa opisina niya. His offer catches my attention. Hindi ako makakauwi sa Pilipinas for 6 months, at wala naman akong source of living dito sa Singapore. However, my businesses in Philippines can support my needs here in Singapore pero iba pa rin kung meron din akong trabaho rito. "I'm fine with that. I don't have any source of living here in Singapore so I'll accept your offer." diretso kong sagot. "Great, then. Sign this contract if you're ready." May inilabas siyang papel at inilapag sa lamesa. Binasa ko lang ng iyon, it's about being their company lawyer. Wala naman akong nakitang problem kaya't pinirmahan ko na rin agad. "Good Afternoon, Mr. Dwight. I'll just remind you that you have meeting at 2:00 PM." narinig kong sabi sa intercom. Nilingon ko siya at nakita ko na inayos niya ang necktie niya. Tumingin ako sa wrist watch ko, "You have meeting, 10 minutes from now." saad ko habang nakatingin pa rin sa orasan. "Yeah. It's not that important." aniya. "Okay," pinagmamasdan ko siya habang nag aayos. "I'll tour around your company while you're at your meeting." saad ko. Nakita ko ang bahagyang pagtango nito bilang pagsang-ayon. "I'll introduce you first to the employees." aniya. Ako naman ang tumango bilang pagsang-ayon. Nang matapos siyang mag-ayos ay pinakilala niya ako sa ibang mga employees niya bilang legal counsel ng company. Pagkatapos nun ay umalis na rin siya para sa meeting niya. Nagsimula na rin akong maglibot, nag observe ako sa bawat empleyado na naroon. Kung ano ang ginagawa nila and all. Nang mapagod ako ay naisipan magpahinga sa cafeteria ng company. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng cafeteria. Maganda ito, at malawak. Marami ring empleyado ang narito, baka break time nila. Bumili ako ng milktea at pizza na tinda at naghanap ng mauupan, pero halos ata ng ng lamesa ay okupado. Makikitabi na lang ako, friendly naman ako eh. "Hi, can I share a table with you?" tanong ko sa table na may tatlong babae na nakaupo. "Sure." nakangiting sabi nung babae na blonde ang buhok. Feeling ko american siya. "I'm Yanna, and you are?" pagpapakilala ko at naglahad ng kamay sa kaniya. "I am Beatrice, these are Kitty, and Ashley." pagpapakilala niya rin sa mga kasama niya. Nakipagkamayan ako bago tuluyang umupo. "Are you also an employee here?" tanong nung Ashley. "Uhm, yes. I just got hired earlier in legal management." malumanay ko na sagot bago ako sumubo ng pizza na hawak ko. "Omg, so you're Atty. Ruiz? The new head of legal management?" gulat na tanong ni Kitty. Nakangiti naman akong tumango kase may laman pa ang bibig ko. "We are in finance. We usually eat here in cafeteria, so if you want someone to be with, you can be with us!" maligayang saad ni Beatrice sa akin. Hindi ko naman maiwasan na matuwa rin. Maganda ang environment dito sa company, hindi toxic ang mga employees. "Thank you! It will be nice to be with you!" saad ko bago uminom ng milktea. Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin hanggang sa tinawag ako ng secretary ni Dwight na nakalimutan ko na ang pangalan. Sean ata name niya. "I'll go now. Nice meeting you guys!" maligayang saad ko bago makipag beso sa kanila. Nakasunod lamang ako kay Mr. Secretary. "What's your name again?" tanong ko kase hindi ako sure sa name niya, nakakahiya naman kung tawagin ko s'ya sa ibang pangalan. "I'm Sean, Mrs. Kryx." seryosong saad nito. Hindi naman ako agad naka-react dahil sa tawag niya sa akin. Mrs what? Mrs. Kryx? Oo nga pala. Kasal nga pala kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD