Chapter Sixteen: Shippers.
Heather Alexandra's Point Of View.
Lunes na naman at maaga akong bumangon sa Higaan ko.
Naligo na ako at nag ayos bago bumaba sa hagdan.
Bumaba ako para maka-alis na dito sa bahay.
"Ma'am Alex kumain na po muna kayo bago pumasok sa school." saad ni Julia sakin.
Tumingin ako sa kusina namin at nakita ko si Ate Hazel na kumakain.
"Hindi ako nagugutom, tsaka kung si Ate Hazel lang makakasabay kong kumain mas gugustuhin ko na lang na magutom." saad ko.
"Paki sabi na lang kay Manong Berto na Ihanda na yung sasakyan ko, papasok na ako sa school." saad ko Kay Julia.
"Ma'am ano pong ganap? Ang aga niyo po yata na papasok ngayun." saad ni Julia.
"Wala naman, gusto ko lang pumasok ng maaga." saad ko.
Umalis na si Julia sa harap ko para sundin ang inutos ko sa kanya.
Pumunta ako sa Kusina para uminom ng tubig.
"Ang aga mo yata ngayun Ma'am Alex, Anong mayron?" tanong ni Yaya Shay.
Halos lahat ng tao dito sa bahay napansin na maaga akong papasok ngayun.
Maliban lang kay Ate Hazel kasi di ko naman sigurado kung tao siya.
"Wala naman Yaya Shay, Don't call me Alex." saad ko at bahagyang ngumiti.
Ipinag patuloy na ni Yaya shay ang ginagawa niya at hindi na n'ya ako kinibo.
"Yiu don't want to Call Alex?" tanong ni Ate Hazel Sakin.
"Kakasabi ko lang hindi ba?" pamimilosopo ko sa kanya.
"Siguro kaya ka maagang papasok ngayun kasi may inspiration ka ng pumasok, am i right?" tanong sakin ni Ate Hazel.
"No." tipid kong sagot at pumunta na sa Parking Area or should i say Garage ng aming bahay.
Nag maneho na si Manong Berto papunta sa School na pinapasukan ko na pag mamay - ari ng mga magulang ko.
Wala pa sila Serena, Daisy at Maecy at tsaka hindi ko naman sila sinabihan na Maaga akong papasok ngayun.
Dumiretso ako sa room namin at agad kong napansin si Seanley na nag babasa ng libro.
Kaming dalawa palang ang estudyante na nandito sa room.
"Bakit parang Ang aga mo yata ngayun Heather?" saad ni Seanley
"Wala naman." sagot ko sa kanya.
Mag katabi kami ng upuan ni Seanley kasi nga Chairmate kami.
"Seanley may Kapatid ka ba?" tanong ko sa kanya.
maaga kasi kami ng isang at wala naman akong ibang makausap bukod kay Seanley.
"Wala akong kapatid, bakit mo naitanong?" napahinto si Seanley sa pag babasa.
"Wala naman nacu-curious lang ako." sagot ko.
"Eh ikaw bakit parang kaaway na turing mo sa Kapatid mo?" tanong naman ni Seanley.
"Naikwento ko na sa'yo dati yung tungkol Dyan ah." saad ko at ngumiti na lamang si Seanley.
Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko pag kausap ko siya i mean ang gaang ng pakiramdam ko kay Seanley.
Biglang nag Bell hudyat na mag uumpisa na ang klase at isa-isa ng pumasok sa classroom namin ang mga Kaklase ko.
"Heather himala ang aga mo ngayun." saad ni Maecy at hindi ko na ito pinansin.
Napansin ko na ang sama ng tingin ni Serena kay Giselle my immortal enemy.
Halos lahat na lang talaga sila napapansin na ang aga ko pumasok ngayun.
Tumabi sakin si Daisy as always kami ang mag katabi.
Agad na nag umpisa ang aming klase.
Discuss here discuss there pero wala akong natutunan at wala ng bago dyan.
Feeling ko nga pumapasok na lang ako para hintayin na mag uwian.
Kring kring...
Tumunog na ang School Bell hudyat na break time na.
Kasama ko si Daisy at si Serena at Maecy naman ay mag kasama wala akong alam kung saan sila pupunta.
Nakita ko si Seanley galing sa Boy's locker.
"Ahm Seanley gusto mo ba na sumabay samin na kumain?" tanong ko kay Seanley nang mag kasalubong kami sa hallway papunta sa ground floor.
"thank you na lang, a-asikasuhin ko pa kasi yung nga fans ko sa cafeteria mamaya eh." saad ni Seanley.
"Napaka-asumero mo talaga." sagot ko kay Seanley.
"I'm not Asumero..." hindi pa natatapos ni Seanley ang sasabihin niya nang may biglang Lumapit sa kanya na grupo ng mga babae.
"Hi Seanley Pa-picture naman oh." saad ng isang babae.
"Seanley akin ka na lang please." saad naman ng isa.
Iilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga babaeng nandito ngayun sa harapan ko.
Ang iingay nila nakakairita.
Napatingin ako kay Seanley at nakita ko na nakatingin din ito sa akin.
"Kita mo na? I'm not asumero nag sasabi lang ako ng Totoo." saad ni Seanley sakin.
Sa sobrang inis ko sa kanya bumaba na lang ako at pumunta sa Cafeteria.
"Daisy nasaan ba sina Serena?" tanong ko kay Daisy.
"I don't know." sagot ni Daisy.
Nakita kong nag kakagulo ang mga tao sa may parking Area.
"Mukhang alam ko na kung nasaan sila." saad ko.
"Ako din." saad naman ni Maecy.
Pumunta kami sa cafeteria para tiyakin kung nandito ba talaga sina Serena at Maecy.
Tama nga ang hinala namin ni Daisy, sila ang pinag kakaguluhan ng mga tao.
Hindi para mag pa-picture or what kundi para manood sa nagaganap na away ni Serena at Giselle.
Inawat sila ni Ashton.
"What's happening Here?" tanong ni Mr. Rasonable our school principal kasama ang alalay niya este si Ate Hazel.
Correction hindi na Estudyante si Ate Hazel, dumadalaw lang talaga siya dito sa school na pinapasukan ko.
"Both of you go to my office now!" sigaw ni Mr. Principal.
Nakita ko na patungo si Ate Hazel sa direksyon ko.
"You are the Frog's Queen of this school right? Pero nakita mo ng may nag aaway sa harapan mo hindi mo pa inawat o sinita." saad ni Ate Hazel.
Tinalikuran ko na lamang siya pero hinila niya ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"Kinakausap pa kita." saad ni Ate Hazel habang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Ayaw kitang kausap." saad ko naman.
May isang lalaki na pumagitna samin at walang iba kundi si Seanley.
"Ano kayong dalawa naman na ang susunod?" tanong sa amin ni Seanley.
"Ito kasing si Heather eh." pag bibintang ni Ate Hazel.
"Sinisi mo pa ako eh kasalanan mo din naman." saad ko at tuluyan ng umalis kasama si Daisy.
Sumabay samin si Seanley papunta sa cafeteria.
Naupo kaming dalawa ni Seanley sa dulong upuan, Si Daisy naman ang um-order ng mga makakain namin.
"Heather alam mo ang swerte mo at may kapatid ka, kaya hanggang kasama mo pa siya mahalin mo na." saad ni Seanley.
"Alam mo hindi ko naman ginusto na mag karun ako ng kapatid isa pa wala naman akong pakialam sa kanya." sagot ko naman.
Napailing lamang si Seanley dahil sa mga sinabi ko.
Maya-maya pa ay dumating na din si Daisy dala-dala ang mga order namin.
"
Mukhang malalim yata yang pinag uusapan niyo." saad ni Daisy..
"Hindi naman." tipid na sagot ni Seanley.
Kumain kaming tatlo ng sabay-sabay pero hindi ko maiwasan na tignan si Seanley habang kumakain kami.
Hindi ko na maitatanggi na may itsura talaga siya at mabait pa.
"Heather..."
"Heather..."
Natigilan ako nang mag salita si Serena at binabanggit ang pangalan ko.
"Kanina pa ba kayo nandyan?" tanong ko na parang nawala sa sarili ko.
Kasama nila Serena at Maecy si Paula.
"Kanina pa kami nandito na-ikwento na nga namin lahat ng nangyare kanina, habang ikaw titig na titig kay Seanley." saad naman ni Maecy.
"Bakit ba parang titig na titig ka kay Kuya Seanley?" tanong sakin ni Paula.
"Ah eh ano ahhm Wa-wala naman." saad ko at nag tinginan silang apat habang si Seanley nakatingin sakin na tila ba hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Wala ba talaga o baka na realize mo na ang gwapo ko talaga kaya titig na titig ka." saad ni Seanley.
"Kung ipinanganak akong Yelo kanina pa ako natunaw dahil sa mga titig mo." saad pa ulit ni Seanley.
Kring...
Tumunog na ang bell hudyat na Tapos na ang Break time.
Nauna nang umakyat sina Paula at Seanley kaysa samin.
Pumunta muna kaming apat ng mga bestfriends ko sa Girls Comfort Room.
"O to the M to the G, Heather don't tell us that you are inlove with Seanley." saad ni Maecy.
"Me?" tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.
Bahagya akong sumandal sa May lababo.
Nag tinginan silang tatlo.
"May nakikita ka pa ba na ibang Heather dito?" tanong ni Serena.
Napahinga ako ng malalim sa di ko malaman na dahilan.
"First of all hindi ako inlove kay Seanley at tsaka kung mai-inlove man ako hindi sa kanya yun." saad ko at lumabas na ng Comfort room.
Umakyat na ako papunta sa Classroom namin at nakita ko na Nag uusap si Paula at Seanley.
Binaliwala ko lang silang dalawa at naupo na sa Tabi ni Seanley.
Discuss here discuss there dyan nagtapos ang buong araw ko sa school.
Hinintay ko lang na muling tumunog ang school bell para makauwi na ako at makapag pahinga.
Maya-maya pa ay nakauwi na din ako sa bahay namin at dumiretso sa kwarto ko.
Naupo ako at tumingin sa harapan ng salamin at parang siraulo na kinausap ang sarili ko.
"Ano kayang pakiramdam ng may nag mamahal sayo o nag mamahal ka?" tanong ko Sa sarili ko.
Laking gulat ko ng may sumagot mula sa tabi ko.
"Masarap po 'yun sa pakiramdam." tumingin ako sa nag sasalita.
"Nakakagulat ka naman Julia, Hindi ka man lang kumatok." saad ko.
"Ay sorry po Ma'am Heather, hindi naman po kasi nakasarado ang pintuan ng kwarto niyo." saad ni Julia.
Narealize ko na hindi ko pala talaga naisara ang pintuan ng kwarto ko.
"ganun ba? Bakit ka pala pumunta dito?" tanong ko kay Julia.
"Gusto ko lang po sabihin sa inyo na inutusan po ako ni Sir Harold na sabihin sa inyo na kanina pa daw po kayo tinatawagan ni Maam Allison sa cellphone niyo, Paki sagot daw po." saad ni Julia at umalis na sa kwarto ko.
Sinarado ko ang pintuan ng kwarto para naman wala ng mang-g**o pag nag i-emote ako.
Nag ring ang cellphone ko st nakita ko na si Mommy Ang tumatawag sa akin.
"Hellow?" bungad ko dito.
"Alex, nag sumbong samin ang Ate Hazel mo Kanina, may away dun sa school natin at nakita mo na pero hindi mo pinansin at nanonood ka pa." saad ni Daddy mula sa kabilang linya.
Alam ko na mag kasama sila ni Mommy ngayun.
Nang makita ko palang ang pangalan at number nila sa cellphone ko alam kong sisermunan na nila ako wala namang bago dun.
"Bukod sa sinabi ng Daddy mo nalaman din namin na plinano mo na takutin at mahulog sa isang balon ang ate mo!" saad naman ni Mommy at ako ito napapabuntong hininga lang.
Pinagagalitan nila ako dahil sa paborito nilang anak.
"Seriously ayos lang sa'yo na mawala ang Ate mo maging masaya ka lang, ganyan na ba talaga katindi ang galit mo sa Ate mo?" saad ulit ni Mommy mula sa kabilang linya.
"Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nag kakaganito, kayo ang gumawa sakin upang maging ganito ang ugali ko!" saad ko at tumulo ang luha ko pero agad kong pinunasan.
Sayang ang luha ko kung sila lang ang iiyakan ko.
"Lagi na lang kasi si Ate Hazel ang pinapanigan niyo at higit sa lahat wala kayong pakialam sakin!" saad ko ulit.
Pinatay ko na ang phone call dahil ayaw ko ng marinig pa ang mga susunod na sasabihin nila.
Panay na lang naman si Ate Hazel ang nakikita nila lagi na lang si Ate Hazel ang gumagawa ng tama tapos ako ito puro katarantaduhan ang ginagawa ko para sa mga mata nila.
Pinuntahan ko si Julia sa kwarto niya tiyak naman ako na gising pa yun dahil nag a-aral pa siya.
"Maam Heather bakit po kayo nandito ngayun?" tanong sakin ni Julia.
"Gusto ko lang itanong kung may nakikita ka pa ba na Goodside... Ahh wala Mag papasama sana ako sayo na bumaba." pag dadahilan ko.
Sinamahan ako ni Julia bumaba upang mag pahangin.
Bata pa lamang ako mag kakilala na kami ni Julia dahil katulong namin nuon ang yumao niyang ina.
Pero kahit kailan hindi ko naging kaibigan si Julia.
"Alam mo Maam Heather nababaitan pa din ako sa'yo hanggang ngayun." pang babasag ni Julia sa katahimikan.
"No way..." saad ko naman.
"Maam Heather kahit naman po anong tago niyo sa tunay niyong ugali lalabas at lalabas pa din yan hindi niyo lang napapansin." saad muli ni Julia kaya tinignan ko siya ng diretso.
"What do you mean?" tanong ko dito.
"Ibig ko pong sabihin na siguro kaya ayaw niyong ipakita ang tunay niyong ugali dahil sa nangyari sa iyo nuong past mo." saad si Julia kaya naman napaiwas ako ng tingin dahil tama sya.
Natatakot na kasi ako na baka maging uto-uto na naman ako higit sa lahat pag samantalahan ang ginagawa o ipinapakita kong kabaitan.
Pain makes people change
End Of The Chapter.